Chapter one

438 5 0
                                    

"Ano ba? Manahimik ka nga jan! Mapapa hamak ako dahil sa kadaldalan mo!" Utas ko ng pabulong.

Na hihight blood na ko dito kay benedict! Nag lelecture yung teacher namin pero talak parin siya ng talak! Jusq Lord! Help me! Terror pa naman tong teacher namin ngayon!

Buong klase ay inantok ako, pero nangdahil sa kadaldalan nitong ni benedict ay nawawala ang antok ko. Nung lumabas ang guro namin ay naka hinga na ko

Kinausap ko si Janel na aking matalik na kaibigan. Siya ay naka upo sa tabi ni benedict. Naka upo lang kami habang nag uusap at nasa gitna namin si benedict

"Janel!! Naintindihan mo ba?" Tanong ko kay janel

"Uhm medjo" sabi ni janel na may medjo kumunot ang noo

"Ako naintindihan ko. Ang galing ko talaga" sabi ni benedict na biglang sumingit sa usapan. Hinarap niya ko at hinarangan si janel

"Talaga lang ha?" Sabi ko na medjo iritado "sige pano nga ulit yung ginawa ni ma'am?"

"Basta itranspose mo lang yun. Ok na" sabi niya na medjo mayabang

"Sige pano mag transpose?" Sabi ko

"Ay obob! Madali lang yun!" Sabi niya sabay tawa

Si Benedict ay isang lalaki na naka braces at naka salamin. Mas matangkad ako ng 2 inches sakanya. May peklat siya sa may noo. Medjo chubby siya. Kilalang kilala siya ng mga teacher dahil may fourth year siyang kapatid dito. Gwapo yung kapatid niya. At isa rin kung bakit siya ay kilalang kilala ng mga guro ay dahil hindi siya nag papasa ng mga requirments, assignments at mga projects. Mabait naman sana siya kung tutuusuin kaso napaka daldal talaga at side comment siya ng side comment!

Nung papunta kami sa computer lab ay inalok niya ko ng Gum

"Gail gusto mo ng Gum?" Alok niya sabay ngisi

At dahil never ako tumangi sa mga nag aalok sakin ng mga pagkain ay kinuha ko yung gum. Pag hila ko dun sa gum ay may ipis! Nabitawan ko yung gum kuno at sabay tili. Buti nalang at walang teacher sa loob at onti nalang ang mga kaklase kong nasa loob ng silid

"HAHAHAHAHA" sabay nilang tawa ni Janel

Yun pala ay prank yung letseng gum na yun! Pag hinila mo yung gum galing sa carton nito ay may plastic na ipis na kasama

Nainis ako pero tumawa na rin ako kasabay nila.

Nung nag science na ay talak parin siya ng talak. Pag mag uusap kami ni Janel ay sabat siya ng sabat. Ganyan ang routine namin araw araw. Mag uusap kami ni Janel habang siya naman ay makikinig sa usapan at mag sside comment. Naiinis na talaga ko pero nag titimpi nalang ako

Nung pauwi na ay mag lolocker na kami

"Gail" utas neto

"Ano?" Sagot ko habang nag aayos ng gamit

"Gail"

"Ano?" Di parin ako tumitingin sakanya

"Gail"

"Ano nga?" Sabi ko sabay tingin sakanya

"Pogi ko" sabi niya sabay ngisi. Ay hala! Ano raw?

Bat ganun ang mga lalaki noh? Poging pogi na sarili! Mas gusto ko yung mga humble ag simplemg lalaki! Yung di mga fboi!

Kinabukasan ay pumasok ako at nakita ko na siya sa kanyang upuoan. Nilapag ko na ang gamit ko at nag locker. Pagkatapos ng flag ceremony ay nag usap nanaman kami ni Janel tungkol sa crush niyang si Justine, na nakita biya daw bago pumasok sa klase.

Seatmates with Benefits (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon