Chapter 3: Neutral Territory

159 7 0
                                    

Jasmine's POV

Isang napakapayapang gubat ang aming nilalakaran. Kasama ko pa rin ang lalaking nagdala sa akin sa lugar na ito.

Nakakaiba talaga ang lugar na ito. May parang kung anong aura na lumalabas sa lupa, hangin, puno, at iba pa. Nilanghap ko ang sariwang hangin na talaga namang kakaiba.

Sa aking pagkapikit, isang kakaibang pangyayari ang aking nasaksihan. Ang dating sariwang hangin ay nangamoy bakal, amoy sunog. Bigla akong napamulat nang marinig ang napakalakas na mga palahaw.

Napalinga-linga ako sa paligid nang mapansing wala namang tunog maliban sa mga huni ng ibon.

"May problema ba, Jasmine?" tanong ni Jay na tanging iling na lang ang sagot ko. Maaaring nagha-hallucinate na naman ako.

Ikinagulat ko nang hinawakan niya ang aking kamay at hinatak patungo sa aming paroroonan— ang Neuderall Academy. Ibig sabihin ay nagmamadali talaga siyang makarating doon.

Nakalahati na namin ang aming paglalakad nang biglang isang napakalakas na pagsabog ang aming narinig. Nagkaroon na rin ng mainit na temperatura sa lugar dahil sa nasusunog na bahagi ng gubat.

Ang sumunod na nangyari ang di ko inasahan. Sunod-sunod ang pagbulusok sa amin ng fireballs mula rin sa kung saan nanggaling ang sunog.

Bigla na lang akong napahawak sa kaniya nang di oras. Nagsipagdatingan ang mga taong umatake sa amin.

Tinanggal ko agad ang pagkakahawak sa kaniya at pakiramdam ko sobra na akong namumula!

"Ayos ka lang? " nag-aalalang tanong niya.

Isang pagtango ang akin naging tugon. Ngayon ko lang ito nakita. Ang ganitong side niya. Napangiti nga ako nang di oras.

Anim na mga lalaki ang lumabas na nakasuot ng itim na mga balabal. Ang isa ay may hawak namang black fire ball. Magic? Totoo? Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon, sa kahibangang ito.

"Oh! The prince of north is here," sabi ng isang lalaki.

"So, what about that?" cold na tanong ni Jay.

Biglang nagtapon ng dark water ball yung isa at nakaiwas naman ang kasama ko. Ako nama'y dali-daling naghanap ng matataguan.

Habang abala sa pakikipaglaban si Jay sa mga nilalang, hindi ko namalayang may dalawang lalaking nakaitim ay lumapit at dinakip ako.

"Ano naman ito‽ Hindi kayo patas makipaglaban!" reklamo ko.

Napahalakhak lamang ang isa at tumugon. "Sa isang laban, kamahalan, kailangan mo ring maging mautak. Ni minsan di magkakaroon ng patas na laban."

Kamahalan? Tinawag niya ba akong kamahalan?

"Oh! Six versus one? Hindi iyan patas! What about... Let us join the fight!" mga salitang narinig ko mula sa itaas.

Napatingin ako sa mga taong bumababa mula sa kalangitan. Kitang-kita na ang mga kwintas nila ay nagliliwanag. Nang makalapit sila, mas lalo pang naging malinaw ang mga kulay na inilalabas ng kanilang kwintas— berde, dilaw, rosas, at asul. Dalawang babae at dalawang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ng dalawang lalaking nakahawak sa akin gayundin ang kanilang mga kasama.

"The wanted generals..." bulong ng isang lalaking may hawak sa akin.

Wanted generals? Mga kriminal? Ano naman ang kinalaman nila rito?

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Sinipa ng dalawang babae ang mga lalaking may hawak sa akin papasok sa portal na kanilang ginawa. Bago pa man ako madala ng mga lalaki, nahawakan na ako ng mga babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Neuderall AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon