Chapter 1 : Job

73.1K 1K 34
                                    

"Sige na manang, kahit taga linis lang ng plato..." pagmamakaawa ni Alyana sa isang  may-ari ng isang karenderya. Kailangang-kailangan kasi nya ng trabaho at desperado na talaga syang makakuha.

"Kahit po ano. Basta po marangal na trabaho.. " patuloy nyang pagmamakaawa dahil kailangan nya muli ng pera dahil malapit na muli ang pasukan, nasa college na sya at kumukuha ng isang kursong naangkop sa kanya, hilig nya at ito ay ang pagluluto..

"Pasensya kana hija, pero wala kasing bakanteng trabaho dito eh. Maghanap kana lang sa iba.." napatungo na lang sya sa sagot ng Ale. Dahan-dahan na syang umalis at naglakad ng wala sa sarili...

Halos isang linggo na syang naghahanap ng trabaho but unfortunately hindi sya makahanap. Bukod sa puno na lagi at walang available ay illegal pa ang minsang iniaalok sa kanya katulad ng pagbebenta ng katawan. Dahil sa pinagkalooban sya ng magandang katawan at magandang pagmumukha pero hindi nya lang inilalabas ang kanyang real beauty dahil sa ayaw nya ng atensyon lalo na sa mga lalaki. Naglalagay na lang sya ng makapal na salamin sa mukha at nagsusoot na lang din sya ng mga baduy na damit. Isa na din yon kung bakit hindi sya matanggap-tanggap sa trabaho...



Wala din naman syang maasahan sa mga magulang dahil nasa probinsya ito at sya din ang nagpapadala ng pera sa mga ito. Pero hindi naman sya pinipilit ng mga itong magpadala at kaya pa daw naman nila ang sarili at napapag-aral pa ng mga ito ang kanyang bunsong kapatid na lalaki. Dalawa lang silang magkapatid at sya ang panganay. Dahil sa sobrang hirap ng buhay sa probinsya kaya ng makatapos ng high school ay pinili nyang makipag sapalaran sa ibang lugar kaya sya napadpad sa Manila at doon nagpatuloy ng pagaaral. Nasa ikatlong bahagi na sya ng kolehiyo at isang taon na lang ang titiisin nya para makatapos.

"Ang malas ko naman yata ngayon, papano na ako ngayon last year ko na nga sa college hindi pa pagbigyan.. Lord, help me please...." naluluha at parang baliw na saad nya at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa may mabunggo syang isang Ginang...



"Sorry po ma'am, di ko po sinasadya, pasensya na po talaga " hinging paumanhin nya dito kahit na hindi pa niya tinitingnan ang mukha ng ginang.



" It's ok hija.. Alam ko namang di mo sinasadya at parang wala ka sa iyong sarili ah. May problema ka ba? " malumanay na tugon ng ginang

Pagharap nya sa ginang, napanganga na lang sya sa ayos nito. Halatang mayaman dahil sa soot nito at magandang pananayo at ayos nito...

"Sorry po talaga, medyo may iniisip lang po ako eh, hindi ko po kasi alam kung san pa ako maghahanap ng trabaho eh, malapit na po kasi ang pasukan kaya po namomroblema po ako ngayon " mahabang paliwanag nya sa babae.

My Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon