AZRALIN POV:
'Yayks! makakauwi na rin sa wakas!'
Grabe naman kasi tong araw na to nakakabaliw. Akalain nyo yun, sa lahat ba naman ng tao na makakasagupa ko dito sa school na'to ay yung hambog na lalaking yun pa? Idag-dag nyo pa yong tatlong Bruhildang Chaka na mukhang paa kanina! Hay, nakakabwisit talaga! Mabuti nangalang at mabilis lumipas ang mga oras at uwian na ngayon. Makakapagpahinga narin ako sa wakas!
Naglalakad ako ngayon dito sa gilid ng eskinita pauwi ng bahay. Medyo nakalayo-layo narin ako sa school at naisipan kong dumaan dito sa short cut upang makauwi ako agad sa amin. Yun ngalang habang naglalakad ako simula pa kanina ay napansin kong may sumusunod sa akin.
Ang lakas talaga ng kutob ko na may nakamasid din sa akin mula nang makalabas ako ng paaralan. Ngunit hindi ko ito pinansin kanina dahil baka guni-guni ko lang iyon. Pero habang tumatagal ay nakakahalata na talaga ako. Kaya ang ginawa ko ay nagpangap akong walang alam at medyo binilisan ang aking paglalakad.
Habang pabilis ng pabilis ang paglalakad ko ay napansin ko ang isang itim na sasakyan na bumilis din ang pagtakbo. Nakasunod ito sa akin at hindi ako nilulubayan kahit na saan-saan na ako nakakapunta.
Lakad takbo na ang ginawa ko nang makitang humarorot papalapit sa akin ang itim na sasakyan. Medyo nakahinga pa ako ng maluwag nang makita na nilampasan lang ako nito. Ngunit bigla naman akong kinabahan nang huminto ito sa unahan ko.
May bumaba na limang malalaking mga lalaki sa loob ng sasakyan kaya napahinto ako sa aking paglalakad. Nakita kong nakasuot ang mga ito ng man-made leather jacket na kulay itim with matching maong pants and boots. Nakabonet din sila kaya hindi ko makita ang tunay nilang mga mukha.
Napahakbang ako paatras nang magsimula ang mga itong lumakad papalapit sa kina tatayuan ko. Nagpalinga-linga din ako sa buong paligid upang manghinggi ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ay wala akong may nakitang kahit isang tao.
Masyado kasing liblib ang eskinitang pinasukan ko. Hindi rin ito karaniwang dinadaanan ng mga tao. Kaya imposibleng may hingian ako ng tulong.
Magtatangka sana akong tumakbo pabalik sa dinaanan ko kanina ngunit agad akong hinarangan ng dalawang nakaitim na lalaki. Ang tatlo naman nilang kasama ay nasa likutan ko at naglalakad papalapit sa aming direksyon.
Nang makalapit ang mga ito sa amin ay pinalibutan nila agad ako upang hindi makatakas.
"Anong kailangan nyo sa akin?" Seryoso kong tanong sa kanila at hindi pinahalata ang kabang nararamdaman.
"Sumama ka sa amin miss ng mapayapa upang hindi ka na masaktan pa. Gusto ka lang makausap ng boss namin kaya sumama ka na." sagot sa akin ng lalaking nasa harapan ko.
"Kung kakausapin lang pala ako ng boss nyo, eh bakit kailangan nya pa akong ipakidnap? Pwede naman kaming mag-usap ng matino at mahinahon ng hindi napupuntahan sa ganitong paraan." Nakapamaywang kong sabi sa kanya.
"Wag ka na lang magtanong miss. Sumama ka nalang sa amin ng mapayapa." Sabi nito sa akin at sinenyasan ang dalawa nyang kasamahan na lapitan ako. Sinunod naman sya ng mga ito lumapit sila sa tabi ko.
"Eh, kung ayaw ko? anong gagawin nyo?" seryoso kong mga tanong sa kanyang.
"Kung ganon, hindi na kami magdadalawang isip pang pilitin ka." sagot nito at inutosan ang dalawang lalaki na dakpin ako. Sumunod naman ang mga ito sa kanyang utos at hinawakan ako sa magkabilang siko upang hindi makapalag.
"Let me go, idiots!" sigaw ko sa dalawang lalaki nang hilahin nila ako papasok sa loob ng sasakyan.
Nagpumiglas ako sa mga hawak nila at sinipa ng malakas sa tiyan ang lalaking nakahawak sa aking kaliwang siko. Napadaing ito sa lakas ng sipa ko at napabitaw sa pagkakahawak sa akin.
BINABASA MO ANG
THE MANHATER'S SECRET ADMIRER (On-going)
RomanceShe's smart, sexy, beautiful, elegant, and a Manhater? Yes, Azralin Jais Delos Santos is a Manhater because of love. She always ignored people and hate them. But most of all she hates boys. Yeah, she hates boys so much! it's because of what she suff...