The Escape plan

9 0 0
                                    

"Maghanda ka bukas, dadating sina Princess Liberty at ang anak nito na si Prince Harris." Bungad ni Queen Charmagne habang nagbebreakfast kami. Masanay na kayo, di ko talaga sya tinatawag na Ina. Di kasi ako sanay. Tumango lang ako sa kanya habang kumakain padin. "Gusto rin kitang kausapin para sa birthday mo. Dun ko din iaanunsyo ang engagement nyo ni Prince Harris." Tsk. Di ba pwedeng seventeen nalang ako habang buhay? Pag eighteen ka na kasi, ieengaged ka na at pagsapit nyo ng twenty ay magpapakasal na kayo. Pagdating naman ng twenty-one, ako na ang magiging reyna ng buong England. Isipin ko palang, nahihirapan na kong huminga sa laki ng responsibilidad na kakaharapin ko. "Charlotte, nakikinig ka ba sakin?"

"Ha? Opo."

"Puntahan mo ko mamaya bago magtanghalian para makapag usap na tayo ng plano para sa birthday mo." Tumango nalang ako at di na nagsalita pa.

xxxx

Malapit na ang katapusan ko. Malapit na malapit na.

Aish. Ayokong magbirthday. Lalo lang akong mawawalan ng kalayaan na gawin ang gusto ko. Balita ko, masungit daw ang Prince Harris na yun. Tss. Baka matiris lang ako nun sa kakulitan ko. Haaaay.

Yung mga normal na tao din kaya nararanasan yung mga ganito? Yung mga arranged marriage? Haay. Siguro hindi. Buti pa sila, malayang nakakapamili ng taong pakikisamahan nila. Samantalang ako...

Napabangon ako ng makaramdam ako ng malamig na bagay sa paa ko. Kalahati lang kasi ng katawan ko ang nakahiga kaya nadilaan ni Browny ang paa ko. Hinaplos ang ko ulo nya. "Ikaw ba Browny, ipapakasal ka din sa asong di mo gusto ng nanay mo?" Tumingin lang sya sakin kaya napabuntong hininga na naman ako. "Wala ka na nga palang pamilya. Buti ka pa noh? Walang nagdidikta ng gagawin mo. Buti ka pa.. Malaya. Uy, san ka pupunta?!" Takbuhan ba naman ako? Aish. Napahiga nalang ulit ako.

Ano bang kadalasang ginagawa kapag ayaw mo sa isang lugar? Malamang umaalis. Tss.

Napabangon ako. Bat di ko naisip yun?

xxxx

Kinabukasan nga ay dumating ang mag inang Liberty at Harris. Mukha ngang masungit si Prince Harris at nakakatakot. Nakakatakot sya tumingin kasi parang kakainin ka nya ng buo.

"Magandang umaga, Mahal na Prinsesa." Ang lalim ng boses nya, parang galing sa hukay O_o pero di naman nakakatakot, nakakamangha lang. Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw ng nun. Ganun din ang ginawa nito kay Queen Charmagne.

Si Princess Liberty naman, mukhang mataray. Ebidensya na ang parang nakataas na kilay nito. Ngumiti ito pero mukhang nakataas padin ang kilay nya. Bumati sya saming dalawa at tumuloy na kami sa loob ng palasyo.

At yun nga, napag usapan na ang nalalapit kong birthday at ang engagement na din namin. Di nalang ako nagsasalita kahit pa gustong gusto ko ng tumutol at umalis sa lugar na yun. Mas gusto ko pang magtago sa kwarto kesa ang kausapin sila.

"Charlotte, bakit di mo ipasyal si Prinsipe Harris sa palasyo? Sa nakikita ko, parang bored na kayo sa usapan natin." Sambit ni Queen Charmagne. Pumayag naman ako at ilang sandali pa ay naglalakad-lakad na kami sa garden. Pero di kami nag iisa, nasa likod namin ang aking personal maids. Tss.

"Kamusta?" Maya maya ay sabi nya.

"Ayos naman. Ikaw?"

"Alam kong tutol ka sa pagpapakasal natin pero pwede kang maging honest sakin. Ituring mo kong kaibigan." Napalingon ako sa kanya, nakangiti sya sakin kaya napangiti din ako at binalik ang tingin sa harap. Minutes later, i found myself talking happily with him.

Maayos na natapos ang usapan nila Queen Charmagne at Princess Liberty. Kung ano man yun ay di ko alam. Di ko na din namalayan ang oras dahil masyado akong nag enjoy sa pakikipag usap kay Prince Harris. Nagkamali ako ng tingin sa kanya, akala ko masungit sya yun pala napakabait nya.

Nasa kwarto na ko at nagsusulat sa diary ko ng pumasok si Queen Charmagne. Agad kong itinago ang diary sa ilalim ng unan ko.

"Pwedeng umupo?" Tumango ako at umusod ng konti. Umupo naman sya.

"Bakit po, Mahal na Reyna?"

Ngumiti ito pero ramdam ko ang lungkot sa ngiti nya. May isang bahagi ng puso ko ang kumirot dahil dun. "Kahit kelan, di ko narinig na tinawag mo kong Ina." Napayuko ako. Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa kandungan ko. "Di lang ikaw ang naghahangad ng normal na buhay anak." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti padin sya. "Ganyan din ako nung kabataan mo, rebelde. Dumating pa sa punto na ginusto kong takasan ang palasyo para mamuhay ng normal." Aw. Bigla kong nakonsensya. May balak kasi akong umalis dito, di ko lang alam kung paano. "Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng mga magulang ko habang paulit ulit nila kong pinapagalitan dahil sa katigasan ng ulo ko."

Niyakap ko sya ng makita kong naluluha na sya. Iyak nya ang huling nanaisin ko na makita sa mundong ito. "Sana, di mo balakin ang tumakas." Napakagat labi ako. "Mahirap ang mamuhay sa labas ng palasyo. Marami ka pang di alam. Di mo kakayanin ang mamuhay dun." Humiwalay sya ng yakap sakin at hinawakan ang isang pisngi. Nakangiti na sya pero bakas padin ang luha sa pisngi nya. "Nakuha mo talaga ang mata ng ama mo." Pinunasan nito ang luha sa pisngi. "Sige na, magpahinga ka na." Hinalikan nya ko sa noo at tumayo na para lumabas ng kwarto ko.

"Ina.." Napatigil sya sa paglakad at lumingon sakin. Ano na, Charlotte? Magsalita ka na! May sasabihin ka diba?

"Ano yun?"

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"I-i'm sorry."

The Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon