KAPATID! GUMISING KA NA SA KATOTOHANAN NA HINDI NA MAIBABALIK ANG KAHAPON. ALAM KONG MASAKIT SA MATA ANG MALALAKING TITIK KAYA IIBAHIN KO NA.
Unang una sa lahat. Alam ko ang nararamdaman mo. Marahil nasa kalagitnaan ka ng pagiyak at bigla mong nakita tong storyang to. Pero di yun aksidente. Siguro sabi ni Lord panahon na para gumising ka sa katotohanan. Anong katotohanan? katotohanang kahit anong pilit ang gawin mo ay di mo na maibabalik ang kahapon.
Pero isipin mo na lang kung nakita ka niyang masaya at di yun dahil sakanya. Sa totoo lang ako na nagsasabi sayo masakit, sobra. Siguro nga kung magiging masaya ka ay sapat na para maipataw ang katarungan ngunit alam ko, oo alam ko wag mo nang ipakita ang pekeng mga ngiti saiyong labi dahil sa huli ikaw rin ang masasaktan. Masasaktan ka sa katotohanan na dahil sakanya pati mga ngiti mo ay peke na rin. Alam mo yan sa sarili mo, at pag dinaya mo ang sarili mo kilala mo nang kung sino ang talo.
Kaya wag na wag kang magpapagapos sa tanikala ng nakaraan. Dahil ang tanikalang ito ang naiging dahilan ng pagkakalawang ng isang sistemang nilamon ka na. Pilitin mo ng mabuhay sa kasalukuyan, wag sa kahapon dahil masasaktan ka, wag din sa hinaharap dahil aasa ka, manatili ka sa kasalukuyan, isang kapanapanabik kahit di tiyak na sandali. Paano? isang simpleng paraan lang ang maibabahagi ko, at marahil ang sikreto ko!
Di sya tao, di bagay, di hayop, at di rin lugar. Ano yun? Walang iba kundi ang salita. Salitang nagbibigay buhay, isang salita ngunit napakaraming kahulugan, isang salita na naging laman, at isang salita na nabibigay ng liwanag sa bawat madilim nating landas. Maraming nagsasabing di sya totoo, di ako naniniwala dun. Sapagkat siya ang nagsilbing hagdan noong sa nasa pinakaibabang palapag ka pa lang, di ka makakababa dito pero makakaakyat ka. At siya ang halimbawa na hindi nagpagapos sa tanikala ng kahapon, dahil kinalimutan nya na ang kahapon mo at inako na nya ang kinabukasan mo, para di ka na mamroblema pa. Mahal ka nya hindi dahil sa kahapon mo, mahal ka niya kase anak ka nya!
BINABASA MO ANG
Bukas na Liham
PoetryIto'y para sa lahat. Sa lahat ng di makalaya sa tanikalang nakagapos. Tanikalang di lang pumipigil ngunit kumakain din ng laman.