Liham ng Naiwan

34 0 0
                                    


Kamusta ka na nga ba mahal ko?
Nandito ako oh patuloy pa ring nangungulila sayo
Nangungulila ako sa bawat araw na wala ka sa piling ko,
Sa bawat oras na wala ka sa tabi ko at
Sa  minu-minutong iba ang kasama mo.

Mahal naaalala mo pa ba ako?
Ako na siyang laging nasa tabi mo
Habang iba na ang iniisip mo at
Iba na rin ang hinahanap-hanap ng puso mo

Mahal umalis ka kasi, umalis ka ng hindi nagpapaalam
Iniwan mo lang naman ako sa kawalan ng mag-isa.
Sana inihanda mo muna ako bago ka lumipat sa kanya
At sana sinabi mo na ring tayo'y tapos na
Edi sana ngayo'y di na ako umaasa pa
Umaasa na baka isang araw ako'y babalikan mo pa.

Mahal ano na nga bang nangyari sa ating dalawa?
Anong nangyari sa storyang pagbibidahan pa nating dalawa,
Storyang naroroon ang ating mga pangarap na sabay sana nating aabutin
Pero ngayo'y nasan ka na ba at ako na lamang mag-isa.

Mahal, paalam na sayo mahal sapagkat
Ako ay lilisan na at aaraling muli ang mabuhay mag-isa.
Ayoko! Ayoko pa sanang bitiwan ka
Kahit sobrang ang sakit sakit na
Kahit gusto ko pang manatili ng ilang saglit pa
Manatili sa piling mo kahit alam kong di na tayo masaya
Kaya naman mahal malaya ka na.
Salamat na lamang sa masaya hanggang sa malulungkot nating alaala.

A/N:
Isa lamang sa mga nagawa kong spoken poetry na nakita ko pa at hindi pa natatapon dahil sa kung saan-saang papel lamang ako sumusulat lol~

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon