Chapter 1: What is happening?

602 22 42
                                    

Cailey's Point of view

I am newly transferred here in Salazar High, sa school nila evil cousin. Yaah ang pinsan kong walang iniambag na mabuti sa bansa with his cool kid circles na akala mo walang tubig sa bahay nila dahil uhaw na uhaw sa atensyon.

It's the typical school na puro nagtsi-tsismisan ang maririnig. I hate this! I hate unnecessary noises argh! I've been convincing myself na konting tiis na lang dahil malapit na rin akong mag-graduate ng Secondary.

"Aray!" Sigaw ko nang may sumagi sa akin. "Argh! Kasisimula ko lang, ganito agad" Reklamo ko habang pinapagpagan ang katawan ko. Napatingin naman ako sa butones ng blouse ko at bukas iyon. "Argh! You pervert!!"

Hinahanap ko naman 'yung sumagi sa akin pero nawala siya. Lumingon ako sa may harap ng Computer Lab at nakita ko ang isang lalaki. "Found you"

"Hoy!" Hindi siya tumingin sa akin kaya mas nainis ako. Nakaheadphone siya at mukhang connected sa may pc. Tinodo ko ang volume hanggang sa mabingi siya at hinagis ang headphones.

"Anong bang problema--"

"Hoy! Kung mamamangga ka ng tao, matuto kang magsorry. Nadumihan na ang uniform ko at it all thanks to you" Nagcross-arm naman ako at inirapan siya. "Tsaka excuse me? Pumasok ako rito para mag-aral pero hindi ko inaasahang maka-e-encounter ako ng pervert na gaya mo!"

"I did what? Hindi ko alam kung anong sinasabi--"

"You freaking pervert!" Hinampas ko sa kaniya ang bag ko bago umalis.

**

"I'm excited" That is Sherry. After years of waiting ay dumating na rin sila sa school. Mukha namang pinaghandaan niya ang araw na ito. Just by her looks, iba ang hairstyle niya ngayon compare to the usual. If I were a man, I will probably get attract.

"Mas lalo na ako" Singit ni Trina. "Dito kaya nag-aaral si Tyron!" Well Tyron's my cousin and she's fond of him, I don't know why. Ngayon ko talaga masasabing magkakaiba ng taste ang mga tao.

Humarap naman sa akin si Sherry at parang inuusisa ako. "Are you okay? Kanina ka pa mukhang wala sa mood." Wala akong gana magkwento sa kung ano mang nangyari sa akin ngayong araw. Basta kapag nagkita kami ng manyak na 'yun, tatamaan talaga siya sa akin.

"You know I don't like it here" I said. Honestly speaking? Ayoko rito, pinilit lang naman akong dito na lang magtransfer. I'm perfectly fine naman sa former school ko and then sh*ts happened, dagdag mo pa ang nangyari sa akin kanina.

Pinaningkitan nila ako ng mata. Hindi ko naman masabi ang opinion ko because I want to show them that I'm getting better. Alam nila ang nangyari sa akin before, I just don't want to worry them. "Bumili na lang tayo ng food. If I'm not mistaken, nandoon banda ang cafeteria" Pag-iiba ko ng usapan.


Nang nasa corridor na kami papuntang canteen at sobrang ingay. Ayoko ng maingay geez! And these loud students? Gusto ko na lang silang maging sago!

I am about to be gone mad when I saw something demonic.

Hindi talaga ako lucky sa school na ito. I just saw something demonic and guess what? It's my evil cousin.

Akmang talilikuran ko na siya nang bigla niya akong tawagin. "Cousin!" Well Tyron's my cousin, and I hate it. "What are you doing here?" Masama ang kutob ko sa tanong niya. Sigurado akong hindi ako matutuwa.

I shrugged. "Mag-sha-shoping. Tanga ka ba?" I rolled my eyes at sinenyasan sila Sherry na umalis na lang kami. I don't want to argue with Evil cousin right now.

Words Left Unsaid [Fernandez #1] (Editing)Where stories live. Discover now