Prologue

27K 531 13
                                    

Author: Gusto ko lang linawin na, hindi na ito yung original na Plot nya... sa mga nakabasa na nito noon alam niyo naman siguro nag iba na itong Prologue. May magbago man hindi naman magbabago yung mga character siguro madagdagan lang sila, ayun lang talaga salamat!

Simula

Hindi naman sakin sinabi na maraming customers pala sa araw na ito, hindi ako na-orient grabe tuloy ang haggard ko after shift ko sa Cafe kung saan ako nagwowork as Part Time Worker...

Lucio's Cafe kung saan ako nagta-trabaho, una pa lang gusto ko na mag full time worker dito para mas malaki ang sahod para din yung sa maintenance ni Mama, kaso ang beautiful mother earth ko ayaw nya dahil mas gusto nya na mas mag focus ako sa pag aaral.

2 years na ako nagta-trabaho since makatapos ako ng High School nagpumilit ako magkatrabaho kahit ayaw ni mama, gusto ko lang naman makatulong sa gastusin sa pag aaral ko at the same time sa gastusin sa pang araw araw, hindi naman kasi sapat ang napapadala ng kuya ko dahil pamilyadong tao na sya at hindi naman tama kung sa kanya pa kami aasa kung gayon may sarili na siyang pamilya na dapat mas pagtuunan ng pansin

Wala din naman ako problema sa tuition ko ngayon College na ako dahil Scholar Student ako ng Clark High University ang isa sa pinaka malaking iskwelahan dito sa Pilipinas, High School at College student ang mga hinahawakan nito magkakahiwalay syempre ng mga building

2nd year na ako sa Assistant and Financial Management, mahirap man pero kailangan ko tiisin hanggang sa makatapos ako dahil para rin ito sa future ko at kay mama

Dahil nasa ibang bansa si kuya kasama ang pamilya nya, kami lang ni mama ang naiwan dito sa Pilipinas. Matagal na kasi ng iwan kami ni Papa, namatay siya nuong 10 years old pa lang ako. Kaya nang nakatapos si kuya sa High School nag trabaho na lang siya hanggang sa nag ibang bansa siya at duon na nakapag asawa, sabi nya okay lang kahit na hindi sya nakapag tapos basta ang gusto nya matapos nya ang pangarap ko na course at magkaroon ng magandang buhay

"Monica!" Napalingon naman ako sa tumawag sakin, malapit na ako sa bahay namin ng maharang pa ako ni Tina ang baklang ng taon ng lugar namin

"Bakit?"

"Buti naman nakauwi kana, wag kana dumiretso sa inyo sa hospital kana dumiretso sinugod kanina ng mga tambay mama mo" nanglaki ang mga mata ko sa gulat, nagmamadali ako nagpasalamat sa kanya at nagtungo sa paradahan ng tricycle upang magpahatid sa hospital ng bayan

Dun kasi naisusugod ang mama kapag inaatake ito sa sakit sa puso

"Sige Monica, wag mo na ako bayaran puntahan mo na si Jean" saad ni Manong Loy ng makababa ako sa kanyang tricycle, nagpasalamat naman ako bago pumasok sa loob ng ospital

Nagtungo agad ako sa nurse sa May information desk "Nurse? May sinugod po ba dito na pasyente na babae, Jean Rivera po ang name,anak nya po ako" tanong ko rito, may tinignan ito kung ano sa chart bago ako balingan muli ng atensyon

"Nasa loob pa rin siya ng Emegency room, pang apat na kurtina pagpasok" tumango naman ako at nagpasalamat

"Sabi ko naman sa mama eh... wag na kayo magtrabaho pa dahil alam niyo naman masyado na maselan ang sakit niyo" ani ko ng medyo okay na siya

"Naboboring na ako anak sa bahay, puro ipis at butiki na lang nakikita ko. Nagsasawa na ako sa kanila" ngumuso pa ito kaya napairap ako, si mama talaga!
"Papagalitan ako ni kuya eh.. sabihin na naman nun pinababayaan kita" angal ko

Hinawakan naman nito ang kamay ko "Wag ka mag alala ako bahala sa kuya mo" kinurot pa nito ang pisngi ko "At sabihin mo naman sa kuya mo baka gusto nya uwian naman tayo dito sa Pilipinas, ilang taon na siya hindi nagpapakita. Baka umuwi na lang yon kung kailan patay na ako at nasa kabaong"

"Mama"

Alam ko malaki na ang tampo ni mama kay Kuya dahil kahit hindi nya sabihin miss na miss nya na ang kuya, pati apo nya, ilang beses na din kasi ito humiling kay kuya Uwian kami pero hindi kami mapagbigyan dahil hirap ito

Lalo na masyado sya masungit ang byenan nya dun, kala naman kinaganda!

Nakauwi na kami ni mama dito sa bahay, kasalukuyan siya nagpapahinga na sa silid nya habang ako naman dito sa sala kausap si Kuya sa skype

Bumuntong hininga ito "Pasabi kay mama sorry talaga" malungkot na bilin nito "Marami lang talaga ako tinatapos sa trabaho at alam mo naman buhay namin dito sa Singapore Jeon" tumungo lang ako at napahilamos ng mukha

"Tampong tampo na si mama kuya, ramdam na ramdam ko na yon" ani ko "Kung ano ano na naman pinagsasabi na kesyo baka raw uwian mo na lang siya kung kelan deds na siya"

Kita ko sa mata nito ang lungkot at pangungulila "Miss ko na sobra si Mama,Jeon para nahihirapan talaga ako dito. Miss din kita bunso, wag kang mag alala gagawa talaga ako ng paraan para makauwi na ako jan, isasama ko ate Shiela mo at pamangkin mo" tumango naman ako at nagpaalaman na kami dahil may gagawin pa ito

Tinapos ko lang ang assignment ko at project saka nag review na din para sa dalawang subject namin na may quiz bukas, bago ako nag simula sa night routine ko at natulog na

Pagpasok ko pa lang sa university nagkakagulo na ang ibang studyante na parang bang may dadating na spicial na tao

"Baklaaaa" tili ni Viper ang kaibigan ko na tinalo pa ata ang max volume ng speaker sa lakas ng tili, akala mo nakalunok ng megaphone. Nang makalapit ito umakbay ito agad sakin "Alam mo ba kung ano meron?" Tanong nito

Dahil kakarating ko lang talagang wala pa akong alam at wala naman na announce na May special ngayon

"Ngayon daw babalik si King" kuminang ang mga mata nito sa sinambit, sinong king? King*na?

"Sino yon? Bat hindi ko naman kilala" clueless talaga ako kung sino yon, saka sa ugali ko pa naman na aral lang naman ang inaatupag dito sa University talagang wala ako malalaman mga ganap o issue dito

Ganun dapat, tularan niyo ako!

"Gaga! Si King" she exclaimed "si Ace! Austin Charles Ethan Swift,kuya ni Danica" napanganga naman ako sa binanggit nya

"Balita ko nga dito na yon magpapatuloy ng pag aaral, sayang nga lang Fourth year college na siya" ngumuso ito sa harap ko

Putspa! Seryoso ba siya?! Si Ace ang bumalik? King*na nga talaga!

The Casanova's Slave [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon