"Bakit? Ano bang maling ginawa ko?"
"Wala kang ginawang mali, ako ang may ginawang mali."
"Papatawarin naman kita e, wag mo lang ako iwan, ayaw kitang mawala sa buhay ko."
"Sorry! May mahal na akong iba. Wag mo na ako kakausapin. Kalimutan mo na ako."
"Please! Huwag! Hindi ko kaya!"
"Tumigil ka na nga! Kailanman ay hindi kita minahal. Ginamit lang kita."
Lokohan lang pala ang lahat ng nangyare sa amin. Hindi niya ako minahal. Ginamit lang niya ako. Sa kanya na mismo nanggaling. Mas mabuti pa lang hindi na ako nagmahal, hindi dapat sineseryoso ang pag-ibig dahil dulot lang nito ay sakit at puro iyak. Wala rin naman matutunguan, hiwalayan din ang bagsak.
Ako pala si Jeni Haslings. Ako yung iniwan, niloko at ginamit.
Ang saklap lang nung nangyare sakin! Nagpaka-tanga ako sa kanya. Minahal ko siya ng sobra hanggang ngayon, siya pa rin. Noong naghiwalay kami, ayoko ng umibig pang muli, hindi ko na kaya. Laro na lang ang lahat sa akin. Walang sineseryoso.
Akala ko pag nagmamahal, masaya! Oo, may away o tampuhan pero naaayos din, pero bakit ganito?
Tanggap ko naman na nagkamali siya o nagkamali ako, pero bakit ganito?
Habang magkasama kaming dalawa, may isang taong nasa puso't isipan niya?
May mahal siyang iba?
Ginamit niya lang ako?
Ang sakit! Pero hindi ko magawang kalimutan siya, siya kasi first boyfriend ko at ang first love ko.
1 year and 4 months kami.