-2-

59 18 7
                                    

"Tal, samahan mo 'ko sa palengke. Tulungan mo ko magbenta."

Agad akong napabangon sa narinig ko at dali-daling hinablot ang towel kong nakasampay at pumanhik sa banyo at naligo. Never na akong babalik ng palengke para magbenta noh, as in N-E-V-E-R. Sobrang nakakahiya kaya especially nung isang araw na sinama ako ni papa at may isang magbabarkada ang bumili at sinabing, "Ganyan ang tunay na negosyo. Mag-ama" tapos nagtawanan sila na parang wala ng bukas. During that time, I wished the floor would eat me. Ayoko kasi na kapag may gagawin akong isang bagay ay may magsa-side comment. I really hate it.

Matapos kong maligo ay kinuha ko ang uniform ko sa cabinet at pinlantsa. Si kuya nakahiga pa rin sa kwarto at ang sarap tadyakan upang bumangon. Alam naman niyang nasa iisang kwarto lang kami tapos magbibihis pa ako, hindi pa siya babangon diyan at lumabas. Kung meron lang lock ang kwarto na'to, hinding-hindi ko na siya papasukin.

Paglabas ko ng kwarto para sana kumain ay nakita kong nadun 'yung baboy nakaupo sa pwesto niya. Hindi nalang ako kakain. Nakakawalang gana.

"Papasok ka? Baon mo oh," binigyan ako ni papa ng 40 pesos at kinuha naman ko iyon dahil ubos na yung ipon ko kakabili ng art materials para sa project namin sa MAPEH.

"Papasok nalang dahil ayaw niyang magbenta sa palengke," side comment ng baboy kong ina. Alam mo 'yung feeling na ang sarap-sarap sumakal ng tao? Ganun yun eh, ganun yun. Pero pinipigilan ko dahil alam ko sa sarili ko na ina ko parin siya. Nawala na ako sa mood, ginagawa ko nalang ay pigilan tumulo ang mga luha ko.

"Ihahatid nalang kita. Kumain ka muna diyan."

Lumabas na ako ng bahay dahil wala akong gana kumain. Nasanay na rin naman akong hindi kumakain ng breakfast. Kaya ko nga ring hindi kumain ng tatlong araw eh. Seryoso.

Pagdating ko sa paaralan. First thing I did was to sign up my name on the attendance sheet and find a seat for me to sit down. Iniba nanaman kasi ang sitting arrangement at ginawang pa-letter 'u' 'yung mga chairs.

"May vacant seat pa ba diyan?!" pa-sigaw na tanong ni Emerald.

"Dito oh!" sigaw ng isa kong kaklase na hindi ko kilala. Wala naman akong choice at naglakad papunta dun at umupo, malayo kay Emerald at sa likurang bahagi ng classroom. Mabuti na rin 'yun.

--

Second period namin, wala si sir, palagi naman eh. We opted to go to the benches to have peace dahil sobrang ingay ng mga kaklase namin na nasa Main Shift.

I sat on a different bench, alone. Thinking about the things that happened and might happen to me. I feel so sad and down. My problem started when I became a grade 7 student pero lahat ng problema ay binabalewala ko lang at hindi na inisip pero God knows how I feel.

"What about you, Tal?"

"Huh?" I spaced out so I didn't notice na nasa tabi ko na pala si Emerald with a friend named Clarice.

"What if your parents will part ways. Kanino ka sasama?"

Napatawa ako ng bahagya—a bitter laugh. Kanino ako sasama? Ewan. Kung sasama ako sa papa ko, I kinda feel nervous because I am a lady and I don't know what may happen kung kay papa ako. Lalaki parin siya at babae ako. I'm not implying na I don't trust my father pero. . .basta.

"I don't know. Maybe sa lola or sa Mami ko nalang," kibit-balikat kong sagot atsaka umub-ob sa bag ko. Natrigger na naman ang depression ko't pinipigilan ko nalang tumulo ang luha ko. Nagpapanggap na natutulog dahil sa oras na ibukas ko ang mga mata ko, paniguradong tutulo luha ko. I don't want that to happen. Ayokong kaawaan ako. That's how my life works.

***
Pagkatapos ng second period namin ay recess na at pagkatapos naman ng recess ay Values na namin. MTW ang Araling Panlipunan namin habang every Thursday and Friday naman ang Values. And yeah, Thursday ngayon.

Habang patungo kami ni Em sa classroom namin ay humarang sa daanan namin si Trisha. As if on cue, umikot ang mga mata ko.
Simula noong nasabihan siya ni Em ng hindi kaaya-aya sa pandinig ay hindi na niya kami nilulubayan. Kahit ano nalang ang ginagawa niya para maka-ganti pero hindi talaga tumatalab sa 'min ang pangbata niyang revenge.

Lalagpasan na sana namin siya nang may humawak sa magkabilang braso namin. Tch.

"Ano na namang kailangan mo?" walang gana kong tanong.

"If this is one of your childish acts again, you better let us go or else sa Guidance Office na naman ang bagsak niyo," pagbabanta ni Em. Pang-apat na beses na kaming pabalik-balik doon pero sadyang makapal talaga ang pagmumukha ni Trisha na bumalik doon sa panglimang pagkakataon. Hindi ba niya naisip na baka nagsasawa na sa pagmumukha niya ang Guidance Officer ng school? Last chance nalang niya ito at masu-suspend na siya. Pasalamat nalang din kami ni Em dahil may witness kami every time na nang-away si Trish.

"Wala akong pakialam kung isumbong niyo ulit ako, ang importante ay makaharap ko kayo sa huling pagkakataon," masungit niyang sabi habang naka-crossed arms. Napataas naman ang kilay ko. Ano ba'ng kailangan niya?

"Spill," masungit ring sambit ng pinsan ko.

Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita. "I want to apologize for what I have done to you. I admit na ako ang maling-mali dahil una sa lahat, naging bitch ako because of sir you-know-who at ayoko lang na jina-judge ako nang dahil doon." Napamaang kaming dalawa ni Em sa gulat kahit hindi naman visible sa mukha ko. Nagkatinginan kaming dalawa at napailing nalang sa iniisip namin. Naka-drugs ba 'to?

"Second, I'm sorry because I am sorry. Today is my last day here dahil magmo-move out na kami dito sa District 1. We're going to the states," dagdag pa nito at tila ba nagyayabang sa huli niyang sinabi. Psh. Ano ba ang meron sa ibang bansa at hindi nakokontento ang iba sa lugar na kinalalakihan nila?

"Good for you," tanging nasambit ko. Wala na akong ibang naisip na isasagot sa kanya. Sana naman magbago na ang ugali niya pagdating doon.

Hindi man halata ang pagiging sinsero ng paghingi niya ng tawad, still pinapatawad ko siya.

It's easy to say sincere words when you're not really sincere. Hinayaan ko nalang, hindi ko naman kailangan ang sorry niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

11:11 WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon