Chapter 4: So it's you

131 9 5
                                    

SDTA Chapter 4

Elaine's POV

NAGISING ako mula sa sinag ng araw na sumuot sa mga siwang ng window glass. Tama ba ang nakikita ko, window glass? Napatigalgal ako't nanlaki ang mga mata. Teka-teka. Asan ako? Inikot ko ang paningin kung saang bahay ako. Ganoon pa rin ang suot ko kagabi, walang bakas na may nanamantala ng pagkababae ko. Malinis ang kwarto. Nakukulayan ng yellow-green ang buong paligid very refreshing sa mga mata. Saka ang mga gamit in proper place lahat. I wonder kung babae ang may ari ng- ano ba 'to? Sumilip ako sa bintana.

Whoa! Nakakalula.
Nasa condo ako!
Takot ako sa matataas na lugar kaya bumalik agad ako sa kama at napaupo. Nanginig ang katawan ko sa takot. Asan ba kasi ako. Tatayo sana ako nang makaramdam ako ng sakit sa ulo. Oo nga pala nalasing ako kagabi. Patay naba ako? Baka langit na'to. Pinisil-pisil ko ang buong katawan baka patay na nga ako at nagmumulto nalang dito sa magandang condo. Pero sumakit ito. Bahagya akong napangiti, buhay pa nga. Naalala ko na, may sumagip pala sa aking lalake kagabi. Baka siya ang may-ari ng condo na ito. Kahit masakit ang ulo ko, o baka ito 'yong tinatawag nilang hang-over, sinikap kong tumayo at lumabas ng visitor's room.

Napansin ko sa sala, sa likod ng sofa ang maliit na aparador at may ilang picture frames baka makilala ko siya since wala siya at mukhang lumabas ata. Nilapitan ko ito saka tiningnan. Old picture. Medyo brown na ang kulay. Dalawang lalake na ang isa ay foreigner at isang babae. Naka-damit pang '80s silang tatlo at magkaakbay pa. May sign sa likod nila. Sinipat ko't binasa. The Weekly Bulletin. Parang hm. I see, mukhang journalists ata ang tumulong sa akin. Sa iba pang pictures, may bata na. Karga ng isang lalake kanina doon sa naunang picture.

'Yong isang frame naman, mukhang 4 years old na 'yong baby sa tantiya ko. Iba ang kasama niya. 'Yong isang babae saka 'yong  foreigner, magkasama sila. Sa likod ng mga pictures ay may nakalagay na album. Dala na rin ng curiosity, kinuha ko ito at binuklat. Puro pictures ng isang bata na lagi nalang may medals at in-fairness halos 'di na makita ang leeg niya sa sobrang dami ng medals huh! Matalinong bata! 'Yong isang picture may nakasulat sa background: 2004 National Chess Tournament. OMG talagang matalino. Turn on ako sa mga lalaking magaling sa chess. Nakaramdam ako ng gutom kaya tiningnan ko 'yong reef. Wow anraming pagkain! Kinuha ko ang Graham saka nilantakan. Bored pala kapag mag-isa lang sa condo kaya siguro wala pa 'yong may-ari. Habang kumakain ng graham binuksan ko ang 32 inches sa tantiya ko na flat screen t.v. 

"Mga kaibigan, pinatalsik na po sa pwesto ang kasalukuyang chief justice sa impeachment trial court na ginanap sa senado ilang minuto lang ang nakararaan. 2 out of 24 na senador lamang ang bumoto na hindi pumapayag sa pag-impeach sa chief justice. Sa susunod na linggo ay aabangan po natin ang susunod na itatalagang chief justice ng palasyo 'yan muna ang updates mula dito sa senado-." Nagulat ako nang biglang namatay ang t.v. ano daw? Automatic na namamatay ganito ba ang high-tec. na t.v.? "Hindi, sinadya ko lang patayin." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig habang puno ang bibig ko ng Graham. Pamilyar ang boses. Inayos ko ang upo saka lumingon sa kanya ng dahan-dahan. Nasa baba ang tingin ko. Tiningnan ko ang paa niya. Maputi ito, walang dumi sa kuko. Saka pataas mabalbon ang paa niya. Ang tuhod, hindi maitim pantay ang kulay. Pataas hmp. Naka-boxer siya! Nag skip ako sa alam muna. Pero teka, naka-topless ba siya uhmp. Bago ko siya tingnan sa mukha makaramdam ako ng paninikip sa lalamunan. Bakit may goiter naba ako? Pero hindi, tingin ko nabibilaukan ako.
"Tubig tubig!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Agad siyang kumuha ng isang basong tubig. Ipinainom sa akin. Nang mahimasmasan ako, unti-unti akong tumingala sa lalaking nag-save ng buhay ko. I owe him 1. Pero nang patingin na ako sa mukha niya, nakaramdam ako ng kaba pero itinuloy ko pa rin at nang makita ko ang mukha niya... tumigil ang lahat ng bagay na gumagalaw sa paligid. At naibuhos ko ang nasa bibig kong tubig sa kanya kasabay ng panlalaki ng mga mata. Gideon!?


"Oo ako nga!" Sigaw niya. "Yuck." Sabi niyang nakataas ang kamay at nandidiri sa tubig na nabuhos ko sa katawan niya. "Sorry". Sabi ko saka automatic na tumalikod sa kanya sa hiya. Ibig sabihin siya ang sumagip sa akin kagabi? What the heck! Tiningnan ko ang katawan ko, ganoon pa rin ang damit ko. Ibig sa sabihin hindi niya ako. No no no! Wag ka ngang mag-isip ng ganyan Elaine! Niyakap ko ang sarili. Hindi niya sana ako ginalaw! Bulong ko sa sarili nang Ay! Sigaw ko sabay takip ng isang mata habang ang isa ay nakatingin pa rin sa hubad niyang katawan na in-fairness ay maganda ang hubog at ang kinis pa, ganito pala ang hitsura ng katawan niya.


"Bakit na naman?" Tinuro ko ang katawan niya. Mukhang nakalimutan niyang naka topless pala siya. Tumingin siya sa katawan, nakita kong namula siya saka tinakpan ng kamay ang ibaba niya saka ang dibdib at nagmamadaling pumasok sa kwarto nito. Sinundan ko siya nang tingin habang papasok sa kwarto niya. Siya ba talaga ang Gideon na kilala ko noon?Grabe! Nakaka-stress ang araw na 'to! Akala ko naman nasa labas siya. Nakalimutan kong there's another room pa pala. At ang pinaka-height, si Gideon pala ang tumulong sa akin. T-tama si Gideon nga ba!? Napatingin ako sa album. Wag mo sabihing si Gideon ito. May nasabi ba 'kong turn on ako sa mga chess master? Hehehe... sa tingin ko wala yata. Nakalimutan ko e. Pero ang nakaka-shocked lang ay kung bakit ang bobo niya sa room noong high school kami, lagi siyang lowest sa lahat ng exams namin. Happy-go-lucky pa nga siya e. Saka sa pagkakatanda ko, wala siyang sinalihang ni ano mang chess contest sa school. Pero dito sa mga pictures anrami niyang medals. Tapos ito pa, 'yong isang picture, valediction siya noong elementary!? Ano ba 'to naguguluhan ako! Niloloko ba ako, kami ni Gideon?


Lumabas ng kwarto si Gideon na nakabihis na. "Ahm, sorry huh, kung naabala kita. Basta salamat sa pagtulong sa akin kagabi."

"Hindi kita tinulungan kagabi, ayaw ko lang nakakakita sa bar ko na may inaapi." Saka siya umupo sa kabilang upuan kaharap ko.

"Basta kahit ano man 'yon salamat parin at buhay ako." Sabay ngiti ko. Nako, kunwari pa siyang ayaw akong iligtas, ang totoo talagang gusto niya. Pero parang may iba sa sinabi niya e.
"Ano ka'mo? Sa'yo 'yong bar?"
"Yup bakit may problema?"
"Ah. Hehehe, wala naman." Sagot ko. Wow grabe ang mga revelation ngayon ah! Anrami kong nalaman ngayon tungkol kay Gideon. Na hindi talaga siya happy-go-lucky, na may condo siya at higit sa lahat pag-aari niya ang The Elite Bar. Shocks!
Nilubos-lubos ko na ang pagkakataon at talagang kinapalan ko na ang aking mukha. Gusto kong malaman ang tungkol sa picture. Ang pamilya niya. Lahat lahat.
"Um, Gideon, may kasama kaba dito sa condo mo, I mean pamilya ba."
"Hu, at sa'yo pa nanggaling ang tanong na 'yan ha."
Tumawa pa siya ng sarcastic.
"Wag kang feeling diyan, dinala kita dito para sa isang kasunduan."
What, did I hear it right?
"Kasunduan?" Paglilinaw ko sa kanya dahil excuse me, I don't remember anything na may natanguan akong kasunduan.
"Wag kanang mag maangmaangan pang kunwari hindi mo alam!"
Nag-iba ang ihip ng hangin, bakit ganoon siya. Napaka bipolar ng ugali niya. Nakakaasar! 'Di mo malaman kung nagbibiro lang siya o totoo e.
"Ano ba Gideon! Ang bipolar mo ah! Wag mo nga akong pag-tripan! Kung may problema ako sa'yo, sabihin mo na kaagad."
"Pwes babayaran mo 'yong panggugulo mo sa bar ko. Public scandal 'yon. Tapos hindi mo pa binayaran 'yong inorder mong imported wine na gawa pa sa liblib na lugar sa Trinidad and Tobago."
"What? 'yong hard drinks ba 'yon na ininom ko? Magkano naman 'yon?"
"Kung pagsasamahin lahat lahat mga more or less 50K."
"50K! As in ₱50,000.00!!!" Nanlaki ang mga mata ko na sa sobrang shocked ay napatayo ako't nakataas ang dalawang kamay. Ano bang kasalanan ko sa mundo? Bakit hindi nauubusan ng pagpapahirap ang buhay ko. Wala bang quota? Napaupo ako muli at ngumiti sa kanyang may hiya konti.
"So pwedi bang daanin ito sa mabuting usapan? Um, wala pa kasi akong pera e."

Gulong gulo na ako sa pagkatao nitong si Gideon. Kung mayaman siya bakit pa siya nag-transfer sa school naming public. Saka bakit sa poor man's university siya pumasok? 
"Magiging katulong kita, nang sa ganoon ay mabayaran mo ang utang mo." 
"What!  You mean housemaid?"
"Yup." Bakit naman. Nakakaasar naman talaga 'tong si Blessie!
"O sige, I accept it." Nakasimangot kong tugon.
"Good, start kana ngayon at unang rule, bawal ang nakasimangot dito."
"Opo." Saka ngumiting sarcastic ako.
May inilahad siyang papel contract papers daw para authenticated 'yong pagtatrabaho ko. 
Nagpirmahan kami kahit labag sa loob ko. 
"10 months kang magtatrabaho sa akin."
"10 months!?"
"Ano kaba, inuulit mo lang ang sinasabi ko e. Saka may incentive ka namang makukuha e".

PAGKARATING ko sa bahay, kinastigo ko agad si Blessie tungkol sa pirmahan sa pagitan namin ni Gideon. Bad trip ako at 'di man lang nakatanggi. At ngayon, hindi na ako pweding tumakas dahil may pirmahang nangyari. Hindi ko mahulaan ang ugali ni Gideon. Minsan kapag papasok siya, nakasimangot wala siyang kakusapin ni isa man sa amin sa buong block. Tapos minsan nakangiting papasok at makikipag-daldalan sa mga ka-blockmates. Naku-curios ako lalo sa buhay niya. At dahil sa ginawa niyang pang-aalipusta sa akin hindi ko na siya type. Kahit naba chess master siya kung inaaway niya naman ako, wala ding kwenta. Every after ng uwian diretso ako sa condo niya para maglinis. Minsan pinaglalaba pa ako. Nakakaasar. Pero hindi ito alam ni Tristan maging ng pamilya ko liban kay Blessie na siya naman talagang dapat managot nito. Mabuti at medyo bumait na si Blessie. Kaya bawas stress na rin.

She's dating the Activist (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon