Nanghihinang ibinagsak ni Rissa ang katawan sa kanyang kama matapos ang ginawang pakikipag-usap sa isa sa kanyang business partners sa Pilipinas. Actually, dalawa lang sila, sina Alexa at Maxine. Ang huli ang nag-overseas call sa kanya. Tatlong taon na mula noong itinayo nila ang Auditing firm na ang opisina ay nasa Makati. Matalik na magkakaibigan sila mula pa noong kolehiyo. Noong pare-parehong nakapasa sa CPA board exam, nagplano silang magtatrabaho muna para makaipon at makapagpatayo ng matagal na nilang pinapangarap na sarili nilang kumpanya. And after 6 years of hardwork, they decided to finally leave the corporate world, well, not literally leaving, but joining the business industry. Hence, the birth of RiAlMax Auditing, Accounting and Tax Services Inc. Now, their business is doing really well, and gaining more and more clients dahil sa magandang reputasyong kanilang naipunla at mahusay nilang serbisyo sa kanilang mga kliyente, kahit na nga ba sina Alexa at Maxine lamang ang direktang namamahala sa RiAlMax. Subalit ngayon ay tila mangyayari na ang matagal na niyang tinatakasan. Hindi pa puwede. Hindi pa ngayon. Hindi pa ako handang bumalik sa aking bansa.
"Ri, you need to be here. Alex just filed her 1 month leave para alagaan si Tita Trina, she was diagnosed with breast cancer. And who knows, baka ma-extend pa ang leave niya," ang bungad ni Max sa akin nang tanggapin ko ang kanyang overseas call. Hindi kaagad ako nakapagsalita sa ibinalita ng aking kaibigan. Tila nayanig din ang aking sistema. Si Tita Trina, Alex's mother, ay itinuring ko na ring hindi iba sa akin, just like Max's family too.
"How's Alex? Is she alright? Paano niya tinanggap ang diagnosis for Tita Trina?" ang tanong ko kay Max nang mahamig kong muli ang aking sarili.
"You know Alex is very strong, pero sa mga ganitong pagkakataon, lumalabas talaga ang ating kahinaan, lalo pa't ang pinakamamahal niyang ina ang sangkot. Kaya, kailangan ka namin ngayon dito. Alam mong tax season ngayon, at hindi ko ito kakayaning mag-isa," mababakas ang pagsusumamo sa tinig ni Max.
"Ri, matagal na panahon na rin naman ang lumipas. It's been three years, maybe it's time na harapin mo na ang iniwanan mo noon," ang dugtong pa ng aking kaibigan sa kabilang linya. Ilang sandali akong tila naparalisa sa kanyang huling tinuran. Tatlong taon na pala ang lumipas, subalit tila wala pa ring nagbabago. Hindi pa pala napaghilom ng Amerika ang sakit na dinala ko dito three years ago.
"I'll see what I can do Max. Magpapaalam pa ako sa employer ko dito. Tatawagan kita agad kapag naayos ko ang schedule ko." Dahil alam kong wala naman akong pagpipilian, at kahit naroroon pa rin ang sakit at takot, hindi ko naman puwedeng pabayaan ang aking mga kaibigan at ang kumpanyang pinaghirapan ko ring ipundar.
"Thank you, Ri. Don't worry, kasama mo ako, hindi kita pababayaan, alam mo 'yan. So, see you soon," iyon lang at tinapos na ni Max ang tawag, na tila nakatitiyak na siyang mapagbibigyan ko ang kanyang hiling.
Siguro nga ay tama si Max. Panahon na marahil para harapin kong muli ang lahat ng iniwanan ko noon. Marami na akong naisakripisyo nang dahil lang sa isang desisyong hindi ko man lamang pinag-aksyahang isipin nang mabuti bago ko gawin. Ngayon ay patuloy ko pa ring inaani ang naging bunga ng isang malaking pagkakamali. Kung sana ay hindi ako nagpadala sa matinding bugso ng damdamin, kung sana ay naging matalino ako sa pagtanggap ng katotohanan, kung sana ay hindi ko na lang nakilala si..... Subalit, sadyang minsan sa buhay natin ay kailangan nating madapa at masaktan para matuto tayong maging matatag. May mga tao tayong makikilala na magpapasaya sa atin, pero dapat din nating ihanda ang ating mga sarili sa mga taong maaaring magdulot ng ibayong sakit sa atin, kahit pa batid nating wala silang dahilan at karapatan na tayo'y pasakitan. Ah, tama na nga, hindi ito ang tamang panahon para magbalik-tanaw sa nakaraan. Kailangan kong makausap ang aking boss sa trading company na pinagtatrabahuhan ko ngayon. I need to file my leave as soon as possible. Mabait naman si Mrs. Smith, ang may-ari ng Leecht Hardware and Construction Materials, kung saan ako nagtatrabaho bilang Accounting Manager. Ang hindi ko lamang sigurado ay kung papayagan niya akong mawala ng matagal lalo pa't ako ang itinuturing niyang kanang kamay sa pamamahala ng Leecht. Biyuda na si Mrs Smith, her husband died of liver cancer five years ago. Ang panganay nitong anak na babae ay isang nurse, na obviously ay walang interes sa kanilang negosyong ipinundar pa ng kanilang namayapang ama. Ang bunso naman nitong babae rin ay nag-aaral pa ng highschool. Nakilala ko si Mrs. Smith dahil kay Ninang Precy, naging magkaibigan ang dalawa noong nagtatrabaho pa sa Amerika si Ninang Precy bilang manager ng isang kilalang restaurant. At kahit bumalik at nanatili na sa Pilipinas si Ninang Precy, hindi naputol ang ugnayan nila ni Mrs. Smith. Ah, si Ninang Precy, ang taong malaki ang naging bahagi sa aking buhay, at siyang puno't-dulo kung bakit ako naririto ngayon sa bansang ni minsan ay hindi ko pinangarap na pag-alayan ng mga karunungang nakamit ko sa aking bayang sinilangan. May mga pagkakataong nais kong pagsisihan kung bakit dumating pa sa buhay ko si Ninang Precy. Sana hindi na lang siya nakilala at naging boss ng Tatay ko, disin sana'y hindi rin nagsanga ang aming mga landas at wala ako ngayon dito sa Amerika.
YOU ARE READING
Selfishly Loving You
RomanceSabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat ng paraan upang masuklian din niya ang pagmamahal mo. Subalit sadyang may mga bagay na hindi ipinipilit, lalo na kung sa simula pa lamang ay mali na ang dahilan at taliwas sa tama ang pam...