Chapter 3 ●

142 4 0
                                    

[ I do not own the picture,I just got it from google >u< but yeah,yan po ang school uniform nila. ]

FLORIE'S POINT OF VIEW.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko,bumangad sa'kin ang liwanag ng araw at ang malaking puno sa labas ng bintana na nasa tabi ko lang.Gusto ko pang matulog pero may gagawin pa ako kaya bumangon na ako at kinusot ang mga mata ko.

Tumingin ako sa kama ni Angel,tulog pa rin ang dyosa.Sorry bebe,lalakarin mo ang buong school ngayong umaga,kasama ako.Hehe *u*

Maso-solo na kita >u<

Lumapit ako sa kanya sabay sundot ng pisngi niya.

"Hmmm..."

Eh?! Pati ungol ang sarap pakinggan? Ghad sana lalake nalang ako!

Huy,may Chris ka pa.

Joke lang,ano ba =_=

Umupo ako sa gilid ng kama niya at tinaas ang isang kamay ko,pumikit ako habang iniisip ang bagay na ginamit ni Andrew noon para gisingin ako.Pagdilat ko,nakita ko ang bagay sa kamay ko.

*CLANG*CLANG*CLANG*CLANG*

"GISING NAAAAAA!"

Malakas na sigaw ko,wala akong paki kung may nagising ako sa ibang rooms! Now I know how it feels to make noise! Clanging two huge symbals on my hands,naalala ko kung paano ako kinulit ni kuya para lang magising ako.

Hindi ko alam kung saan ito nakalagay,actually.Pero masaya ako na nahanap ko,just by summoning it!

"What the f-----FLORIE!" Napa-upo siya sa kama niya,kinusot niya muna ang mga mata niya tapos sinamaan ako ng tingin "Why did you do that?"

"You won't wake up eeeh!" Sagot ko,napasapo lang siya sa noo tapos tumayo at dumiretso sa banyo.

Eh?! Ako dapat ang nauna! Ako ang unang nagising eh.

Ngumuso ako at kinuha ang Uniform ni Angel sa cabinet ko,kahapon ko dapat binigay 'to kaso lutang ako eh.Nawala bigla sa isip ko.Kumatok ako sa pinto ng banyo,bumukas naman ito at lumabas ang ulo ni Angel na basang basa.

Kunot noo niyang kinuha ang uniform at sinara agad ang pinto sa harap ng pagmumukha ko.

Ganern? Walang Goodmorning para sa'kin? At hindi pa nag-reklamo ah.

Well,siya ang nauna so maghintay nalang ako.I prepared my clothes at naghintay lang kay angelica.

Hihiga sana ako sa kama ko pero may kumatok sa pinto namin.Tumayo ako at binuksan ito,tumambad sa'kin ang pagmumukha ni Kuya.

"Ano na naman? Hindi ko alam kung nasan si chris,Hindi ko din alam kung nasan si chris! I hindi ko alam kung nasaan talaga si chris! Amen! Period! Now get out! May naliligo!" Hindi siya sumagot,nakakunot pa ang noo niya.Ano'ng meron teh?

Isasara ko sana ang pinto pero pinigilan niya ako at tinulak patabi.Humakbang siya papasok sa kwarto at tila may hinahanap.

"Kuya,loko loko ka ah.Lumabas ka nga!"

"Hinayaan mo akong pumasok kagabi,bakit ngayon hindi?"

"Syempre kasi,hindi lang! Layas!"

"Florie,I forgot--------What the fvck?" Tumingin ako sa tinitignan ni kuya,at si Angelica yun na kakalabas lang sa bathroom.Omo! Gusto kong ipamukha kay Andrew na maganda talaga ang friend ko pero ang tingin niya kay angelica eh!

My Dark AngelWhere stories live. Discover now