I dedicate this to you, who ever read this.
__________________________________________________________________________________
Thea POV
*Dismissal time*
"Sige una na ako, Thea." - Jeni
"Sige, ingat!" - Ako
Kitang-kita sa mukha ni Jeni na may sakit pa rin siyang nararamdaman. Nakakainis talaga tong si Jake, alam naman niya na wala na si Patrick at Jeni e, siya pa ang simuno.
"Thea!"
Napalingon naman ako para makilala kung sino ang sumisigaw ng pangalan ko pero sa tigin ko kilala ko na kung sino yun.
"Hatid na kita sa bahay niyo." - Jake
Sabi ko na nga ba. Hingal na hingal yung mukha niya.
"Busy ako, di pa ako uuwi, may gagawin pa ko dito." - Ako
"Alam ko, nakita ko na pinaalis mo na driver niyo." - Jake
"Kaya ko magbyahe Jake, okay?" - Ako
Hinawakan niya yung braso ko at pinigilan ako sa paglalakad.
Naiinis na talaga ako, hindi ba niya napapansin na ayaw ko nga.
Lumingon ako.. "H-" - Ako
"Please." - Jake
Bakit ganon? Yung itsura ng mukha niya. Seryosong-seryoso. Haay! Basta tigil na to.
"Magtatagal pa ako dito. Mauna ka na, salamat na lang sa pag-aalok mo." - Ako
"Hihintayin kita. Alam mo naman matagal na kitang hinihintay." - Jake
"Urrgh. Diba sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na ako." - Ako
"Hihintayin pa rin kita." - Jake
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Buti naman at di na niya ako pinigilan.
"Hay.. Tapos na rin sawakas." - Ako
"Uwian na! Good job." - Sir Louie
"Thank you sir. Wala ng poblema rin." - Ako