mahal sana naalala mo pa

18 0 0
                                    

Mahal naalala mo pa ba?
yung mga panahon na kay sobra nating saya?
yung mga panahon na halos lahat ng oras inilaan natin sa isa't isa?
yung mga kahit sa maikling panahon nakapiling kita.
na kahit sa dalawang taon at isamg buwan minahal mo ako ng lubusan.

mahal naalala mo pa ba?
nung mga panahon na nagpalitan tayo ng mga pangako
nung mga panahon nagplano tayo hanggang sa huli
nung mga panahon na pinangako mo sa akin na kung hindi man tayo ang magkakatuluyan maghahanap tayo ng paraan na magkakasama tayo sa kabilang buhay.

mahal naalala mo pa ba?
nagkasalubong tayo sa daan
napangiti na lang ako para di mo makita na ako'y nahihirapan
nahihirapan na sa sitwasyon na tayo'y hanggang dun na lang
dun na lang sa daan magkakasalubungan
mahal hanggang doon na nga lang ba?

mahal isa lang ang ninais ko
na sana lumingon ka sa daanan ko
na kahit konti
na kahit saglit lang
na sana man lang mahal lumingon ka kahit isa lang
kahit isa lang sa dinamidami ng pagkakataon na tayo'y nagkasalubongan
na kahit mahal sa isang pagkakataon lang sa mga panahon na minsan

mahal naalala mo pa ba?
binati mo ako sa aking kaarawan
di ko yun inasahan
sa pagihip ko ng aking kandila
ang aking tanging hangad lang ay ang batiin mo ako
akalain mo yun mahal nagkatotoo
di pa tapos yung araw na yun
pinalangin ko na sana mahal araw araw nlng ang kaarawan ko
ng maalala mo din lang naman ako

mahal naalala mo pa ba
yung salitang "tayo"?
kasi ako mahal lagi kong naalala yun
yung parang tayo lang ang tao sa buong mundo
yung parang tayo lang ang may alam sa pangalan ng pag-ibig
yung parang tayo lang hanggang sa huli
yung parang tayo lang para sa isa't isa
pero mahal kung bakasali na naalala mo man
tanggap ko na ngayon na wala ng "tayo"

mahal may tanong ako,
alam kong luma na ito kahit kaninong kwento narinig mo na to
pero mahal sa mga panahon ng minsan ba naiisip mo din ako?
kasi ako mahal, walang araw o buwan na di ka umalis sa isipan ko
umalis sa isipan ko kasi alam ko ni minsan di rin lang naman ako pumasok diyan sa isip mo
oo mahal ang sakit
ang sakit sakit
sobrang masakit
kahit sa ganoong paraan lang naman sana gumaan ang kay tagal ng binibitbit nitong mabigat na hapdi at kirot sa puso ko

mahal di ko alam kung bat nasulat ko 'to
sobrang likot lang ng mga kamay ko
na di ko na masyadong naisip kung ano pa ba ang isusulat ko
nadadala nlng ang mga kamay ko
mga kamay ko na sana mahal ang kamay mo ang hawak ko
sa pagbigkas ng mga salita sa bibig ko
na sana marinig mo
marinig mo ang bawat pintig ng puso ko
ang tanging sigaw ay
mahal, mahal na mahal kita
mahal, mahal parin kita
mahal, sana hanggang ngayon tayo pa
mahal, sana di na lang kita nakilala

mahal, naalala mo pa ba?
sabi mo sakin "nasaktan na ako, ayoko ng masaktan pa ulit. wala na tayong magagawa kundi tanggapin na lang ang lahat"
mahal tinanggap ko naman
tinanggap ko na ako ang may kasalanan
na ako ang nangiwan
ako ang nagsisi ng sobrang tagal
pero mahal masisisi mo ba ako kung ikaw mismo ang gumawa ng paraan para ako'y bumitaw?
ni hindi mo ako pinaglaban
pinaglaban kahit sa relasyon na lang
sa mga alaala na tayo lang ang may gawa
sa bawat pagsubok na nalagpasan nating dalawa
mahal, isang paraan ko lang naman yun kung talagang mahal mo ako
mahal mo ako oo pero ba't ka bumitaw agad mahal?

mahal, hayaan na natin yun.
kung may pagkakataon mahal na mas maganda ang mapapanaginipan ko
isang hiling lang ang gusto ko
na sana di na lang ako gumising
ng sa ganoong paraan sa panaginip ko masaya tayong nagmamahalan

mahal isa lang ang tanging hiling ko
na sana mahal maalala mo ako
o kahit man lang yung mga panahong kung anong meron tayo

mahal sa panahon ngayon tanggap ko na
tinanggap ko na
dahil sa mga araw, buwan, taon na lumipas
ang nawasak kong puso ay naghilom na
mahal salamat sa lahat lahat
sana napatawad mo na ako
nandito ka parin sa puso ko
kahit di na pwedeng magiging tayo
haha okay lang mahal tanggap ko naman
palihim parin kitang mamahalin,
mahal.

-jdsam

Mahal naalala mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon