Letting go and moving on ; ONE SHOT

4K 44 13
                                    

Sabi nila, isa daw sa pinakamahirap na gawin sa mundo ay kalimutan yung taong minsang nagpasaya sayo. Minsang nagbigay ng pag asa at pagmamahal sayo, yung taong minsan mong minahal ng buong puso mo...

Mahirap naman talaga. Minsan, dadating ka sa punto na nagsisinungaling ka na lang sa sarili mo. Sinasabi mong, "Wala na. Hindi ko na siya mahal." pero alam mo sa kalooblooban ng damdamin mo na may natitira ka pang pagmamahal sa kanya. Wala kang kasalan. Wala tayong kasalanan. Ganyan talaga eh, nagmahal ka kasi. 

Letting go.. Yan ba yung tuluyang pagbitaw sa kanya? Pagbitaw sa kung anong meron sa inyo na isinusuko na nya? Pagbitaw sa mga memorya nyong dalawa? Maaari. Pero ang pag let go ay pagtanggap. Pagtanggap sa katotohanan na hindi ka na nya mahal. Oo, bumitaw ka nga. Binitawan mo siya, pinakawalan mo, pero hindi mo pa rin ito matanggap sa puso mo, ikaw din ang lugi. Ikaw ang talo dahil sinasaktan mo ang sarili mo habang siya ay nagsisimula na sa panibagong bugho ng buhay nya. Ang pag let go ay pag tanggap na hindi talaga siya ang nakalaan sayo at may isang taong mamahalin ka ng tunay at wagas. Maaaring hindi pa ngayon, pero may takdang panahon ang lahat ng tao. 

Pagkatapos mong mag let go, anong susunod? MOVE ON.

Tuloy ang buhay. Hindi ito tumitigil tuwing nadadapa ka. Kelangan mo bumangon, matuto sa iyong mga pagkakamali at magsimulang lumakad ulit sa daan ng buhay. Hindi lang siya ang makapagpapasaya sayo. Maraming mga tao ang nakapaligid sayo na handa kang paligayahin kung bibigyan mo lang sila ng pagkakataon. Siguro, kung matagal mo na silang na-aapreciate, hindi ka pa hahantong sa sakit na nadadadanas mo ngayon. MOVE ON...

Tumayo ka at lumakad ulit. I'm not saying it's going to be easy, I'm saying it'll be worth it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letting go and moving on ; ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon