Amoy na amoy mula sa kusina ang sarap ng niluluto ni Marco. Pagkatapos niya rito ay kaniyang itong inilapag at iniharap sa mesa. Dali-dali siyang nagbihis ng magarang damit, inayos ang sarili at naligo ng pabango. Sa kaniyang itsura ay tiyak na mapapaibig ang sino mang babae sa mundo. Nasa tirahan siya ngayon ng kanyang nobya na madalas siya ay pumupunta rito. Pumunta siya sa kwarto ng kaniyang nobya upang makita ang kabuuan ng kanyang ginawa. Ang mga petals ng rosas ay nakakalat sa sahig, ang mga kandila naman ay nakapalibot sa buong kwarto na siyang nagbibigay liwang sa madilim na kwarto, ang nakahandang ispiker na sa isang pindot lamang ni Marco ay magkakaroon na ng napakaromantikong musika at higit sa lahat ay ang isang mesa at dalawang upuan sa gitna na naroon ang masasarap na putahe na kaniyang niluto. “Napakaganda” bigkas ni Marco. Ang araw na ito ay napakaespesyal at napakahalaga para sa kaniya sapagkat ang gabing ito ay nais na niyang yayaing magpakasal ang kaniyang minamahal na nobiyana si Elisa. Tatlong taon na silang magkarelasyon at para kay Marco, si Elisa na ang nais niyang makapiling habang buhay. Sobrang kaba at galak ang kaniyang nadarama. Ang singsing ay kanyang hawak-hawak na mapapansin mong nanginginig ang kaniyang mga kamay.
Narinig ni Marco na paparating na ang sasakyan ni Elisa. Inihanda na niya ang lahat pati na rin ang kaniyang sarili. Naiisip niya ang magiging itsura ng kaniyang nobiya tiyak namasosorpresa ito. Nabuksan ang pinto ng kwarto at kay lakas ng kabog ng dibdib ni Marco. Pumasok si Elisa pero hindi siya nag-iisa. Kitang-kita ni Marco ang kataksilan ng kaniyang nobya, may kahalikang lalake si Elisa. Hindi si Elisa ang nasorpresa kundi si Marco. Nagkatagpo ang mga mata nila, gulat na gulat si Elisa. Gustong suntukin ni Marco ang lalake ngunit mas nananaig ang lungkot at panlulumo ng kaniyang damdamin. “Marco” gulat na sabi ni Elisa. Siya ay lumapit. “Patawad Marco, sinubukan kita mahalin pero ayaw nitong puso ko tumibok sayo. Nasayo na lahat ng katangian na hinahanap hanap ng isang babae pero wala talaga akong nararamdamang pag-ibig para sa iyo. Patawarin mo ako Marco” umiiyak na sabi ni Elisa. Hindi alam ni Marco ang kaniyang gagawin. Gulong-gulo siya, halo-halong emosyon. Dali-dali siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kaniyang kotse at pinaandar ito ng mabilis. Wala siya sa sarili. Paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga pangyayare. Nang biglang may dumaan na babae sa kanyang harapan. Biglang preno ni Marco.
Mabilis siyang lumabas sa kotse nito upang lapitan ang babae. “Binibini, binibini” sabi ni Marco. Isang malakas nasuntok ang nakuha ni Marco sa babae. “Papatayin mo ba ako? Hindi mo tinitignan kung may dadaan sa harapan mo?” sabi ng babae. Laking pasalamat ni Marco na walang nangyari rito. “Patawarin mo ako” malungkot na sabi nito. “Haay pasalamat ka at walang nangyari sa akin, pasalamat ka gwapo ka. Opppps nagbibiro lang ako.” sabi ng babae. Napangiti nalang si Marco sabay sabing “Ako pala si Marco, ikaw?”. “Athena”. Inihatid na niya si Athena sa kaniyang tirahan at nagbigay ito ng kard kung sakaling may kailangan ito at kontakin na lamang si Marco. Umuwi si Marco sa kaniyang bahay at naglasing. Sobrang sakit para sa kaniya ang nangyare sa kanila ni Elisa. Sinira niya ang mga gamit sa loob ng kwarto at pinagsusuntok ang pader. Ang nasa isip niya ng mga panahon na iyon ay lahat ng mga babae ay manloloko.
Dalawang taon ang lumipas. Sa mga panahong iyon ay maraming nangyari. Unti-unti nang nakakalimutan ni Marco si Elisa sa tulong na rin ni Athena. Napakaganda pala ng dalaga, napakabait at napakaaruga. May pagkaamasona at pagkabata si Athena. Espesyal siya, ibang-iba kay Elisa. Naging malapit sila sa isa’t-isa at hindi nagtagal ay naging magnobyo at magnobya. Sa dalawang taong din na yun, hindi pa nawawala ang galit at panloloko ni Elisa. Para sa kaniya, lahat pa rin ng babae ay manloloko kasama na si Athena. Wala na itong tiwala kahit kaninong babae. Ang dahilan kung bakit niya ito niligawan at nagkaroon ng relasyon ay dahil gusto niyang gumanti. Gusto niyang iparamdam ang sakit na naramdaman niya noon.
Nasa Star City sila Athena at Marco ngayon dahil gustong i-celebrate ni Athena ang kanilang Aniversary dito. Nakita ni Marco ang isang Horror House. “Tara Honey, dito tayo” sabi ni Marco. Tila ayaw ni Athena ngunit wala itong nagawa sapagkat inaasar at hinamon siya ni Marco. Walang pigil na tili at sigaw ang naririnig ni Marco kay Athena sa loob ng Horror House. Siya naman ay tawa ng tawa sa mga reaksyon ng babae. Hanggang may maramdamang tulo ng luha si Marco. Umiiyak si Athena sa sobrang takot. Mabilis na pinunasan ni Marco ang mga luha nito. “Huwag ka na umiyak. Nandito naman ako, hindi kita pababayaan” sabi ni Marco at hinawakan nito ang kamay ng dalaga. Tumahan naman ito at Nakalabas din sila. “Doon tayo sa Star Flyer” sabi ni Athena. Kung kanina ay ayaw ni Athena sa Horror House. Ngayon naman si Marco ang tila may ayaw. Pero walang nagawa si Marco. Sumakay sila rito at sobrang nanginginig si Marco. Nang nagsimula na ito, Sumisigaw sa tuwa si Athena at tinignan niya ang binata. Nakapikit at tila takot na takot. “Honey, buksan mo mga mata mo. Kasama mo naman ako eh, huwag ka matakot” sabi ni Athena. Unti-unti naming binuksan ni Marco ang kaniyang mga mata at siya ay napasigaw. Nang matapos ay sumuka si Marco at napagdesisyonan nilang tumigil sa pagsakay. Huminto muna sila sa isang Fast Food Chain at doon sila kumain. Sobrang masaya ang dalawa, sa pagkain at mga kwento na sinasaluhan nila. Bumili ng bulaklak si Marco para kay Athena at sila ay umuwi.
Hindi makontak ni Athena si Marco, magpapasama sana ito sa Mall para maglibang sapagkat may kaguluhan sa kanilang tahanan kaya napagpasyahan niyang pumunta na lamang mag-isa. Nang naaliw na niya ang kaniyang sarili ay napagpasyahan ni Athena na kumain muna. Pumasok siya sa loob ng isang restaurant at tumingin ng espasyo para sa kaniyang pagkakainan. Ngunit iba ang kaniyang nakita. Tila napunit ang puso ni Athena sa kaniyang nakita. Si Marco at isang babae, sayang-saya na nagsusubuan parang silang dalawa lamang ang nasa mundo. Kahit masakit man ay lumapit si Athena sa dalawa. “Hi Marco” sabi ni Athena. Nabigla si Marco. “Sino ang babaeng ito Babe?” sabi ng babae. “Ako si Athena, ikaw?” lakas na loob na sabi ni Athena. “Ako pala si Sara, nobya ni Marco mahigit 5 buwan na” sabi ng babae. “Ayy ganun ba? Tila nakakaabala na ako. Maligaya ako na nakilala kita. Sige paalam na Marco, Sara” sabi ni Athena sabay talikod at labas sa restaurant. Tumakbo ito ng mabilis at iyak ng iyak. Niloloko siya ni Marco at sobrang sakit nito para sa kaniya. Si Marco ang unang nagpatibok ng puso niya.
“Gago mo Marco, ang gago mo” sabi ni Marco sa kaniyang sarili. Dalawang buwan na rin ang lumipas simula ang nangyari sa restaurant. Dalawang buwan na ring hindi makontak ni Marco si Athena.Naiinis siya sa sarili, plinano niya lahat ng ito. Ang alam niya ay magiging masaya siya dahil nakapaghigante na siya kay Elisa pero katangahan lahat ng iyon. Hindi siya makatulog at laging naglalasing. Mas masakit ang nararamdaman niya ngayon kaysa sa nangyari sa kanila ni Elisa. Hindi niya alam pero napamahal na pala siyang mabuti kay Athena. “Ang tanga-tanga mo” sabi ni Marco. Hindi niya nakayanan, lumabas siya ng bahay at dali daling pumunta sa bahay ni Athena.
“Pakiusap po, sabihin niyo na po kung nasaan si Athena. Nagmamakaawa po ako” umiiyak na sabi ni Marco sa ina ni Athena. “Marco bilang ina masama rin ang loob ko para sa iyo. Tinuring kita bilang isang anak pero niloko mo si Athena eh.” Sabi ng ina ni Athena. “Patawad po inang. Patawarin niyo ako” sabi ni Marco at lumuhod. “Athena! Kung nariyan ka man o wala, gusto ko sanang malaman mo ito. Sa harap ng pamilya mo, Patawarin mo ako. Oo, sinadya kong lokohin ka dahil nasaktan ako. Niloko ako ng mahal ko dati. Akala ko, lahat ng babae ay manloloko. Gusto kong makahigante. Ikaw ang narito. Pero ang tanga-tanga ko. Bakit ikaw pa? Bakit sayo pa ako naghiganti. Ginago ko ang pinakamamahal ko. Ou, tama ka. Mahal kita. Mahal na Mahal kita. Sobrang Mahal kita. Eh ako etong si tanga, nagpakatanga. Niloko kita pero pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon.” Malakas na sabi ni Marco. Mararamdaman mong totoo ang lahat ng kaniyang sinabi, na mula lahat sa puso. Umiiyak si Marco, alam niyang kabadingan iyon pero wala siyang pakialam.
Lumabas si Athena, nagtatago lamang pala ito. Umiiyak na lumapit si Athena. Pinagsusuntok niya si Marco. “Oo, gago ka. Gago ka talaga. Ang tanga-tanga mo pa pero mas tanga ako. Kasi kahit sobrang sakit ng ginawa mo sa akin, mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Sobrang mahal. Tumayo ka na diyan kung ayaw mong lumayo na akong tuluyan sayo.” Umiiyak na sabi ni Athena. “Hindi ako tatayo sa pagkaluhod ko na ito, kasi Athena.” Sabi ni Marco sabay labas ng singsing mula sa kanyang bulsa. Tinignan niya ang pamilya ni Athena at nakangiting tumango ang mga ito.“Gusto kitang maging asawa. Gusto kong magkaroon ng maraming anak mula sa iyo. Gusto kitang makasama habang buhay. Athena, papakasalan mo ba ako?” kabadong-kabado na sabi Marco. “Si Sara?” sabi ni Athena. “Kahit nagkaroon kami ng relasyon sa loob ng limang buwan, hindi ko maipagkakait na ikaw lang ang nasa puso ko. Halos mabaliw ako nang umalis ka sa buhay ko. Hindi ko kayang mawala ka pa sa akin Athena.” Sabi ni Marco. “Hindi mo na ako lolokohin? Hindi ka na maghahanap ng iba? Hindi ka na titingin sa iba pang babae? Sa akin lang?” sabi ni Athena. “Hinding hindi. Ikaw lang at wala ng iba” sabi ni Marco. Ngumiti si Athena at sabay sabing “Oo Marco, papakasalan kita!”. Mabilis na tumayo si Marco at mahigpit niyang niyakap si Athena. Nagkatitigan at pinagsaluhan ang matamis na halik. Kay lakas ng hiyawan at palakpak ang maririnig mula sa kanilang paligid. Silang dalawa ngayong umiiyak, hindi dahil sa lungkot kundi sa saya na kanilang nadarama.