-1-

75 19 35
                                    

"Okay ka lang?" tanong sa akin ng pinsan kong kaklase ko rin. Emerald Dela Ruel ang ngalan niya at ewan ko kung ano'ng meron sa bato at kaming magkakamag-anak sa ewan-ika-ilang generation ng mga Dela Ruel ay pinangalanang bato. Tumango ako bilang sagot at itinuloy ang pagsagot sa equation na nasa board.

"Alam mo, pinsan mo 'ko at alam ko kung kailan ka nagsisinungaling," sabi niya na nakatingin sa papel and obviously, nangongopya.

I'm glad to have a cousin like her. She's the only one who understands me in any aspects. Siya lang din ang hindi mailap sa akin at lagi kong nakakasama kahit may iba pa siyang kaibigan na inaatupag. Hindi kasi siya stick-to-one person at isang masayahing bata. Hindi tulad ko na parang nasa mga shoulders ko na ang mundo.

However, I don't need someone to sympathize me, I need someone to love me. Ayoko sa mga taong lumalapit sa akin na ang rason ay naaawa sila. Gusto ko lumapit sila dahil they care and they love me as who I am. Pity and care is way different from each other. Spelling pa lang.

Saglit ko siyang tinignan at muling itinuon ang atensyon sa papel. Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin siyang lumalapit sa akin kahit alam niyang wala naman siyang makukuhang matino sa akin, only silence. Hindi kasi ako sanay umimik at ngumiti dahil sa loob ng bahay ay lagi akong poker face.

"Guys, announcement!" Napatigil ako sa pagsusulat at tumingin sa Public Information Officer namin na nasa teacher's table, nakapatong sa upuan.

"Nagmeeting kaming mga SSG Officers kanina at may gaganaping Ms. and Mr. Nutrition this coming July 31 which is July ay Nutrition Month natin."

Nagsimulang mag-ingay ang paligid at dumagdag pa 'yung mga taong sumisita sa mga maiingay which is kasali sila. Napaikot ang mga mata ko. Kunwari nangsisita sa mga maiingay sila naman pala ang number one na nag-iingay. Tumayo ang presidente ng klase, "Guys, makinig muna kayo. Hindi madali para sa PIO natin ang mag-announce ng isang event kong patuloy kayong mag-iingay. Gusto niyo ba'ng hindi sasali ang section natin? Section one pa naman tayo."

"Hindi!" everyone exclaimed except me.

Instead of listening to that shitty announcement, I focused on my paper and continued answering. I don't give a damn to such events like that unless kung may extra curricular points iyan pero kung wala? I don't care.

"Guys, who wants to willingly volunteer?"

"Ako!"

"Ikaw nalang kaya, Best?"

"Ayoko nakakahiya!"

"Ayoko, ayoko, ayoko!"

"Ang OA mo naman, e para ito sa section natin. Ang ganda mo kaya!"

"Eh paano sa Q and A?"

Infairness, natawa ako ng bahagya sa huling narinig ko. Hindi siya sasali dahil takot sa Q and A portion? Believable. Malalaman mo talagang mukha lang ang meron, walang utak.

Maraming nag-react at maingay na naman ang paligid kaya hindi ako masyadong maka-concentrate tapos idagdag niyo pa ang mga taong OA na nakakapa-roll eyes sa akin.

Sinasabing ayoko pero ang mukha ngiting-ngiti na para ba'ng siya talaga ang pipiliin ng buong klase to represent our grade. Tss. Kung gusto, gusto, kung ayaw, pwede manahimik? Nakakairita ka.

Kinuha ko ang cellphone at headset ko mula sa bag at sinalpak sa tainga ko at full volume kong pinakikinggan ang mga favorite songs ko sa favorite band kong 'The Vamp at ang singer na si Ed Sheeran at ang The Chainsmokers. Idagdag na rin pala natin ang Little Mix. Mas interesado pa ako'ng pakinggan ang music kaysa sa mga taong hindi ko maexplain ang ka-OA-han.

11:11 WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon