Simula

6 0 0
                                    

Simula




"Sophia, sure ka bang safe 'to?"


"Oo nga! Tsaka nangangailangan ka ng pera diba? Kaya grab the opportunity na 'noh!" Sabi niya habang pinapasadahan niya ang kanyang labi ng nude lipstick.


"Kinakabahan lang kasi ako," sabay hatak ko pababa sa aking dress na hanggang hita. Medyo naiilang ako dahil pakiramdam ko ay konting yuko ko lang ay bubuka na ang pintuan ng langit.




Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa whole length mirror. I'm wearing a red one-shoulder sequin dress na pinahiram sa akin ni Sophia. Feeling ko ay madali akong lalamigin sa dress na ito. Inayos ko din ang kulay itim kong heels. Ang puti kong balat ay lalong tumingkad dahil sa kulay ng aking suot.




"Hindi 'yan. Basta yung mga binilin k o kanina. Kapag iba na ang galaw gawin mo ang mga sinabi ko sayo." Tumango-tango ako sa sinabi niya.






Laking pasalamat ko kay Sophia at may raket siyang inalok sa akin. Sobrang nangangailangan talaga ako ngayon. Ang lola ko ay naospital dahil inatake sa puso. Wala naman kaming pantustos at ako lang ang pwedeng maghanap buhay dahil ang Lolo ay hindi na pwedeng kumayod. Ang tanging income nalang namin ay ang sss nila at konting naibebenta galing sa mga pamanim namin. Kaya wala akong choice at lumuwas ng Maynila. Kung sa Veseleios ako magtatrabaho ay kukulangin pa din.




Kinakabahan ako ngunit iniisip ko ang magiging kalagayan ni Lola. Ito naman ang oras para maibalik ko sa kanila ang pagpapalaki nila sa akin. My mom and dad died because of a car accident. Paluwas sila ng Maynila noon para asikasuhin ang negosyo ngunit habang nasa daan sila ay may nakabangga sa kanila na sasakyan sakay ang mga lasing na lalaki. Hindi na sila nakaabot sa Hospital. Sobrang sakit para sa akin 'yon. 17 palang ako ay nawalan na ako ng magulang. Unti-unti ding bumagsak ang kompanya ng mga magulang ko dahil napabayaan at wala ng ibang hahawak noon. 




Parehas na nag iisang anak lang ang mama't papa ko. Ang tanging natira nalang samin ay ang bahay namin at ang Hacienda Hieremias kaya nagsumikap akong mag aral noon ngunit dumating ang araw na nagkasakit ang Lola ko at hindi na kayang tustusan ang pag aaral ko. Ang sabi ni Lola ay ibenta ang bahay para makapag aral ako ngunit hindi ako pumayag. Ito nalang ang natitirang alaala ko sa mga magulang ko. Mahirap kumbinsihan si Lolo't Lola pero kalaunan ay napapayag ko din sila. Ipinangako ko sa kanila na kapag nakahanap ako ng trabaho ay ipagpapatuloy ko ang 3rd year college ko.




"Maraming salamat, Sophia. Pati itong dress ay sayo pa din. Hayaan mo at pag kumita ako ngayon ililibre kita."




"Ano ka ba, Erianthe! Ipunin mo muna 'yang panlibre mo sakin at ipadala mo muna sa Probinsya ninyo. Tsaka mo nalang ako ilibre kapag nakaluwag kana." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Wow! Hindi ka mukhang gipit ha! Ano bang skin care mo at ganyan kakinis ang balat mo?" Sabi niya sabay tawa. Nakitawa na din ako sa kanya.




Nang matapos siyang mag ayos sa kanyang mukha ay pinaupo niya ako sa isang lamesa na may malaking salamin sa harap at puro bombilya ang nasa gilid. Halos pumikit ako sa pagkakasilaw roon. Nagsimula na siyang maglagay ng kung ano-anong make-up sa mukha ko. Ang huli niyang nilagay ay ang red lipstick. 




"You really are gorgeous!" sabi niya habang hinahaplos ang bagsak kong buhok na may konting kulot sa ibaba, "We don't need to curl your hair. Ayos na ito." 




Humarap ako sa salamin. Halos mamangha ako sa aking mukha. Magaling talagang mag make-up si Sophia. Natakpan niya rin ang kakaunting freckles ko sa mukha. 




"Salamat, Sophia." nginitian ko siya at sabay na kaming lumabas ng apartment niya. 




Halos magkasing tangkad lang kami ni Sophia, mas matangkad nga lang ako ng iilang dangkal. Magkababata kami ni Sophia, nagkakilala kami noong High School kami. Nagkahiwalay lang kami nang lumuwas siya pa-Maynila para magtrabaho. May kaya sila dati ngunit ang mga magulang niya ay naghiwalay. Sila ang may ari noon ng Hacienda Quirzuiro na kapartner ng Hacienda Hieremias na Hacienda naman nina Lolo at Lola.


May sumundo sa aming sasakyan at sumakay kami roon.


Ilang linggo akong naghanap ng trabaho ngunit ang ilang kompanya na pinag apply-an ko ay wala pang job order ang iba naman ay hindi para sa akin ang pwesto kaya nang tinawagan ako ni Sophia para alokin ng trabaho ay hindi na ako tumanggi. Pero nang malaman kong Escort girl pala ang trabaho ko ay agad akong umatras. Hindi ako sanay sa ganong trabaho.  




Ilang araw pagkatapos kong tanggihan ang alok niya ay tinawagan ako ni Sophia. Pinakusapan niya daw ang may ari ng company at ipinaliwanag niya sa akin na hanggang usap lang ang sakin hindi na hahantong sa kagustuhan ng kliyente. Ilang araw kong pinag-isipan 'yon ngunit nang tumawag ang aking Lolo at sinabing kukulangin na daw ng panggamot si Lola ay agaran ko nang tinaggap ang alok ni Sophia. 




Bumaba kami sa tapat ng isang five star hotel. Bumungad sa amin ang kulay ginto na may nakasulat na La Portego Palazzos. Pumasok kami sa hotel at halos mamangha ako sa loob nito. Iginala ko ang paningin ko. Kita ko ang naglalakihang chandelier sa itaas. 


"This way, mam." Sabi sa amin ng lalaking hotel staff at iginiya niya kami sa isang private restaurant. 


"I'll leave you now, Erianthe. I know you can do it. Just remember everything what I said. Okay? Text me if your done at sabay na tayong umuwi. Goodluck!" Bineso niya ako at dumiretso na sa kung saan. 


Nabawasan ng kaunti ang kaba ko dahil sa sinabi ni Sophia. pinasadahan ko muna ng kamay ko ang aking dress at humarap na sa double doors. Binuksan naman iyon ng hotell staff. 


"Thank you." Sabi ko at dumiretso na papasok. 




Ang unang nakita ko ay ang lamesa na may nakaupong lalaki, medyo naka awang ang bibig niya  habang nakatingin sa akin. Nang palapit na ako ay tsaka lang siya tumayo at ngumiti. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang baba. I know that look. He's wearing white button down shirt at ang kanyang pang ibaba naman ay maong pants. 


Nakangiti niya akong sinalubong. "Perfect." Bulong niya.




"Thank you..." 






Draft 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon