Chapter one: Unusual day

14 0 0
                                    


Eren's POV

Hayy, ang sarap ng hangin.
'Ate Keith...'

Nakakawala ng lahat ng sakit ng katawan!
'Ate bangon na...'

At para akong nakabalot sa kumot.
'Late na ate...'

Ang sarap sa pakiramdam, parang may naririnig akong...
"ATE KEITH GUMISING KA NA NA! 7:00 NA  NAMAN TULOG KA PA!! BAHALA KA DYAN IIWAN KITA!!"

ANO?! Alas syete na!? LATE NA AKOOOO— A-aray!! *nauntog sa pader* Sinong nag imbento ng pader!? MASAKSAK KO NGA NG KATANA!! Wait lang, saan ko naman nakuha yun?? Hayy! Makaligo na nga!

"Hoy hintayin mo ako! Tulungan mo nga akong mag hanap ng medyas!" Sigaw ko sa kapatid kong nasalabas ng kwarto naming.

"Hay ewan ko sayo!" sigaw nya, pero pumasok parin para tulungan akong mag hanap. Oh diba?  Abnormal!

"Kung hindi lang ako malelate, aba nako magutom ka diyan sa kakahanap ng medyas mo."pabirong sabi ng kapatid ko.

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming school gamit yung motor.

*Krrrrrrggg*
Ano yun? Ba't may bubuyog?

*Krrrrrrggg*
Baka cellphone? Hindi ah, wala akong cellphone eh! Haha, oo na, ako lang ang walang phone saaming magka-klase. Wala akong interes eh.

*KRRRRGGG!*
Ah! Tiyan ko pala yun! Huhuhu gutom na'ko! 'Di nanaman pala ako nakapag almusal! Pumasok na ako sa school, hindi pa naman pala bell kaya bumili muna ako ng pagkain. Hayy, akala ko  talaga late na ako! 

Kakagat na sana ako sa isang masarap at mukhang malinamnam na tinapay na mag bibigay sa akin ng lakas at mag tatawid sa akin sa aking gutom na nadarama ng biglang...

"Hoy Eren!!" Sabi sa akin ni Aiya sabay hampas sa braso ko. Ay lintik yang babaeng yan!

Yung tinapay koooo! Nalaglag!

Hindi ako maka galaw sa tindi ng shock na nang yari sa buhay ko... yung.. yung tinapay ko.. nasa sahig... ng wala pang ni isang kagat...

" Ay hala Eren soooorrryyyyyyy!! Hala! Di ko sinasadya! Well sinasadya kong inisin ka ngayon, pero hindi ganto! Tara, ibibili nalang kita ng bago" sabi nya sabay yakap sa braso ko na wari ba'y isang tarsier.

Buset talaga to! Aish kung hindi ko lang ito bestfriend eh!

HInila nya ako papuntang canteen para bumili ng isang fudgee bar. Seriously?! Chocholate sa umaga?! I looked at her whith that "what-the-heck" look.

"What?! Ako nga yan ang umagahan with matching chocolate drink! Oh, ayos diba??" She said with a wide grin. Ah. No wonder she's so hyper. So ano pa nga ba magagawa ko? Edi kakainin ko nalang ito para hindi magkanda bali baliktad yung sikmura ko.

*CLANG CLANG CLANG* 

Inis naman! Kakagat palang yung tao eh! Bastos!

"Hoy Eren! Line na daw!" Sabi ni Maria saakin sabay hila saakin papunta sa corridor. Si  Sammy? Ayun, tinarget na yung kakainin ko na sanang tinapay.

"Eren!! Yung rubics cube ko!" sigaw ni Nikki mula sa malayo. Hala! Ano ba yan! Guys, anong gamot sa pagiging ulyanin. Tell me!

"Hala, nakalimutan mo nanaman?! Lagi naman Eren eh!" sabi nya na may halong pagtatampo. Nginitian ko nalang sya, no need to tell her that I forgot, alam na nya eh.

"Girls! Linya na daw! Boys! Mag line na!" sabi ng kaklase  kong si Rave. Sya yung class president naming sobrang bait. Nakakaawa na nga eh, kasi kada walk-out ng mga teachers naming mula sa classroom namin, sya yung naghahabol para mag sorry. Hay, ang pogi nya talaga, at lalo pa kung seryoso sya. Ang cute nya grabe!

KRONOS ARCHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon