Nasasaktan

20 0 0
                                    


Marahil nakaramdam na tayong lahat ng hinanakit, pananakit, at pasakit dahil tao lang tayo napapagod, nanghihina. Ang masakit pa dun dahil yun sa maling tao, maling tao na walang kakwenta-kwenta at walang kabuluhan pero di mo na mababago yun. Kung nasaktan ka kasalanan mo na yun! Pero wag kang magalala't buo pa ang katawan mo at sa ayaw mo man o hindi ang buhay ay uusad hanggang ang ating laman ay kainin na ng lupa.

Hayaan nyo kong gamitin ang inyong imahinasyon, magkwekwento ako ng isang istorya tungkol sa isang dagang umibig sa usa. Napakaimposibleng kwento pero napupuno ng pagibig.


                                                                                  "Di Tugma"


Noong mga panahong ang mga hayop ay may kalayaan sa pagibig, maraming nagbungang mga lahi ng hayop katulad ng magasawang kabayo at tigre ay nagkaanak ng sebra, ang kreyn at ang baboy ay nagkaanak ng flamingo. Lahat ay may kalayaang umibig, may kalayaan kung sino ang ang iibigin walang kapootang panlahi.

May isang daga, kayo na bahalang magpangalan, may gustong gustong siyang babaeng usa. Mabilis ang usa at maganda ang mga mata nito. Ngunit noong mga panahong iyon ang konseho ng pamahalaang pang hayop ay nagaaklas ukol sa malayang pagiibigan. Tutol sila dito sapagkat dumarami ang uri ng hayop kaya nauubos ang pagkain. Alam naman nating lahat na pag pamahalaan ay ganid at sakim sa kapangyarihan kaya di ko na sasabihin pa. Agad nagpataw ng kautusan at kung sino mang sumalungat dito ay itatakwil sa regno animalia o kaharian ng mga kahayupan. Di makapaniwala si Daga, si usa naman ay nangamba kaya tumakbo at di na muling nasilayan. Kaya si Daga ayun malungkot, balisa, nanghihina. Konti na lang ang kinakain nito simula nung umalis si usa. Pero sa likod nito'y nagustuhan na pala ni usa si daga ngunit natakot sa banta ng konseho kaya lagi siyang pasulyap sulyap na lang sa kawawang si daga. Walang silang magawa, di nila alam kung di ayon sa kanila ang tadhana o di pa sila handa. Pero isa lang ang sigurado kung nasaan si pagmamahal nakabuntot lagi si nasasaktan.


Nakapanlulumo? Walang "Happy Ending"? Kala nyo lang. Sa katunayan mas maganda ngang inilayo sila sa isa't isa. Baka may usa na sa kanal ngayon diba? Wag kasi nating ugaliin tumingin sa negatibo panig, lalo lang nating iisipin na malungkot ang istorya dahil yun ang iniisip mo! Baka mas lalo tayong matakot pag yung daga hinahabol tayo diba? Parang pag nasasaktan ka lang do the reverse pag sinaktan ka ng tao isipin mo naman yung negative sa kanya, yung negative na karapat-dapat talaga siyang layuan. And look at the positive side, na may mas best na lalaki o babaeng karapat-dapat para sayo, yung tipong haharap kayo sa altar at magsasabi sa isa't isa ng "I Do!". Wag lang lagi sa negative, at wag lang lagi sa positive. Maging gitna ka sa dalawang panig na nagtatalo sa puso't isip mo. Paraan yun para makalaya ka sa tanikala ng posibleng pagkapariwara. Mahal ka ng Diyos, may plano sya para sayo kaya humakbang ka na pinaghilom nya na lahat ng sumasakit sayo, sya na ang nakaramdam lahat ng sakit. Ganun nya tayo kamahal. Kung ginawa nya lahat ng yun para saatin, Sa tingin mo hindi siya karapat-dapat pasalamatan? Karapat-dapat lang, kulang pa nga eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bukas na LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon