Hindi ko Kaya

35 1 2
                                    

Hindi ko alam na hindi ko pala kaya. Akala ko kasi oras na para itigil ang anumang namagitan sa ating dalawa. Pero mali ako, maling mali ako kasi hindi ko pala matatanggap na ikaw ay mawala sa akin. Paulit ulit kong sinisisi ang aking sarili kasi alam kong kahit kelan wala kang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako. Paulit ulit kong gustong himingi nang tawad sa pananakit ko sayo nang todo; dahil paulit ulit ko ring sinisi ang aking sarili sa pagkawala nang "tayo" -unsaid

Paano ba sisimulan ang pagsabi nang mga salitang tiyak na magiging dahilan nang iyong kasawian.
Paano ba sisimulan ang pagsabi nang mga salitang wawasak sayong puso't isipan.
Hindi ko kaya, ni hindi ko kayang simulan ang pagsabi sayo nang aking nararamdaman.
Hindi ko kayang ikaw ay masaktan, lalo na kung ako pa ang dahilan.
Hindi ko kayang makita kang malungkot, makitang mukha mo na nakabusangot.
Siguro magiging masaya pa ako, kung ikaw ay nakabusangot dahil ikaw ay napikon ko.
Hindi ko kayang makita kang nasasaktan habang ako'y nagsasalita nang mga katagang parang kutsilyong unti unting sinasaksak ang puso mo.
Hindi ko kayang tumingin nang diretso sayong mga mata habang sinasaktan kita.
Sayong mga mata na sa akin ay nagpapasaya.
Hindi naman sa ayaw ko na, sadyang gusto ko lang sabihin sayo na.
Tama na.
At ngayong nagawa ko nang simulan
Ang pag sabi nang mga katagang naglalahad nang aking pamamaalam
Hindi na kailangan na ako'y magtagal pa
Tama na kasi hindi ko kayang hintayin pa ang oras na kung saan tayo'y magkakasakitan na.
Hindi ko kaya, hindi ko kayang dumating pa ang puntong iyon kung kailan paulit ulit tayong magkasakitan nang nararamdaman.
At ngayong wala ka na, ngayong wala nang tayo at nanatili na lamang ang ikaw at ako
Nalaman kong mas hindi ko pala kaya
Hindi ko pala kaya na sa pag gising ko sa umaga maaalala ko na lang na wala na palang tayo at yun ay kasalanan ko.
Hindi ko pala talaga kaya.
Napagtanto kong mas hindi ko pala kaya na ikaw ay wala
At sa mga oras na ito ay aking hihilingin sayo na sana ay bumalik ka na
Dahil hindi ko kaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unsaid WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon