Chapter three

25 1 0
                                    


Rana's POV

Nasa elevator ulit kami galing kasi kami ni Ian sa Coffee shop

"Siguro magkakasundo tayo noh?" sabi niya and i answered him 'tsk'

"You know, dapat mag thank you ka, kanina ko pa kasi yun inaantay, wala man lang ako marinig mula sa'yo" sabi niya at tumawa lang ako ng mahina

"Di ko alam kung paano banggitin"

"Seriously?"

"Yes" at bumukas na ang elevator at patingin tingin ako sa kanya dahil naka sunod pa siya sakin,

"Uh... wag mo na akong ihatid kaya ko na" sabi ko

"Huh?" sabi niya at nagmadali n akong pumunta sa unit ko at nakasunod pa din siya

"Why are you following me" sabi ko at huminto na ako sa tapat ng pinto ko

"I'm not following you" sabi niya at lumampas siya sakin at huminto sa katabi ng unit ko at sinusian ito
"Dito ako, haha wag kang assuming bhe" pumasok na siya at nainis ako sa nangyari, naging assuming ba ako?

Pumasok na ako sa kwarto ko at dun ko lang napansin na di pa ako nagliligpit ng mga gamit ko at wala pa akong pagkain dito ang hirap naman talagang walang maid dito,

Paano ako bibili ng mga pagkain ko at ng iba pang kailangan ko kung wala akong kotse at di pa ako marunong mag commute at ang malala di ko saulo ang mga pasikot sikot dito,

Kinuha ko ang card ni girl at nakita kong Emily pala ang pangalan niya, matawagan nga, sabi kasi niya pag may kailangan pa ko itawag o itext ko nalang sakanya,

*Hi, it's Rana Santiago, i need some food, and something useful, wala akong alam sa mga pamimili ng mga things, babayaran nalang kita later pag pumunta ka dito, thanks:)*

Porket may smiley face ok na, hindi pa

Ilang oras din akong nakahiga lang sa kama ko at nag-fb lang, sobrang nakakatamad, saan kaya may malapit na bar dito? di mabubuo araw ko pag walang gala at inom sa bar

Nagmadali akong lumabas ng kwarto para pagbuksan ang nag doorbell sa labas baka si ms. Emily na, iniisip ko palang parang natatawa na ako sa dami ng bitbit niya,

"Hi ms. Em-" napahinto ako dahil hindi si Emily ang nakita ko "Ian?! what are you doing here?" tanong ko agad

"Ahm.. aayain sana kitang mamili, alam ko kasing baguhan ka palang dito kaya wala ka pang masyadong magagamit"

Aah... paano ba ako sasagot? in a good or bad way?

"Sure, wait lang kukunin ko lang yung money ko then gora na tayo" sabi ko at hinayaan ko nalang na nakabukas ang pinto, wala pa namang mananakawa dito

"Lets go" sabi ko at nauna na akong maglakad

***

"Ito gusto mo?" tanong niya habang hawak ang isang kurtina

"Di kasi ako sanay na maliwanag ang kwarto ko, gusto ko ng blue para bagay siya sa white na kwarto ko" at kinuha ko yung blue na kurtina pero may design kasi,

"Wala bang plain nito?" tanong ko sa sales lady

"Meron po ma'am, dito po tayo" at sumunod kami ni Ian sa sales lady

"Ahm.. masyadong maikli, bitin 'to, may mahaba pa ba nito?" tanong ko ulit sa sales lady

"Ahm.. ask ko lang po yung kasama ko" sabi niya

"Sales lady ka, di mo alam?" sabi kahit hawak ko pa yung kurtina at hinahaplos haplos ito at naramdaman kong siniko ako ni Ian

"What?" tanong ko

"Ang sama mo"

"Kasi yun naman talaga ako eh"

"Tsk, baka naman baguhan palang siya dito kaya di pa niya alam"

"Whatever!"

***

"Ano yan?" tanong ko kay Ian kasi namimili kami ng mga pagkain at mga pwedeng lutuin

"Gulay, wala ba nito sa new york?" biro niya pero di nakakatawa

"I mean, bakit ang daming gulay? at kung anu-ano pinagdadadampot mo"

"May pwedebg maluto dito noh? di ka ba tambay sa kusina?" natahimik ako sa sinabi niya di kasi ako marunong magluto,

"Kukuha lang ako ng sausage at eggs" sabi ko at sumunod siya, ayaw atang magpaiwan nito

***

"Itong chair na 'to maganda" sabi ni Ian at pinakita niya sakin yung upuan

"Ayaw ko niyan" sabi ko

"Ito? comforty 'to"

"Wait nga lang? ako ba ang namimili o ikaw?" sabi ko at sinamaan ko siya ng tingin

"Taray" sabi niya

***

"Bili tayo ng wine" sabi ko habang siya ang may dala lahat ng pinamili ko, pero nasa cart naman kaya tulak tulak lang

"Gusto mo ng TV?"

"Ahm... di naman ako mahilig manuod eh," sabi ko

"Beer nalang muna bilhin mo, may malapit na bar naman dun sa condo, pwede mo na nga lang lakarin eh"

***

"Done!" sabi ko at humiga ako sa kama ko

"Kailangan mo pa ata ng tulong?" sabi ni Ian pagpasok sa kwarto ko, oo nga noh? sulitin ko na kaya 'tong kabaitan niya?

"Masakit katawan ko" sabi ko at nag iinarte akong may pahawak hawak pa sa balikat at binti ko

"Gusto mo massage kita?"

"Marunong ka?"

"Oo naman"

"Ahm... mamaya nalang aayusin ko muna ang mga gamit ko" sabi ko at tumayo ako

"Ouch!" nag inarte na naman ako at humawak ako sa likod ko at umupo ulit

"Ako nalang muna mag aayos ng gamit mo, get some rest" sabi niya at binuksan na niya ang maleta ko

"Sige.. medyo may jetlag pa din kasi ako eh" at tumango nalang siya, ako naman humiga sa kama at natulog

Lesbian & the Badgirl (Kaye Cal & IU Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon