Chapter 1: School Life

386 16 0
                                    

Jasmine's POV

Nakaupo ako ngayon sa bench dito sa field ng paaralan ko. The fresh air that caresses my skin calms my mind. Why can't everyday be peaceful like today?

From my peripheral vision, nahagilap ko sila Britney na sa tingin ko ay manggugulo naman. Naupo sila sa bench malapit sa akin at napatingin.

"Jasmine, baby girl, lumapit ka dito at may iuutos ako sa iyo," malumanay na utos sa akin ng isang bully. Kasama nito ang dalawang alalay niya na puro paganda lang ang alam.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa ng nobela. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinila niya ang buhok ko.

"Kung inuutusan ka, sumunod ka!" sigaw nito at sinabunutan ako.

Oo, masakit. Napakasakit. Hindi ko mawari kung anong nagawa kong mali at kung bakit ganito nila ako alipustahin.

"Tumigil kayo! Masakit na!" reklamo ko sa kaniya.

"Aba't nagrereklamo ka?!" mas linakasan pa niya ang pwersa ng pagsabunot sa akin.

Mas lalong sumakit ang ulo ko nang sumama na rin sa pagsabunot ang kaniyang mga alipores. Masakit lang sa damdamin na hindi ako magawang tulungan ng mga nanonood. Kaya naman nila subalit mistula atang masaya pa sila sa pinaggagagawa sa akin ng mga bully.

"Itigil niyo iyan," utos ni Mr. Walker, Jay Walker to be exact. Ang nag-iisang school president.

"Jay, ano ba meron sa babaeng ito? Huwag mong tulungan. Pabayaan mo na lang," sambit ng bully at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok ko.

Napaluha na ako sa sakit, physically and mentally. Napasulyap ako kay Jay. Nagsusumamong tulungan ako.

"I said," he paused, "stop that or else..." banta ni Jay sa kanila. Nagbigay ito ng nakamamatay na tingin.

"Maswerte ka!" sigaw niya at tinaggal ang kamay niya sa pagsabunot sa buhok ko. Prente pa rin silang naglakad na parang walang nangyari.

Is this what I really deserve? What might be the real meaning of... Humanity?

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. "Salamat, Mr. President," pasasalamat ko habang nakayuko.

Isang tango lang ang sukli nito sa akin. Tumalikod siya at agad na umalis. Umalis na rin ako roon sa library at pumunta sa hidden school garden. Ang presko~ Salamat at ako lang ang nakakaalam nito.

Nagulantang at napasigaw ako nang may kaluskos akong narinig at biglang may isang napakakisig na lalaking sumulpot.

"Sino ka?! " nagpapanic kong tanong sa lalaking nasa harap ko.

"I'm your guardian, princess," he said.

Ahh... Guardian ko siya... At ako yung prisesa... What?! Me?! A princess?! Nahihibang na 'to.

"Huwag mo nga akong pinagloloko! Hindi ako prinsesa!" sigaw ko sa kanya.

Masubukan ko nga kung paano niya mapapatunayan ang kahibangang ipinaglalaban niya.

Neuderall AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon