Chapter 4 : Bossy

46.5K 744 11
                                    

ALYANA'S POV

Saan ba kami pupunta?

At bakit parang nakakatakot sya!?

Wait lang... Parang daan ito papunta sa kwarto nya? Wag nyong sabihin na papasok kami doon? My God! Hindi to maganda!

Pero mali pala ako. Dito kami ngayon tumigil sa isang kwarto katapat ng kwarto nya. Napaka-assuming ko kasi..

"This will be your room" emotionless na sambit nito. Binuksan nya ito at pumasok sa loob.

"Come in." Grabe to bakit kailangan pa namin pumasok pwede namang ako na lang ah. Psshh!



Dahan dahan akong pumasok at bumungad sakin ang isang napakalinis na kwarto, na may malaking kama. Wow as in wow! Parang VIP suite ito ah sa isang mamahaling hotel. Ang swerte ko naman..

"Sigurado po ba kayo sir na ito ang magiging room ko?" manghang tanong ko habang nagmamasid sa loob. Napakaganda talaga ng buong kwarto.

"Tss... Sasamahan ba kita dito kung hindi to ang room mo!? " grabe.... Sungit lang ang peg? Nagtatanong lang naman ah! Kelan pa naging masama ang magtanong? Di'ba?

"S-sorry po.." hinging paumanhin ko.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo at mamaya maguusap tayo about sa kailangan mong malaman about my likes and dislikes... Naririnig mo ba ako!? " sigaw na naman nito.

"Yes sir!" kaagad kong binuksan ang bag ko at inayos ang mga gamit ko sa closet. Dahil sa sobrang kabusyhan ko hindi ko na nalaman kung anong oras umalis si Sir Keane. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagaayos-ayos ng ibang mga gamit ko.


Pagkatapos kong maglinis linis sa loob. Humiga muna ako sa kama dahil na din sa medyo pagod na din ako. hanggang sa hinila na ako tuluyan ng antok...

after an hour.....

"Panget! Hoy babaeng pangetm"

"Hhm... Uhm...." Sino ba tong istorbong to? Sarap ng tulog ko eh. Nakakainis naman..

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at tumambad sa akin si....oh my goodness!

" Sir!? Sorry po Sir. Nakatulog po ako." Grabe nakakahiya. Baka masesante agad ako nito wala pang isang araw.

"Tsss! Fix yourself and follow me in my room.." Oh my god! Bakit sa room nya? Anong gagawin namin don? Ay oo nga pala maguusap nga pala kami about his likes and dislikes. Bakit ko ba nakalimutan?


Pagkasabi ni Sir Sungit agad din syang lumabas sa kwarto ko. Mabilis naman akong bumangon sa kama at nagtungo sa banyo. Oh my god! Huwag agad sana akong matanggal sa trabaho.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan kaagad din akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Dahanjdahan akong naglakad patungo sa silid ni Sir Keane. Kumatok muna ako bago ko dahan dahang binuksan ang pinto....

"Waaaaaahhhhhh...." sigaw ko ng makita ko syang nagsusoot ng brief na nakaharap sa akin. Bakit ang malas ko naman yata ngayon. Ang dami ko ng palpak na nagawa. Tinakpan ko kaagad ng palad ang aking mga mata dahil sa maselang bahagi nito na aksidente kong nakita.

"Fuck! What the fuck are you doing here!?" Ay baliw ba to? Sabi nya sumunod ako tapos ngayon tatanong kung anong ginagawa ko sa kwarto nya? Baliw lang ang peg?

Naramdaman kong mabilis ang mga naging kilos nya at parang taranta sa mga ginagawa.

"Ok na. You can now open your eyes and lumapit ka dito" maawtoridad na wika nito kaya't mabilis nyang itong sinunod.

Agad ko namang inalis ang kamay ko at lumapit sa couch na nasa gilid ng table na inuupuan nya ngayon. Grabe nakakahiya. Hindi ko man nakita ng sakto ang junior nya pero parang ganun na din yon, may brief nga lang.


"Hoy panget! Are you listening?! Kanina pa ako dada ng dada dito hindi ka naman nakikinig...!? "

"Ay junior mo!" sigaw ko dahil sa nagulat ako sa pagsigaw nya. "Sorry po sir.." Grabe nakakahiya na talaga. Parang gusto ko ng kainin ng sahig.


"Pfffft! Kaya pala tulala ka. Wag mong sabihing first time mong makakita ng junior?" wika nito ng nakangisi. Pakiramdam ko sobrang pula ng mukha ko sa sinabi nya. Kailangan pa bang ulit-ulitin?

"Pfffft! By the way here is my rules. Read it before you leave my room..." natatawang wika ni Sir bago iniabot sakin ang isang folder. Sigurado ako isinulat na nya dahil sa papalit palit sya ng katulong. Para di na mapagod ang bibig nya. Tsss..


Nang buksan ko ang folder. Shit! Two pieces of bond paper? One for likes and one for dislikes. Medyo mahaba at daming nakasulat na mga ganito...

LIKES:

MABILIS MAGTRABAHO
TAMA LAGI SA ORAS
LAHAT NG GUSTO KO GAGAWIN
NO BUTS
MALINIS SA LAHAT.....ETC....

DISLIKES:

MAINGAY
MABAGAL
TAMAD
TANGA
MAARTE
MATANONG
MADALDAL.....ETC.....


Grabe naman lahat na yata bawal ah at lahat yata gusto nya. Pano ba to? Kailangan kong maging perfect slave base sa mga rules and conditions nito? Parang di ko yata makakaya.



"Ah.. eh.... Sir? Pwede pa bang umatras pa, pwede bang mag-back-out?" Grabe naman kasi eh parang ang hirap naman yata.

"Tss... It'ss up to you. Sayang naman yong opportunity that can bring you in a good life." Oo nga naman, tama naman sya. Pero...

"Ok. Lumabas ka na at maglinis sa bahay. Wala pa naman akong kailangan sayo " grabe sungit lang.

"Sungit.." bulong ko pero parang narinig nya yata.

"What!? " he shouted habang salubong ang mga kilay.

"Wala po sir. Sabi ko po lalabas na ako" nakangiting wika ko bago dahan dahang lumabas sa silid nya.

"Tss..." yan lang narinig ko sa kanya bago ko maisara ang pinto ng kwarto nya. Napaka-sungit talaga...

My Possessive BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon