Chapter 2 ●

805 27 8
                                    


ANGELICA'S POINT OF VIEW.

"FLOOOORRRIEEE~~!" My whole body stiffed,bigla akong niyakap ng lalake ng mahigpit.Ginawa pa akong support,ang bigat niya tsk! Pero it feels good,yung feeling na ayaw mo bumitaw kasi ang sarap masyado ng yakap pero hindi mo kilala yung kayakap mo? Tae.

Tinulak ko siya ng malakas,napamura siya dahil dun pero mas nagulat nang nakita niya ako.

"S-sino ka?" Nauutal pa nga oh,takot na takot.Tinignan ko lang siya,ang mga mata niya.His expression reminds me of a confused dog.

"Bakit? Gusto mo malaman?"

"Nagtatanong lang! Nasaan si Florie?"

"Kung sasabihin ko sayo na kinain ko siyang buhay?"

"ANO?!"

"Biro lang,kalma pre.Sige bye,tulog na ako." Sinara ko ang pinto sa mukha niya pero hinarangan niya sa baba kaya hindi ko talaga nasara.Napakibit balikat nalang ako at sumalampak sa kama ko.

Ano yun?




FLORIE'S POINT OF VIEW.

Inangat ko ang tingin ko at nakita si Angel sa kama niya,tinatakpan ang mukha niya gamit ang unan.Tumingin ako sa pinto at nakita si Andrew,nakatitig lang kay Angel na parang hindi makapaniwala na may Roommate ako na ganyan.

It's been a year,after nung umalis ang Roommate ko,hindi na ako nagkaroon ng Roommate but then she came!

"Andrew? Bakit ka nandito?" Napaupo ako sa kama,kumunot naman ang noo niya at tahimik akong nilapitan.

"Sino siya?"

"Si angel yan,new transferee.Bagong Roommate ko,Ganda diba? Hehe." Bulong ko para hindi marinig ni Angel,napasapo sa noo si Andrew at hinatak ako palabas.

"Bulag ka ba? Magpapa-check up pa ba tayo? Dun sa EO? Ha? Mukhang bruha--- "

Hindi ko na siya pinatapos at binatukan siya.Ghad,hindi niya ba napansin? Eh ako kanina pa,may tinatago si Angel at ang mukha niya yun.Malakas ang pakiramdam ko na maganda siya.

Mukha nga siyang naiinip,kamot ng kamot sa pisngi niya at sa likod ng tenga.

"Walang hiya kang andreng-butuki,panlalait lang ba ang alam mo ha? Panget agad? Gusto mo ikaw ang gagawin kong panget ha? Leche ka haaaa~" Gigil niya ako,kinurot ko ang pisngi niya at ilong niya.Hanggang sa namula na ito.

"Pumunta ako dito--- "

"Pumunta ka ba dito para mang-husga? Kung Oo,kaya kong putulin ang alaga mo." Banta ko.Lumaki ang mga mata niya at umurong palayo sa'kin,hmph kahit ang gwapo ng nilalang na ito gusto ko parin sapakin. >3<

"Pumunta ako dito para mag-check sayo,sabi kasi ng guidance councilor to check all the students" Sabi niya at pinakita sa'kin ang isang papel na may nakaguhit na check.Loko ah =__=

"Ha? Check? O insulto? Andreng-butiki na panget mukhang gorilla pa!" Binatukan ko siya at hinila ang buhok niya pero hindi siya lumaban.

"Nasaan si chris?"

My Dark AngelWhere stories live. Discover now