She's the Naughty Princess

16 0 0
                                    

Napahagikgik ako habang pinagmamasdan ang mga kawal at kasambahay sa palasyo na natataranta na sa paghahanap sakin. Lalo ko pang pinag igihan ang pagtatago sa likod ng hugis asong damo.

"Ang sarap talaga nila taguan. Hihi." Muli akong humagikgik at binalik ang tingin ko sa harap para masigurong di nila ko makikita.

Ngunit pagharap ko, isang pares ng kristal na sapatos ang nakita ko. Napakagat labi ako at dahan-dahang inangat ang paningin ko.

"Charlotte Elizabeth Mignonette!"

xxxx

"Ano bang tingin mo sa palasyo, playground mo? Kelan ka ba magtitinong bata ka!" Frustrated na sigaw ni Queen Charmagne Elizabeth, ang ever so gorgeous na ina ko. Kung titingnan mo sya ngayon na paroo't parito ay di mo maiisip na reyna sya ng isang malaking bansa. "Charlotte! Nagagawa mo pa kong ngisian ha?" Sigaw nya. Nakagat ko ang labi ko at napayuko. Narinig kong bumuntong hininga sya. "Di ka na bata para makipaglaro at paglaruan ang mga tauhan dito sa palasyo. Konti nalang ang bibilangin at ikaw na ang susunod sakin bilang reyna ng lugar na to. Naiintindihan mo ba ako?" Tumango lang ako. "Bumalik ka na sa kwarto mo." Tumango lang ulit ako at nakayukong lumabas ng opisina nya.

Pagdating ko sa kwarto ko ay padapa akong humiga sa kama at dun nagsisigaw habang natatakpan ng unan ang mukha ko. Naiinis talaga ako. Masama bang maglaro? Bakit, bata lang ba ang naglalaro?!

Muli akong napasigaw.

"Your majesty, ano pong problema?" Humahangos na sabi ng isa sa mga personal maid ko. Tamad na umupo ako at hinilamos ang palad ko sa mukha ko. "Okay lang po kayo?" Tanong ng isa.

"Masama bang maglaro? Sabihin nyo nga sakin, masama ba?" Tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa at parang nag aatubili sa pagsagot. Napabuntong hininga ako. "Oo na, alam ko na ang sagot. Salamat sa inyo." Sagot ko at humiga ulit.

"Your majesty --" Pinigilan ko sya sa pamamagitan ng pagtataas ng isang kamay ko.

"Iwan nyo muna ako." Napahinga ulit ako ng malalim ng marinig ko ang hakbang nila palabas.

Tumagilid ako ng higa. Kelan ba ko makakaranas ng normal na buhay? Bakit ba kasi ang hirap hirap maging prinsesa?

Pumikit ako. Makatulog na nga lang muna.

xxxx

"Your Ma--"

"Sssshhh." Hinawakan ko sya sa pulso at hinila sya papunta sa garden kung saan kaunti lang ang bantay.

"Bakit po, Your Majesty?"

"Sssshh." Sabi ko habang panay ang tingin sa paligid. Nang masiguro kong walang makakakita sakin ay tumingin ako sa kanya.

"Sasama ako sayo." Nanlaki ang mga mata nito.

"P-po? Pero Your Majesty--"

"Diba lalabas ka ng palasyo para dalawin ang ina mo na may sakit?" Tumango ito. "Gusto kong sumama!"

"Hindi po pwede, Your Majesty.."

Binitiwan ko sya saka humalukipkip at lumabi. "Gusto ko lang namang makita ang lugar sa labas ng palasyo. Tsaka utos to ng prinsesa, di mo susundin?" Napakagat labi ito. "Magdidisguise naman ako eh, di nila ko mahahalata na ako ang prinsesa." Muli kong hinawakan ang braso nya. "Dali na. Please?" Puppy eyes, gumana ka please!

"Pero kasi po..."

"Please?" Tiningnan nya ko habang kagat kagat ang pang ibabang labi. Konti nalang. Mapapapayag na din kita. Konti nalang :'3

"Sandali lang po tayo dun ah. Baka kasi hanapin po kayo eh." Napangiti ako ng tuluyan. Di ko napigilan ang sarili ko at nayakap sya.

"Salamat! Salamat talaga!"

"Your Majesty --"

Humiwalay ako ng yakap sa kanya at hinawakan ang kamay nya. "Tara na?"

"Y-yung suot nyo po kasi.." Napatingin ako sa damit ko.

"Ay, oo nga pala! Sandali lang ah? Magpapalit lang ako. Wag kang aalis dyan ah!" Tumakbo ako pero tumigil din ako at bumalik sa kanya.

"Bakit po?"

"Baka takasan mo ko eh. Sumama ka sakin!" Hinawakan ko sya sa kamay at saka tumakbo pabalik sa palasyo.

xxxx

"Charlotte!"

Nasa paanan na kami ng grand staircase ng sumigaw si Queen Charmagne. Agad namang humiwalay ang personal maid ko at lumayo ng konti sa akin.

Naglakad ito palapit samin. "Bakit ka tumatakbo? Ano na namang ginagawa mo?"

Napakagat labi ako at tiningnan ang personal maid ko na nakatungo. "Akala ko ba dadalawin mo ang ina mong maysakit?"

"D-dadalawin ko nga po, Your Highness."

"Bakit nandito ka pa?"

"Ah kasi po --"

Mula sa kung saan ay patakbong bumungad samin si Browny. Agad kong hinawakan ang kamay ng personal maid ko.

"Nakita nya tayo! Tara na!" Patakbo kaming umakyat sa grand staircase tuloy tuloy hanggang sa kwarto ko. Nang makarating kami dun ay sinara ko agad ang pinto. Kahit hinihingal ako ay natawa padin ako sa nangyari.

"Muntik na tayo dun... Hahahahaha.." Nakitawa na din ang personal maid ko sakin. Ang haba naman masyado ng personal maid =.= Nakakapagod bigkasin palagi. "Ano palang pangalan mo?"

"Po? Ah.. Sylvia po."

Napatango ako. "Ah, Sylvia.. Teka, magbibihis na pala ko. Wait lang ah." Pumasok ako sa isa pang pinto sa kwarto ko kung saan nandun lahat ng gamit ko. Dumiretso ako sa isang drawer at binuksan ang pinaka dulo nun. Napangiti ako sa nakita ko. Kinuha ko ang laman nun at pinagmasdan.

"Masusuot na din kita :)"

-

Galing yung Mignonette (Mi-yo-net) sa Princess Diaries. Pati yung surname nila dun ko din kinuha which is Renaldi (:

The Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon