Chapter 3: 11:11

12 0 0
                                    

Eren's POV

Nagpatuloy kami sa pagbabasa ng mga libro, pero ngayon, brain storming na. Pinag usapan namin kung ano yung mga nalalaman namin, at pinag dugtong-dugtong namin ang mga posibleng nangyari. Sinabi ko rin sa kanya yung theory ko tungkol sa nangyayaring time and chaos eclipse.

Kronos Arche eclipes. Ang kronos at arche pearl ay nanggaling sa isang shell-like container, kung saan sa loob nito ay palaging oras ng pagtatalo dahil hindi natatapos ang oras na ito dito. Madalas ikwento ito ni lolo kapag dumadalaw sya sa amin kaya hindi ko makalimutan. Sinubukan kong i-search sa internet, pero di ko mahanap. Matagal na rin ng huli syang bumisita kaya swerte talaga at naaalala ko pa. Sabi nya, pag daw naghiwalay ang dalawa, arche will cause havoc, while kronos can control time. Arche can cause trouble and death to many, but then someone made a device which makes arche more powerfull. Only the kronos pearl can make the device function or stop it because of its power to control time. It is impossible to make the device run because of lack of the power to control time, yet again, there's a myth saying that the time 11:11 makes anything impossible possible, that's why people wish things that seems to be impossible in this time, but only others know that it only functions during the 11th day of the 11th month, in any year containing number 11. Unfortunately, it is November 11, 2011 today. So my theory is that the device which seems to be impossible to function without kronos pearl became possible afterall.

Maya maya pa'y nakaramdam kami ng malakas na hangin na tila hinihigop kami. Sa sobrang lakas nito'y pumipito na ang hangin. Tinignan ko kung saan nahihigop ang hangin at nakita o ang orasan, ang maikling kamay ng orasan ay nakaturo sa 11 at ang mahaba'y nasa guhit pagkatapos ng numerong 2. Dumating na pala ang oras. Unang pumasok sa isip ko ay hawakan si Eya. Hindi. Hindi nya pwedeng kunin ang mga kaibigan ko. Kaylangan kong gumawa ng paraan kundi ay hihilain sila papunta sa butas sa likod ng orasan na parang isang black hole. Nakikita ko si Rave habang pilit na hinihila si Laura, habang nasa likod nya sila Allen at Sophia para hindi rin matangay, pero sya man ay hirap din dahil sa bigat ng tatlo at maski sya'y hinihigop din. Pero bakit ako hindi hinihigop? Pati yung mga bagay ay pawang hindi man lang nagagambala. Ibig sabihin, ang mga taong ipinakita lang sa projector ang kinukuha! Dali-dali kong iginapos ang mga kamay ng mga kaibigan ko sa bawat isa na para bang gumagawa ng mahabang tali. Hawak hawak ko ang kamay ng nasa pinaka dulo. Kaylangang may gawin ako.

Mapapahamak sila Rave! Isip Eren! Isip! Kung kaya ko lang gumawa ng barrier tulad ng nasa mga pinto, kaso imposible eh!
Teka, imposible... Oo nga! Imposible, pero 11:11 na! Nothing's impossible, right?

Sinubukan kong mag concentrate. Iniisip ko na mula saakin, gumagawa ako ng bilog. Biglang kumirot yung ulo ko pero sinubukan ko ulit. Inisip ko na yung bilog papalaki ng papalaki para maabot ko sila Rave at ang nasa dulo ng human chain namin. Konting tiis nalang! Parang pinipiga yung utak ko! Pakiramdam ko kinukuha nito lahat ng dugo ko. Gumagana! Hindi na sila hinihigop!

Nakikita ko ang isang spherical shield na parang lumalawak ng lumalawak minu-minuto. Pinagpatuloy ko ang aking konsentrasyon habang hinihintay ang pagtatapos ng oras na ito. Konti nalang Eren, tiisin mo. Kailangan mong iligtas si Rave, kailangan mo syang iligtas. Hindi na sya pwedeng mawala, hindi na ulit...
Inuubos ng shield na ginawa ko ang enerhiya ko. Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay any minutes now. Pero hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan kong maging malakas, kahit ngayon lang. Kung dati hindi ko ako naging malakas para sa kanila, para sa kanya, ngayon kaya ko na. Kailangan kong kayanin...
Nanghihina na ang mga tuhod ko nang biglang nawala ang force na humihigop saamin, pati na rin ang spherical sheild na gawa ko. Pag tingin ko sa orasan ay naginhawaan ako. 11:12 na pala. Tapos na. Ok na...

Napaluhod ako dahil sa pagod. Para akong na-drain! Pero ewan ko ba kung bakit pero ang sarap sa pakiramdam. Yung pakiramdam na kaya ko na silang protektahan. Hinding hindi ko hahayaan na mawalay ulit sila saakin. Hindi na. Naramdaman ko na unti-unti nang bumagsak ang katawan ko. Nagdilim nalang bigla ang aking paningin bago pa bumagsak ang katawan ko sa sahig.

--------

"Keith, huy gising." Sabi ni Rave habang pinipilit akong gisingin. Sandali lang, tinawag nya akong Keith? Is this even real? Haha, oo nga! Baka hallucination ko lang to. Siguro ganun ko na ka-gustong makilala nila ako. I mean, yung totoong ako.

"Keith, w-wag mo naman ulit akong iwan! Uy!" Sabi nya. Hah. Siguro kung totoong buhay lang ito, hindi nya sasabihin ang mga salitang yan...

"Keith!" Aray naman! Sakit sa tenga eh! Pero teka, nasaktan ako? Ibig sabihin... GISING AKO??

Sinubukan kong imulat ang mata ko. Nakita ko si Rave na nakaupo sa sahig, katabi ko at may luha na sa gilid ng mata nya.

"Eren!" Sabi nya habang pinupunasan yung nangigilid nyang luha. Ahhh... Eren. So hallucination lang pala talaga yun. Seems like I'm only half asleep earlier.

"Tinakot mo ako!" Sabi nya sabay hampas sa braso ko ng mahina. Aba bwiset to ah! Wala man lang Thank you, salamat, arigato, kamsahamnida, ganun?!
"Ok ka lang ba??" Sabi nya habang tinutulungan akong tumayo. Obvious ba Rave?! OBVIOUS BA!?

"Naubos ata energy mo... saglit lang" tumayo sya at iniwan ako.
Kumuha sya ng bag ng mga kaklase namin at inalisan ng laman. Pinag patong-patong at inihelera na parang gumawa ng  malaking parihaba ang mga ito. Luminga-linga sya sandali at kinuha ang dalawang kumot na ginamit namin sa role play. Kinuha nya ang isang kurtina at inilagay sa isa pang bag. Nakagawa sya ng isang parang higaan. Ginawa nyang foam ang mga bag at unan ang kurtina. Wow Rave. Just... wow.

Inalalayan nya ako papunta dun at pinahiga ako dun sa so-called bed na ginawa nya. So this is his way of saying thank you? Well, your welcome!

"Sorry hah? Walang totoong kama dito eh. So I just made an alternative one" sabi nya habang inaayos yung hinihigan ko. Gusto kong sabihin sa kanyang salamat pero wala akong lakas. Pero iniisip ko parin yung nangyari kaninang 11:11. Paano kaya namin pipigilan ang mga ito?

"Paano mo ginawa yung kanina? Yung shield?" Sabi nya na kitang kita sa mukha nya ang curiosity. Parehas ata ang tumatakbo sa isip namin ngayon. Sasagutin ko sana yung tanong nya kaso sobra akong nanghihina. Ang dami atang energy na nakuha ng 11:11 na yun.

"I see. Sige, mag pahinga ka muna. Ako munang susubok na mag decipher." Sabi nya sabay lakad palayo.

Alam ko kung ano ang sagot sa tanong nya. It's because of 11:11. If my theory is right, we can do anything we want, even the most impossible one. That's why I can make that shield. I wonder if anything is possible in that time, then maybe  we can protect them. But it consumes much energy. No, I need to make a better plan. But first, I need to tell Rave about it. As for now, maybe I'll enjoy his company. Naghintay ako ng matagal para lang makasama at maka bonding sya ulit ng ganito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KRONOS ARCHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon