Prologue

94 26 10
                                    

Crystal, lumabas ka nga sa lungga mo!”

Kakapasok ko lang sa kwarto ko,tinawag na naman ako tapos ano? Utos na naman. Ang hirap ng buhay na 'to. Palagi nalang akong inuutusan. Hindi naman sa tamad ako,medyo lang pero ang unfair kasi eh. Napakalaking unfair. Bakit? Dahil siya palagi lang nasa kwarto niya natutulog. Si kuya porque college student na hindi inuutusan dahil ‘busy’ siya kuno. Ang dalawa ko namang maliliit na kapatid walang ibang ginawa kung hindi ang magkalat. Hay naku~

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto.

Maglaba ka nga. Palagi ka nalang nagkukulong sa lungga mo!”

Look who's talking. Ako pa talaga ang palaging nagkukulong sa kwarto ah? Eh siya ano? Nagbababoy sa loob ng kwarto nila? Palibhasa kasi mataba at parang baboy kaya ayan laging tulog at utos lang ng utos. Try niya kayang lumabas,ano?

Without even talking,lumabas ako ng bahay at binanlawan ang mga damit na binabad ko sa pail halos 30 minuto na ang nakararaan.

Ano pa nga ba'ng bago? Ito naman palagi ang ginagawa ko eh. Ginagawa lahat ng bagay na inuutos hanggang sa ayoko na dahil pagod na ako tapos papasok sa kwarto at sisigawan na naman dahil palagi ‘kuno’ akong nagkukulong at walang ibang ginawa. Ewan nalang. Hindi ko na rin alam kung ano'ng gagawin ko sa buhay na ito eh.

Nga pala hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Mary Crystaline Dela Ruel. 15 years old. Nag-aaral sa isang public school at nabubuhay sa isang pamilyang hindi mahirap,hindi mayaman. Kumbaga nasa average lang. At eto nga naghihirap sa lahat ng utos ng ina.

Hindi ako pala-kaibigan na tao. Minsan lang din ako umiimik at kung sa utak naman ay hindi rin katalinuhan,hindi rin kabobohan. Palaging nasa first section at honor student kahit hindi first honor. Hindi ako kailanman naging first honor. Hanggang second,third,fourth,fifth lang talaga ako. Sabi rin nila ang suplada ko raw at minsan emotionless. Once in a blue moon lang kasi nila ako nakikitang nakangiti and to think na pilit pa yun ah.

Ba't ba ang tagal mo diyan? Magsaing kana nga. Ang kupad mong kumilos!”

Kung siya kaya ang magsaing diyan! Wala naman siya ibang ginawa kundi ang magdaldal,mag-utos at matulog. Kapag naman hindi matutupad ang utos niya,para nang puwet ng manok ang bibig niya. Hindi matatahimik tapos ikukumpara pa ako sa kanya at kung ano ang buhay niya noon.

Hindi ako siya okay? Ano ba ang mahirap dun? Ako si Crystal at hindi si Charity na ‘kuno’ ay masipag na bata NOON. Ano'ng pakialam ko dun? Mabuti pa sana ay tumahimik siya diyan forever,matutuwa pa ako.

Matapos kong isammpay ang mga labada ay agad na akong kumuha ng cauldron at nilagyan ng 4 cups of rice at inilagay sa lababo upang hugasan ang bigas. Hinayaan ko munang mag-over flow ang tubig at dumaloy sa mga kamay ko. Napatingin ako sa bintana na katabi lang ng lababo.

Napaisip ako.

Sana dahon nalang ako. Dahil kung titingnan mo. Napaka-carefree nila at sumasabay lang sa daloy ng hangin. They have freedom. Hindi naman sa wala akong freedom pero may mga bagay kasi na gustong gawin,hindi ako pinahihintulutan. Just like the other day,I asked for permission to visit my grandparents to rest. Wala kasi akong gagawin kapag nasa mga lolo't lola ko na ako dahil meron namang maids at makakapagpahinga pa ako pero she said,“Ano na namang gagawin mo dun? Magpaka-prinsesa? Iaasa lahat sa katulong ang gawain? Napaka-tamad mo talaga.”. Napabuntong hininga na lang ako.

Matapos kong ilagay sa stove ang cauldron upang maluto na yung bigas ay kinuha ko ang phone ko at nag-browse sa social media at umupo. Ito lang kasi ang nakakaaliw para sa akin. Mahilig ako magbasa sa wattpad at mag-browse ng kung ano-anong interesting na mga bagay.

A status caught my attention.

11:11 wish is real! I wished last night that my mom would buy me a new shoes and she did! Oh my gosh! I can't believe this! [insert a lot of emojis here]

I rolled my eyes and scrolled down. 11:11 wish? What a fool. Hindi ba pwedeng coincidence lang iyon dahil naawa sa kanya ang nanay niya dahil sobrang makaluma na ang sapatos niya? Psh. Childish. Hindi naman iyan totoo.

Oh,nakaupo ka na naman. 'Yung sinasaing mo sunog na!”

At doon lamang ako natauhan. Naaamoy ko na rin ang sunog na amoy. Shit. Patay nanaman ako nito. Agad akong tumayo at hininaan ang apoy na lumalabas sa stove.

May narinig akong ugong ng motor galing sa labas ng bahay. Nandyan na si papa.

Ano 'yung nangangamoy?",iyan ang sinabi niya pagkapasok niya ng bahay tss.

“'Yang anak mo palagi nalang nagse-cellphone. Sunog na naman ang kakainin natin.”,pagsusumbong niya. Wow. Ang sarap hilahin ng buhok niya't kalbuhin. Ni'wala nga siyang ginagawa diyan at nakahilata lang na parang baboy.

Tal,isantabi mo muna iyang cellphone mo. Ako nga oh,simula madaling araw pa. Gigising ng maaga para may makain tayo at mag-aabang pa ng isda para ibenta tapos kayo,magtatamad. Kung hindi nalang kaya ako magdadala ng pagkain dito blah blah blah”

Paulit-ulit lang naman 'yang mga sinasabi niya eh. Hindi na siya nagsawa at parang scripted pa. Memorize ko na nga eh at sobrang nakakairita kaya minsan naglalagay ako ng headset sa tainga para walang mga nakakairitang tinig ang maririnig ko.

Matapos kong magsaing ay agad na akong pumanhik sa kwarto, nahiga at nagtalukbong ng kumot. Kailan kaya matatapos ang ganito kong buhay?

--

This story is written in Tagalog and English.

This story is made of fiction.  Places, things,names and events are made from the author's wild imagination and some are true. No part of this story thereof may be distributed, copied, nor reproduce by the use of electronic, recording, photocopying and whatsoever can be. None will be posted to other sites without the author's consent. Note that PLAGIARISM IS A CRIME.

Expect some typographical errors and wrong grammars(I'm not that good in English). I would be much more eager to update if you do vote and comment.

Do not forget to HIT VOTE and LEAVE your COMMENTS

All Rights Reserved™2017-2018

11:11 WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon