Chapter 4

11K 365 6
                                    

Ianah's POV

"Good morning." nakangiting bati saakin ni Water pagkalabas ko sa kwartong pinagamit niya saakin.

Sa bahay niya ako pinatigil dahil wala siyang kasama dito. Nakwento niya saakin na wala na siyang mga magulang dahil patay na sila, five years ago.

Nakakahiya man na inalok niya akong tumira dito dahil sa wala akong matuluyan kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang alok niya dahil saan naman ako titira dito?
Ngayong napagdesisyunan ko na tumira sa mundong ito ay kailangan kong matutunan kung anong klasing pamumuhay ang meron sila dito. Ang sabi ni Water ay madali lang kumuha ng pera dito kaya yon ang aalamin ko. Ngunit hindi naman ganon kahalaga ang pera dito na siyang hindi ko maintindihan.

Libre lang ba ang magpatayo ng bahay dito? Paano ang mga kinakain nila? Libreng suplay?

"Water paano kayo nabubuhay sa mundong ito? Lahat ng mga bagay dito ay gawa ba sa mahika? Paano ang mga pagkain niyo? Tinitirahan?" tanong ko sa kanya na tinawanan niya.

"Wag mo ng alalahanin yan Ianah. Sinabi ko naman sayo na dito kana tumira sa bahay ko dahil wala naman akong kasama dito at madali lang kumuha ng mga pagkain Ianah. Wag mo ng alalahanin ang mga bagay na ito. Ang isipin mo nalang ngayon ay ang pag-aaral mo. Magiging madali lang ang buhay mo dito Ianah. Promise" ngiting sabi niya.

Kahit na nahihiya ako sa kanya dahil sa libreng pagpapatira niya saakin ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Kapag nasanay na ako sa mundong ito ay babawi din ako sa kanya.

"Ready kana?" tanong niya saakin na kinatango ko.

Ngayong araw ay papasok kami sa paaralan nila tulad ng sinabi niya na ang pag-aaral ko nalang ang iisipin ko.
Kailangan kong matutunan ang lahat ng tungkol sa mundong ito at sa Kingdom na ito. Mapati ang kapangyarihan ko ay kailangan ko itong pag-aralan kaya agad akong pinapasok ni Water sa paaralang pinapasukan niya.

Nasabi na din nila sa Heads ang tungkol saakin kaya may nakilala na ako sa kanila dahil pumunta sila kahapon sa bahay ni Water para makita ako. Tulad ng inaasahan ko ay masyadong seryoso ang mga taong ito kaya sobra ang kabang naramdaman ko habang kinakausap nila ako. Buti nalang ay hindi ako iniwan ni Water.

"Siguradong matutuwa ka sa paaralan namin" ngiti niyang sabi na kinangiti ko din pabalik.

Dalawang araw na akong nandito at talagang sobra ang pagpo-promote ni Water saakin ng mundong ito. Hindi ko naman siya masisisi dahil mapati ako ay natutuwa sa lahat ng mga pinapakita at kinukwento niya saakin.

"Wala ba tayong ginagamit na uniform sa paaralan niyo?" tanong ko sa kanya.

Suot ko ang pinahiram niyang damit saakin na hindi ko ma explain ang disenyo dahil magkakapareho lahat ng disenyo ng damit niya. Puro kulay asul tulad ng kulay ng mga mata at buhok niya.

May pagkakatulad parin naman ito sa mga nakikita kong sinusuot ng mga mayayamang mga tao sa mundong pinanggalingan ko ngunit sumobra lang ang disenyo ng mga sinusuot nila dito. Hindi ko maexplain sa gulo. Basta may paikot ikot na ewan.

"Wala. Hindi ko nga pala nasabi na kung ano ang hawak mong mahika ay ganon din ang disenyo ng kasuotan mo mapa studyante kaman o hindi. Hindi napapalitan ang kasuotan namin dito I mean yung itsura, depende lang kung babaguhin mo ng kaunti pero nandon parin ang simbolo ng kapangyarihan mo.

Tulad nitong suot ko. Kulay asul dahil sa isa akong water controller tapos kita mo tong nakaukit sa baba ng damit ko na parang waves? simbolo ito ng tubig.
Ang pang-ibaba ko naman ay parang pants din ngunit maluwag. Pwede ko naman palitan ito ng palda pero kung gusto mong komportable lang ang suot mo ay ito ang gamitin mo." paliwanag niya. Now I know. Kaya pala kulay asul lahat ng damit niya.

Godderna's Kingdom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon