Mahal, Paalam.

27 3 1
                                    

Sa mga taong nagmamahal pero handa na ring magpaalam. Mga nagmamahal na sakit lang ang naisusukli sa kanila nang kanilang mahal. Mga nagmamahal at handa nang bumitaw para sa sariling kapakanan. Tama na, kung kayo'y nasasaktan na. Ano pang kwenta nang pagmamahalan niyo kung puro sakit lang naman ang naidudulot niyo. Pagmamahal ba talaga ang namamagitan sa inyo?

Mahal, Paalam.

Mahal, oo mahal.
Mahal kita
At nagmumukha akong tanga.
Pero, mahal paalam.
Pagibig ko sayo ay nagdulot nang pagkasawi
Paalam, oo minahal kita pero gusto ko rin matutunang mahalin ang sarili ko
Paalam, mahal. Mahal na mahal kita na sa tuwing nasisilayan ka tumitigil ang pagikot nang mundo ko
Mahal, mahal mo rin ba ako?
O nanaginip lang ako nang marinig kong banggitin mo ang mga salitang mahal kita sa harap ko?
Mahal, mahalin mo rin ako.
Hindi ko na kaya, kaya paalam
Paalam sa yong mga titig na sakin ay nagpapakilig.
Paalam sa mga pagkakataong tayo'y masaya.
Paalam, sa lahat na naidulot mong saya.
Na ngayon ay napalitan na nang lungkot at pagluluksa.
Nagluluksa sa tuwing inaala ang mga oras na tayo'y nagkasama.
Mahal, paalam.
Paalam sa yong pagmamahal, paalam sa'yo na nagiisang taong aking minahal o siguro'y patuloy kong minamahal.
Paalam, sana ay lahat nang ito'y tama at hindi ko pagsisihan.
Masakit mahal pero paalam.

~yours truly xoxo

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon