Chapter 3:Mystery

135 8 0
                                    

Ayesha Rain POV:

Hanggang ngayun hindi ko pa rin alam kung sino yung dalawang tumawag sa akin nung friday nakakabanas na dahil pangatlong araw ko nang inaalam kung sino ba sila, eh hindi nga natuloy yung pag alis namin nila Claire eh pero ngayun kailangan ko munang pumasok dahil first day ng pasukan kaya pagkatapos nun ay pupunta na agad ako sa meeting namin,kaya bumaba na agad ako at dumiretso sa kusina.

"Ayesha mamaya may meeting tayo kaya pumunta ka agad sa hide out natin pag tapos ng school"sabi ni kuya habang kumakain kami.

"Hindi ako makakapunta mamaya dahil may meeting pa ako papapuntahin ko nalang yung isa ko pang secretary para kahit wala ako masasabi niya sa akin pag naka balik na ako"sagot ko

"Hindi pwedeng wala ka dahil kailangan ka namin dun kaya bukas nalang yung meeting sasabihin ko nalang kila Tyrone dahil meron pa tayong mga bagong ka-meeting dun"sabi ni kuya.

"Ok"sagot ko

"Saang meeting pala iyon Rain?? At bakit hindi namin alam yung tungkol diyan??"tanong naman ni ate Zea

"Tungkol yun sa pinautos sa akin nila dad tsaka biglaan lang yung meeting pero kasama ko naman sila Claire dun" sabi ko

"Ok basta mag ingat kayo mamaya sa meeting na iyan ah"sabi ni ate

"Eh kayo tapos na kayo nasa pinautos sa inyo ate??"tanong ko naman

"Hindi rin pa"sabi niya

"Okay,sige na mauuna na ako"sabi ko

"Okay susunod nalang kami"sabi naman ni kuya

At yun pumunta na ako sa kotse ko at nag maneho na agad kailangan ko pang kausapin sila Claire para sa meeting namin mamaya.

Pagdating ko pinark ko na agad yung kotse ko at pag pasok na pag pasok ko palang sa entrance nakakita na agad ako ng mga estudyanteng nagkukumpulan dahil may mga nag aaway ata dahil boses ng mga babae yung rinig dito at nung napansin naman nila ako binigyan nila ako ng daanan para makita ko kung anong nangyayari.

Nung nakita ko na kung anong nangyayari, may nang bubully kay Althea na taga First year highschool at ang mga nang bubully lang naman ay yung grupo nila Ayssa,siya lang naman yung pinakamalandi dito sa Celvero Academy, ako kasi good girl ay hindi pala Ganster na mabait rin kahit papaano^-^

"Bitiwan niyo siya"seryoso kong sabi

"Eh paano kung ayaw namin"sabi ni Ayssa

"Pag sinabi kong bitiwan niyo siya bitwan niyo. Tsaka mas maganda pa siya, mas matalino sayo Ayssa at higit sa lahat mas maraming nanliligaw sakanya kesa sayo,ikaw kasi naiingit sa kanya kaya mo siya inaaway malandi ka na nga tas mang aawag ka pa ng iba sa problema mo ang landi mo kasi kaya kaunti nalang ang nanliligaw sayo and why?? It's because karamihan dito sa mga lalaki halos nalandi mo na ata kaya wag ka nang mag taka kung bakit mas maraming nag kakagusto sa kanya and what did you answer to me?? Paano kung ayaw niyo, tandaan mo wala ng ibang tutulong sayo pag ako ang kinalaban mo.... tutal alam naman na ng lahat na marami ka nang nilandi dito bakit di pa natin sagarin ang mga nalalaman nila, katulad nalang ng nabuntis ka nang isa sa mga lalaking nag aaral dito and pinahulog mo yung bata diba? at ang huli sa lahat diba nakipag relasyon ka sa mas bata pa sayo at habang kayo pa may 5 ka pang boyfriend at pang anim siya right??" Diretsong sabi ko sa kanya na may halong pang iinis.

"Ito tatandaan mo sa oras na awayin mo pa siya ipapa suspend kita sa school na ito at wag mo rin akong kakalabanin kung ayaw mong malaman nila yung tungkol sa buo mong pagkatao dahil sa huli ikaw lang rin yung mapapahiya"seryosong sabi ko,kabanas eh ang bait pa naman ni Althea tsaka siya pa naman favorite ko sa section 2 dahil matalino na siya mabait pa and maganda pa!!Oh diba!!

"YOU NEVER WALK ALONE"Where stories live. Discover now