CHAPTER 45

35.6K 1K 27
                                    

CHAPTER 45

Ang aga ko pumasok tapos wala palang klase ngayun. Dahil may seminar pala ang mga prof. sayang lang tuloy yung effort kong gumising ng maaga.

Nag pasundo ako sa driver namin, hindi na ako nag abalang tawagan si Dwayne dahil alam ko naman na busy sya ngayun.

Hay anu kayang magandang gawin ngayun. Parang may light bulb na umilaw sa isip ko.

Ang naisip ko ay i-surprise visit ang aking asawa.

Nag prepare muna ko ng pagkaen para kay Dwayne. Lunch time ko na pag pasyahan pumunta doon sa kumpanya niya.

"Good Afternoon Mrs. Sanford." bati sa akin nung security guard.

"Good Afternoon din po manong." balik kong bati dito at tuluyan na akong pumasok sa loob ng kumpanya ni Dwayne.

Kilala na naman ako dito kaya hindi ko na kinaylangan pumunta pa sa desk clerk para mag pa appointment or mag pa schedule.

Binabati ako ng mga taong nakaka salubong ko and sinusuklian ko lang sila ng ngiti.

Sa Private Elevator ako sumakay na ang may access lang ay si Dwayne pati mga kaybigan ni Dwayne.

Inenter ko na yung passcode tapos ng bumukas ito pumasok na ako sa loob ng elevator.

Anu kayang ginagawa ni Dwayne ngayun?

Nang makarating ako sa floor ni Dwayne yung sekretarya nya agad ang bumungad sa akin.

"Good Afternoon Mrs. Sanford."

"Good Afternoon, Si Dwayne?"

"Nasa Conference room po sya ngayun dahil nag karoon po ng biglaang meeting." paliwanag nya.

"Kanina pa ba sila?"

"Opo pero patapos na po siguro yun, Sa loob na lang po ikaw ng office ni Sir Sanford mag hintay mam." sabi nito.

Tinanguhan ko naman sya at pumasok sa loob ng office ni Dwayne.

Naupo ako sa harap ng table ni Dwayne tapos inilapag ko yung paper bag na nag lalaman ng Lunch ni Dwayne sa table.

Dahil na boring ako sa pag hihintay nilibot ko yung buong office ni Dwayne, Nalibot ko na lahat-lahat wala parin si Dwayne.

Grabe naman yung meeting nila, ang tagal. Tumingin ako sa digital clock na nasa table ni Dwayne at halos 1:30 na and ibig sabihin nalipasan na ng gutom ang asawa ko.

Bumukas yung pinto at niluwa nito ang asawa ko na napaka pogi sa kanyang messy hair. Siguro nakaka stress yung pinag meetingan nila.

Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Kanina ka pa ba?"tanong nya at tumingin sa lamesa nyang may paper bag na naka patong.

"Hmm mga isang oras at kalahati na rin and by the way i brought your lunch food." pag tutukoy ko sa paper na tinitignan nya.

"Why you didn't bother to tell me that your coming here? Nag hintay ka pa tuloy ng matagal." sabi nya at inilabas nya yung tapper ware na nag lalaman ng food na hinain ko para sa kanya.

"I want to surprise you pero ako ang na surprise dahil wala ka." sagot ko sa kanya.

"Tsk I'm sorry."

"Anu ka ba ayus lang, Maupo kana hubby ako na mag hahanda nyan para sayo."

Tumango naman sya sa akin tapos hinila nya yung isang swivel chair sa tabi ng upuan nya.

"You sit here." sabi nya at may pag tapik pa sa upuan.

Umupo naman ako doon ng matapos ko ng ihain sa lamesa yung pag kaen nya.

ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Series I #MAFIAWORLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon