RANDOMS

18 1 0
                                    

*FLAPPY BIRD*

Magpapaputol ako ng daliri kong sasabihin mong hindi mo pa nalaro ang usong-usong mobile game na flappy bird (pero joke lang).

Ang main objective ng larong ito ay ang turuan si Flappy'ng lumipad sa pamamagitan ng pag-tap nang screen ng iyong cellphone at dumaan sa gitna ng dalawang naglalakihang pipes, kapag nagawa mo 'yun may points kang makukuha. Ang kinaiinisan lang ng maraming tao ay ang pagiging sensitive ng laro dahil sa kunting sayad lang ni flappy sa  pipes e GAME OVER na kaagad. Marami rin ang nagsabi na masyado daw mahirap at repetitive ang laro. Tama nga naman ang mga sinabi nila, mahirap at repetitive ang laro pero ba't nila ito nilalaro kung gan'un? Sagot: Naadik sila.

Noong una, wala akong planong laruin ang Flappy Bird  dahil sa mga nababasa ko sa social networking site na napaka-addicting daw talaga ito. At may nabalitaan pa akong pinatay dahil sa  larong iyon, kaya hindi agad sumagi sa isapan kong laruin ito. Makalipas ang isang linggo naging mas sikat si Flappy Bird, kasabay ng pagsikat niya ay ang paglaganap pa lalo ng mga nakakatawang meme's (pero nakakainsulto sa developer) at mga status sa social network na kesyo 'nakakainis ang Flappy Bird.' 'Ang bobo lumipad ni Flappy Bird, hindi marunong lumipad.' 'Ang bigat ng nguso nitong ibon kaya bumabagsak kaagad.' Ilan lang ang mga iyan sa mga nababasa ko. At mas lalo akong na-curious kasi sumigaw ang kuya ko at nagtatalon sa tuwa (exaggerated ako mag-describe) nang maka-score ito ng 15 sa naturang laro.

Ako: "Ano ba nilalaro mo?" Tanong ko sa kanya, nakita ko kasing seryosong-seryoso ito sa pagta-tap ng cellphone. Kababa ko lang sa hagdan 'nun, galing ako sa taas. (alangan namang sa baba 'di po ba?)

Kuya: "Flappy Bird, i-download mo rin. Palakihan tayo ng score." Ni hindi nga niya ako tiningnan ng sinagot niya ako.

Ako: "Ayoko, baka mapatay kita kasi nainis ako sa'yo dahil hindi ko malampasan ang highscore mo." ('yan sana ang gusto kong sabihin kaso ito ang sinabi ko)

Ako: "Ayoko, nakakaadik daw yan e." Naglakad ako papuntang sala at kinuha ko ang remote ng TV. In-on ko ito at nagpalipat-lipat ng channel. Nang makahanap ako ng maayos na palabas humiga ako sa sofa na gawa sa bamboo at tahimik na nanuod.

Kuya: "Oo nga." Sabi niya habang nakatutok sa nilalaro niya nang bigla itong napatawa at napamura.

Ako: "O ano na naman ba, 'bat ang ingay mo?" Tanong ko sa kanya, habang pinapanuod ko ang walang kakupas-kupas na Hunger Games sa Star Movies.

Kuya: "T*ng-ina!" sigaw niya ulit. Sa puntong ito, napatayo na siya sa kinatatayuan. At pinakita pa sa akin ang highscore niya.

Ako: "Ano ba?! 'bat kelangan sumigaw? Ang ingay mo, kita mong may pinapanood ang tao." Napabangon ako sa hinihigaan kong made of bamboo grass na sofa namin. "At ano namang gagawin ko sa 15 ha? tabi ka nga, nanunuod ako e." Sabi ko sa kanya habang hinahawi sa paningin ko ang walang kwenta at nakakaistorbong score na 15 ni kuya.

Kuya: "T*ng-ina! naka score ako ng 15! sinong hindi matutuwa 'dun? po-post ko 'to sa fb. haha!" sabi niya habang nagh-hysterical. (inuulit ko po, exaggerated akong mag describe)

Ako: "Pfft... 15? langya. Po-post mo sa fb? pagtatawanan ka ng mga tao kasi ang baba ng score mo." pagdi-discourage (o encourage) ko sa kanya. (Nalilito kasi ako sa discourage at encourage.) Habang pinapanuod ko pa rin sa TV si Katniss Everdeen na pinapana ang isang supot ng mansanas.

Kuya: "Anong mababa? mataas na 'tong score ko kesa sa iba no! Si Vice Ganda nga proud na proud sa 2 na score niya ako pa kaya na 15? t*ng-ina lang! haha!"

Hindi na ako mag di-discribe kasi exaggerated. (Insert whatever smiley you want here)

Sa sinabi ni kuya naging mas curious ako sa larong Flappy Bird. Pati si Vice naglalaro 'nun? 2 'yung score tas pi-nost niya pa? Out of curiousity pinindot ko ang remote ng TV at inilipat sa TV patrol ang channel.

Balita:

Sikat na sikat sa ngayon ang larong Flappy Bird. Pati mga celebrity naglalaro na 'din. Heto o.. (may pinakitang picture)

Jose Marie Viceral aka (Vice Ganda) : Thank you lord for this very wonderful achievement of mine. I'm so proud of myself. Naka post pa rin sa TV ang pi-nost ni vice na score niyang 2.

Kuya: "Kita mo? e yung two nga pi-nost niya ako pa kaya na 15? haha!" Tuwang-tuwa si kuya 'nung sinabi n'ya yun. Nag screen capture pa siya (click).Po-post niya talaga ang 15, sigurado na ako 'dun.

Out of curiosity na naman, lumapit ako kay kuya at pinanoud siya kung paano siya maglaro at kung paano laruin ang nauusong laro ngayon, ang Flappy Bird.

Kuya naglalaro ng Flappy Bird: (sound effects ng Flappy Bird)

Tssshk Tsshk Tssshk Tsshhk tink (1) Tsshk Tssshk tink (2) Tsshk Tssshk tink (3) Tssshk Tsshhk Tsshhk tuggsssh (GAME OVER)

Kuya: "Arggh! haha! ang bobo ko naman. Nasobrahan ako ng pindot ayan tuloy nauntog si Flappy! haha!" Sabi ni kuya kahit wala namang kumakausap sa kanya. "Ikaw hindi mo i-t-try? O eto," Inabot ni kuya ang cellphone sa akin. Hinihintay niyang abutin ko. Inabot ko naman at ti-nap ang screen.

Ako: "Sus, dali lang naman yan e." At yun nga naglaro na ako, sabi ko pa sa sarili ko lalampasan ko ang score n'yang 15 pero sa kasamaang palad na Game Over ako sa score na 4.

Kuya: "Hindi na rin masama, pero masa maganda sana kong mag d-download ka rin, pataasan tayo ng score." 'yan yung sabi niya sa'kin habang naglalaro na naman siya ulit ng Flappy Bird.

Ako: "Pag-iisipan ko muna." Yun lang sabi ko sa kanya. Bumalik na ako sa unang pwesto ko at binalik ko rin  uli sa Star Movies ang channel. 

--------------

Makalipas ang 1 linggo. Nagpapataasan na kami ni kuya ng score. Tama, di-nowdload ko ang laro. Hindi naman nakaka frustrate e, napansin ko rin na parang gumagaling ako sa pag co-concentrate at na te-test ang pasensya ko. Hanggang tawanan nga lang kami ni kuya at sigawan (hindi yung galit na sigawan)  kung nakakalamang ang isa sa amin. Hindi rin kami nag-away o nagkapikunan. Naging bonding moments namin ang paglalaro ng Flappy Bird at nagpapasalamat ako sa gumawa nito. Pero 'nung nagbukas ako ng account ko sa Facebook, nagulat ako sa mga posts tungkol kay Flappy. Oo, alam ko madaming naiinis rito pero 'bat pa sila naglalaro kung naiinis sila 'di ba? Parang tingin ko 'yung iba nakikiuso lang; kunyari naiinis pero hindi naman talaga naglalaro. Napaka insensitive ng ibang tao, inaaway pa nila ang developer. May nakita pa akong viral video 'dun sa youtube. Naglalaro siya ng Flappy Bird tas nung na GAME OVER siya sa score na 8 pinukpok niya ng martilyo ang Samsung Galaxy SII ata 'yun? (hindi ako sigurado kung anong unit.) Ano klaseng pasikat na naman 'yun? Pasikat na wala siyang Anger Management? Pathetic. (insert sad smiley here). Akala siguro nila cool na 'yung ginagawa nilang paninira sa game ni hindi man lang nila inisip kung ano ang nararamdaman ng creator/developer ng Game.

Ang Flappy bird ay ginawa ng developer na si Dong Nguyen. Naging hit ito ngayong taon sa loob lamang ng isang buwan dahil pinatanngal ni Dong Nguyen ang laro sa Apps Store. Pero nalalaro pa rin naman ito sa mga cellphone na in-install ang laro.

Dong Nguyen (Feb. 8, 2014 10:02 PM) "I am sorry 'Flappy Bird' users, 22 hours from now, I will take 'Flappy Bird' down. I cannot take this anymore"

***************************************************************

(A/N)

Hindi ko po 'to ginawa dahil nainis ako. Nalungkot po ako. 

At hindi po ako adik na adik kay Flappy. Naglalaro po ako 'nun pero di ako adik. xD Sa katunayan nga baka mas malaki pa 'yung score mo sa'kin. Hindi kasi lalampas sa 100 ang score ko, pero malapit na ako 'dun. ;)

Salamat sa pagbasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RANDOMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon