Chapter 1

19.2K 519 23
                                    

Ianah's POV

Nilibot ko ang tingin ko nang mapansin na nagbago bigla ang paligid ko. Nasaan ako? Bakit ako napunta dito?

Malalaking puno lang ang nakikita ko. Para akong nasa gubat ngayon. Madilim ang paligid dahil gabi na. Buti na lang ay maliwanag ang buwan.

Ang natatandaan ko kanina ay lumabas ako ng bahay pagkatapos ay may bulalakaw..

Napatingin ako sa pulseras na binili ko kanina kay Lola. Biglang umilaw ang pulseras nung lumapit ako sa bulalakaw pagkatapos ay napunta ako sa lugar na ito. Paano nangyari ‘yon? Nananaginip ba ako? Pero bakit parang totoo ang nakikita ko at ramdam ko ang init sa katawan ko.

Muli kong nilibot ang tingin ko para hanapin ang bulalakaw. Baka hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa bahay. Wala namang katabing gubat ang bahay ko. Kahit malayo ako sa ibang mga bahay ay hindi ko pa nakita ang lugar na ito. Para akong nasa ibang lugar ngayon.

Niyakap ko ang mga braso ko nang humihip ang malamig na hangin. Sobrang lamig dito dahil sa malalaking puno. Hindi ko na nga maramdaman ngayon ang init ng katawan ko dahil sa lamig. Kung magtatagal pa ako dito ay baka mamatay ako sa lamig.

Kasalanan ko kung bakit ako napunta rito. Kung hindi ko lang sana sinundan ang bulalakaw ay kanina pa ako natutulog ngayon sa bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" muntik na akong mapatalon nang marinig ang boses na nanggaling sa likuran ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman. Wag sanang adik ang taong to. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kung masamang tao nga siya.

"Hey..” hahakbang na sana ako para tumakas nang mabilis niyang hinuli ang kamay ko pagkatapos ay hinarap sa kanya.

Bumungad saakin ang hitsura ng lalake na may puting buhok at kulay abong mga mata. May matangos na ilong at malarosas na labi. Biglang nainggit ang kulay ng balat ko nang makita ang kaputian niya.

Lalake ba siya? Bakit parang mukha pa siyang babae kaysa sa akin?

"Uulitin ko sino ka?" tanong niya sa akin at binitawan ang hawak niyang kamay ko. Hindi naman yata siya babae dahil sa malalim niyang boses.

"Ianah." sagot ko na kinakunot niya ng noo.

May mali ba sa sinagot ko? Sinagot ko naman ang tanong niya kung sino ako.

"Anong ginagawa mo dito? alam mo bang mahigpit na ipinagbabawal na huwag lumabas ng Godderna dahil maaaring may mangyaring masama sayo!" galit na sabi niya.

Ako naman ang napakunot ng noo.

Godderna? Mahigpit? Ehhh?!

Bakit bawal lumabas? May curfew na ba sa amin? Bakit hindi ako na inform?

Wala naman akong narinig na may ganitong batas ang baranggay namin at kailan pa naging Godderna ang lugar namin? Nasa kabilang baranggay ba ako? Pero wala naman akong narinig na ganitong pangalan na baranggay sa probinsya.

"A-Anong ibig mong sabihin? Anong Godderna?" takang tanong ko at umatras palayo sa kanya. Baka ay adik nga siya.

Kahit pa na may pagkakoreano ang hitsura niya ay dapat akong mag-ingat. Malay ko ba na uso ngayon ang mga gwapong adik.

"Godderna. Ang lugar kung saan ako nakatira. Sa lugar na yon." sagot niya sabay turo sa isang lugar na hindi ko maklaro dahil gabi na at sobrang layo nito.

Baka nasa kabilang baranggay talaga kami dahil hindi sa akin pamilyar ang tinuro niya. Ang lawak naman yata ng baranggay na to at unique pa ang pangalan, Godderna haha.

Godderna's Kingdom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon