AZRALIN POV:
ONE WEEK! one week na akong high blood at nagtitiis sa mga pangungutya ng walang hamak na Ungentleman Guy na si Zack! Ginagawa nya palaging miserable ang buhay ko. Hindi nya rin ako tinatantanan sa mga bwisit nyang pakulo.
Kaya ngayon nandito ako sa library at nagtatago. I mean, hindi naman nagtatago kundi umiiwas lang.
Mga isang oras na rin ako dito sa loob ng library. Nagbabasa at kumakalap ng impormasyon para sa darating na exam in this month. Kaya todo aral si ako ngayon.
Sabi naman kanina sa akin ni Alex ay sasamahan nya akong mag-aral dito sa loob library. Pero ang bruhilda! isang oras na akong naghihintay dito pero hindi pa rin sya dumadating! Siguro na stranded pa iyin sa mga chaka dolls na naghahabol sa kanya.
Wala rin kasi kaming klase ngayong umaga dahil may emergency meeting daw ang mga Prof. namin. Kaya feel free ang bruhang lumandi kahit saang lupalop ng school. Kahit ako nga nalimutan nya nang puntahan dito sa library.
Uuwi na rin sana ako kanina dahil walang pasok ngayong umaga. Pero itong bruhang si Alexiana pinilit akong magstay dito sa school. Kasi naman, magpapatulong sya sa akin na mangalap ng impormasyon tungkol kay mokong!
Mukha kasing natamaan ang bruha sa kapangitan ng mokong na si Zack kaya todo stalk ito sa kanya. Pero ang mas masaklap ay dinamay pa nya talaga ako sa kalandian nya! Hais't, malilintikan talaga yun sa akin pagnagkataon.
Habang nagbabasa ako ng libro ay may naramdaman akong yabag ng mga paa papunta sa derection ko.
'Siguro ang bruhang si Alexiana na yung dumadating. Argh! makakalbo ko talaga ang bruhang yun!'
"Pinaghintay nya pa ako dito sa loob ng library ng ilang oras pagkatapos ngayon lang sya darating?" nangagalaiti sa galit na bulong ko sa aking sarili at biglang may naisip na kalokohan. "Humanda ka sa aking bruha ka! Matitikman mo talaga ang kamandag ko ngayon!"
Mabilis akong nagtago sa mga book shelf sa di kalayuan. Kinalkal ko ang loob ng bag ko at kinuha ang makeup set na once in a blue moon ko lang ginagamit.
Kung nagtatanong kayo kong bakit may make-up akong dala palagi, yun ay dahil kung pinagtitripan ako ni Alexiana ay yun ang pinangblablockmail ko sa kanya.
'Ayaw nya kasi sa mga babaeng malalandi kaya yun ang pinangtatakot ko sa kanya.'
Pagkatapos kong magmake-up ng makapal at maglagay ng red lipstick sa aking mga labi ay sinilip ko agad si Alexiana na mukhang kanina pa may hinahanap na hindi nya makita. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha pero sigurado akong kanina pa nya ako hinahanap.
Napangiti naman ako ng nakakaloko at dahan-dahang pumunta sa derection nya. Pagkalapit ko sa kanya ay mabilis kong ipinulupot ang aking isang kamay sa kanyang baywang mula sa likuran at ang isa naman ay nakapatong sa kanyang dibdib. Dinikit ko ng husto ang aking katawan sa likuran nya saka ko sya binulongan sa kanyang kaliwang tenga.
"Nagulat ka ba baby... hmm?" nang aakit na sabi ko sa kanya mula sa likuran.
"Yes baby nagulat mo talaga ako." nang aakit ding sabi nya at bigla akong hinarap. Kinulong ako nito sa loob ng kanyang mga bisig kaya hindi ako nakawala.
BINABASA MO ANG
THE MANHATER'S SECRET ADMIRER (On-going)
RomanceShe's smart, sexy, beautiful, elegant, and a Manhater? Yes, Azralin Jais Delos Santos is a Manhater because of love. She always ignored people and hate them. But most of all she hates boys. Yeah, she hates boys so much! it's because of what she suff...