Prologue

17 1 1
                                    

Prologue

"Arlene tingnan mo may nakuha akong isda oh." sabi ni dwayne sa kababatang si Arlene

"Kunin mo dali ilagay mo sa basket!"

Iyon ang biglang naalala ni Arlene nang mapag isipan niyang magbakasyon sa kanilang probinsya.

Sana nandoon parin siya sa aming probinsya. Nasabi nalang niya sa sarili na ang tinutukoy ay ang kababatang noon pa niya minahal.

"Arlene,ikaw ba iyan?"narinig niyang tanong ni Aling Elena ang nanay niya.

"Inay, ako nga to, kumusta na po kayo dito?" halos patakbong niyakap nya ang kanyang ina.

"Nay, masaya po ba kayong nakita ako?" Galak na suhestion ni arlene sa ina

"Aba , oo anak siyempre sino ba namang ina ang hindi magiging masaya kapag nakita ang kanyang anak." Halos mangiyak-ngiyak ang ina ni Arlene.

Mabilis na kumalat sa kanilang lugar ang balitang umuwi na ang nag-iisang anak ni Aling Elena na mula pa sa ibang nayon para mag-aral  sa isang prestihiyusong paaralan sa kolehiyo doon at lalo pa syang gumanda. Kaya maraming mga binatang nagbabaka-sakaling mapansin ni arlene.

"Nay, dito pa rin po ba nakatira sina Gng. Amanda?" Tanong niya sa ina nang mapadaan sila sa bahay nila Dwayne.

"Ah,oo paminsan-minsan umuuwi sila dito tuwing walang klase o kaya'y bakasyon,kasi alam mo na doon na nag-aaral ang kanilang anak na si Dwayne sa Maynila." sagot ng kaniyang ina.

"Mukhang bukas uuwi sila dahil wala nang pasok ." dugtong pa nito

Kinabukasan ng mapadaan siya uli sa bahay na iyon may narinig siyang tumawag sakanya

"Arlene!!!!!!!!" Narinig niyang tawag ng isang pamilyar na tinig. Agad syang huminto at lumingon.

"Oh! Dwayne, ikaw pala, kumusta?" At lalo kang gumwapo ah... idadagdag pa sana nya kaya lang tinago nalang nya iyon sa sarili.

"Ok lang, ikaw? Musta ka na? Mukhang gumanda ka lalo ah,"

Nahimigan nya ang pambobola ni dwayne sa kanya.

Hmmm...di parin nag bago, bolero parin. "Hindi naman." Sabay hawi sa buhok na tumakas sa kanyang mukha.

Nagkwentuhan sila sa tabing-ilog na syang paboritong lugar ng dal'wa.

"Kumusta na pala yung pag-aaral mo?" Pagtatanong ni Dwayne sa mga ganap ni Arlene sa paaralan nito.

Naka upo sila sa may batuhan sa gilid ng ilog. Marahan lang ang daloy nito. Tanging maririnig mulang ay ang mga huni ng nagliliparang ibon,lagaslas ng mga dahon at ang daloy ng mapayapang tubig .

"Okay naman." Nakayukong wika niya.

Nilubog ni arlene ang paa sa malinaw at malamig na tubig ilog.

"Ah ganun ba? Lalo ka sigurong tumalino ano?" Pabirong sabi ni Dwayne sabay bato sa tubig

"Hindi naman."mapagkumbabang saad ni arlene

Dahil sa napapasarap na usapan ay hindi na nila namalayan na dumidilim na pala.

"Naku! Dumidilim na pala baka hinahanap na ako ni inay." Nag-aalalang sabi ni Arlene.

Napagtanto ni dwayne na nagtatakipsilim na pala. Kaya minabuti nyang umuwi nalang sila.

"Sige, mabuti pang ihatid muna kita." Pag-aanyaya niya.

"Sige, salamat."

Iginaya ni Dwayne ang kababata patunggo sa bahay nito.

Friend Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon