Kabanata 3

0 0 0
                                    

"MUDRA, alis na ako!" Paalam ni Kira sa kanyang ina.

It's the first Sunday of the month, meaning, pupunta siya ng orphanage. Gawi na niya ito, sa totoo lamang ay ginagawa na niya ang pagbisita  at pagtuturo sa mga bata sa bahay- ampunan sa loob ng isang taon hanggang sa kasalukuyan. Talagang bata ang kanyang kinahihiligan. Sa kanya, ang mga bata ay napakacute at napakasarap alagaan at turuan, isa sa mga dahilan kung bakit siya naging isang guro.

"Aba'y​ mag- iingat ka, kirengkeng." Bilin sa kanya ng ina.

Siya'y masayang umalis ng bahay nila at pumara ng tricycle papunta sa orphanage. Pagdating niya, ay ang pagsalubong sa kanya ng mga batang halatang kanina pang naghihintay sa kanya sa pagdating. Kasama ng mga ito ang isa sa mga tagapag- alaga ng mga bata, si Sister Rosie, na sinalubong din siya sa pamamagitan ng isang ngiti. Sinuklian niya ito ng tipid na ngiti.

"Magandang umaga po, Sister Rosie." Bati niya rito.

"Magandang umaga din, Kira." Bati ng madre pabalik sa kanya.

Pagkatapos ng batian ay dumiretso siya sa pwesto ng mga bata na ayos nang nakaupo at mukhang handa na sa kanilang matututunan mula sa kanya. Napangiti siya sa sarili sa kaisipang laging handa sa pagdating niya ang mga bata.

"Magandang umaga, mga bata!" Masaya niyang bati sa mga bata.

"Magandang umaga din po, Ate Kira!" Sabay- sabay na tugon sa kanya ng mga bata.

"Mas maganda pa ako sa umaga, mga bata!" Masigla niya muling bati sa mga ito kasabay ng mga halakhakan ng mga bata at maging ni Sister Rosie na nasa tabi lamang at nanunuod sa kanyang pagtuturo.

Pagkatapos niyon ay tuluyan na niyang tinuruan ang mga bata. Pagkatapos ng isang oras ng pagtuturo ng Abakada at pagkukwento ng The Little Mermaid sa mga bata, ay binigyan niya ang mga ito ng oras upang maglaro. Siya'y nakatayo lamang at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro habang siya'y magiliw na nakikipagkuwentuhan kay Sister Rosie.

"Sister, bakit mukhang malungkot na naman si Charles?" Nag- aalala niyang tanong sa Madre. Charles. Isa sa mga batang tinuturuan niya mula pa noon ngunit laging malungkot, tila may inaantay. Pansin niyang napabuntong- hininga ang Madre. Kunot- noo siyang napatingin rito.

"Bakit po?" Tanong muli niya.

"Marahil ay sa kadahilanang matagal- tagal na rin mula nang dalawin siya ng kanyang ama." Malungkot na wika nito.

Nagulat man siya ay hindi niya ipinahalata. Ama?! Kung ganoon, bakit hindi pa rin ito dinadalaw ng ama? Napabuntong- hininga na lang siya. Napagdesisyonan niyang lapitan na lang si Charles upang kausapin o di kaya'y makipaglaro, anumang maaari niyang magawa upang mawala ang lungkot na namumutawi sa mukha nito.

Palapit na siya sa bata nang may lalaking lakad- takbong pinuntahan ang bata at lumuhod sa harap nito. Pansin niya ang namumuong ngiti sa labi at nangingilid ang luha ng bata. Baliw ba ang batang ito? Nakangiting paiyak na? Nabaliw na ba ito sa kakahintay sa ama? O baka naman pinaiyak ito ng lalaki sa harapan nito?

Nag- igting ang panga niya. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay ang nagpapaiyak ng mga bata.

Dali- dali siyang dumiretso sa kinaroroonan ng bata at ng lalaki. Talagang nagpupuyos na siya sa galit.

"How dare you to make the child cry!" Galit niyang sigaw sa lalaki.
Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa. Napasinghap siya at nanlaki naman ang mata ng lalaki nang nagtama ang mga mata nila. Juskolord!

Muli niyang tiningnan ang mukha ng binata, sunod sa bata. Hindi sila magkamukha para maging mag- ama. Pero,

"Ang aga mo namang maging ama. Sayang,  crush pa naman kita." Pag- amin niya rito. Totoo naman kasi. Crush niya ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taming the UntamedWhere stories live. Discover now