Blind

74 63 54
                                    

Hindi sukatan ng nagmamahal ang pisikal na katangian ng isang indibiduwal kundi ang puso ang s'yang magdidikta sa lahat, kahit hindi mo pa nakikita ang anyong pisikal ng tao yon kapag ang puso muna ang tumibok para sa taong iyon ay wala kanang magagawa pa.

Ganoon ang naranasan ni Nicole Lee. Bata palamang si Nicole ay nakaranas na s'ya ng pag-ibig nagsimula ito noong nasa hayskul palamang siya, umibig siya sa kanyang mortal na kaaway. Si Grey Tan ang iniibig ni Nicole at s'ya rin ang kanyang mortal na kaaway. Naging sila, masaya ang pagsasama nila at umabot pa ito hanggang sa pagtatapos nila ng hayskul. Masayang-masaya si Nicole sa pag-aakalang n'yang iisa lang ang paaralang papasukan nila ni Grey.

"Hey! love congrats sa atin at nakatapos din tayo ng hayskul, na tayo parin at going strong."masayang bati ni Nicole kay Grey sabay hug dito.
"So sabay tayong pupunta sa university ng tita mo huh, para maka-take na tayo ng entrance exam." sabi ulit ni Nicole.
"Love yon nga sana ang sasabihin ko sayo ehh, ang disisyon kasi nila mommy ay hindi raw ako dito sa Pilipinas mag-aaral."malungkot na sabi ni Grey habang nakatingin sa malayo, ayaw niyang mawalay kay Nicole pero wala siyang magagawa sa pagkat ito ang gusto ng kanyang mga magulang.
"Alam mo love marami namang paraan para tayo ay magkausap parin diba, anjan ang fb, viber, skype diba, at tsaka pwede naman kitang dalawin doon o kaya umuwi ka rito kapag summer basta love walang bitawan andito lang ako sa tabi mo susuportahan ka."pagpapagaan ng loob ni Nicole kay Grey.
"Hay!ang swerte ko talaga dahil ikaw ang nobya ko..,love kahit malayo man tayo sa isa't isa lagi mong tandaan na ikaw lang, kahit na mahilig ka umiyak kagaya ngayon ohh umiiyak kana naman,kahit na parati kang kumakanta ng wala sa tono,kumain at asarin ako ikaw lang ang mamahalin ko,pangako babalikan kita at papakasalan."madamdaming pahayag ni Grey kay Nicole na umiiyak dahil sa sinabi ng nobyo. Pagkatapos sabihin iyon ni Grey ay umalis ito at may kinuha sa sasakyan nito isang music box na may kanta na si Grey mismo ang kumanta.
"Love pagnamimis mo ako patugtogin mo lang ito at isipin mong nasa tabi mo lang ako at kinakantahan ka." mabilis na niyakap ni Nicole si Grey. " Mahal na mahal kita Grey." "Mahal na mahal na mahal din kita Nicole."

Makalipas ang ilang buwan ay nagsimula na ang pasukan at naka-alis na rin si Grey patungo sa ibang bansa. Nahirapan ang magkasintahan sa kanilang pagkawalay sa isa't isa sapagkat ito ang unang bisis na nahiwalay sila sa isa't isa bungat ng maging sila. Pero kinakaya nila. Walang kasigurohan ang kanilang pagiging LDR ang tangi pinanghahawakan nila ay ang kanilang pagmamahalan at pangako sa isa't isa.

Isang araw, habang papunta sa paaralan si Nicole ay bigla nalang nawalan ng control ang kanyang driver sa kanilang sasakyan kay agad itong nagtuloy-tuloy sa may puno. Agad ding nawalan ng malay si Nicole.
Sa paggising ni Nicole ay nasa hospital na s'ya.

"Mom asan ako at bakit wala akong makita?" agad na tanong ni Nicole sa kanyang ina.
"Anak andito ka ngayon sa hospital." ang sabi ng mommy ni Nicole na nagpipigil lamang na humagul-gul sa iyak dahil sa sinapit ng kanyang nag-iisang anak.
"Mom, bakit wala akong makita?" ulit na tanong ni Nicole sa ina,dahil sa mga bubug ng windsheild na pumasok sa mga mata ni Nicole ay nagkasugat-sugat ang mga ito na naging sanhi ng kanyang pagkabulag. May biglang kumatok at pumasok ang isang doktor.
"Mrs. Lee, I am sorry but we couldn't find an eye donor for ni Nicole." hingin paumanhin ng doctor.
"Mom! wag mong sabihing bulag na ako?" umiiyak na tanong ni Nicole sa kanyang ina.
"Anak hindi ka mabubulag habang buhay maghahapan si mommy ng eye donor, wag kang mag-alala gagawa ng paraan si mommy shhhh tahan na."
pag-aalu ni Mrs. Lee sa anak.
"Mom alam ba ni Grey ang ng yari sa akin?"
"Hindi ko muna sinabi sa kanya, ang mga magulang lang n'ya ang may alam."ang sagot ng kanyang mommy.
"Mom pwede po bang paki-usapan sila tita na wag ng banggitin ang ng yari sa akin at pakibura narin ng mga account ko sa internet, please mom." ang paki-usap sa ni Nicole sa kanyang mommy.

Makalipas ang ilang araw ay nakalabas na si Nicole ng hospital. Pagkalabas niya ng hospital ay agad siyang nagpahatid sa lugar kung saan sila parati ni Grey pumupunta, ang lugar yaon ay isang malawak na lupain na may mga halaman at kita ang buong Metro Manila dahil nasa mataas itong bahagi ng lungsod. Pina-upo si Nicole ng kay yang ina sa dati nilang pwesto ni Grey. Inilabas niya ang music box na bigay ni Grey at pinatugtog ito.
"Love sana andito ka ano para naman may masandalan ako kahit papaano." bulong sa hangin ni Nicole.
"Alam mo miss hindi lang naman nobyo ang pwede mong sandalan anjan naman ang pamilya mo, mga kaibigan mo at pwede rin ako." sabi ng estranghirong lalaki, na nagpagulat kay Nicole.
"Sino ka, at bakit ka na rito?" kinabahang tanong ni Nicole sapagkat s'ya lang at lalaki sa lugar dahil nagpaiwan at babalikan nalang s'ya ng mommy niya pagkatapos ng trabaho nito.
"Miss hindi naman ako masamang tao, ako si Blake ang kinuhang personal nurse ni Mrs. Lee para mag-alaga sa kanyang nag-iisang prinsesa."
Si Blake ay isang registered nurse at nagtratrabaho sa hospital na pinagdalhan kay Nicole.

A Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon