Chapter 8

30 0 0
                                    

I'm Falling

"Nette, alis muna ako." Paalam ko kay Chenette at hindi ko na hinintay na sumagot pa siya at umalis na agad ako sa lugar na iyon. 

Iniwan ko muna sila doon sa loob kasama si Dave dahil hanggang ngayon hindi ko pa din maalis sa isip ko ang huling salitang binitawan niya.

Ang sakit palang makita mo siyang nagpapaalam gamit ang pagkanta niya lang. Simpleng kanta lang ngunit sa mensahe nito ay parang nadudurog ang puso ko habang inaalala ang huling linyang binitawan niya..

"I hate to go"? 'Yan naman talaga ang plano simula palang sa umpisa hindi ba? Na pagkatapos ng isang buwan ay aalis din sila dito. Dalawang araw nalang ang natitirang araw nila dito. Iiwas ba ako sa kanya  sa loob ng dalawang linggo para hindi na ako mahihirapan kapag umalis sila? Kung sakali bang iwasan ko siya at sassanayin ko ang sarili ko na hindi na kami nag-uusap, madali nalang ba sa'kin ang pag alis nila? Pero alam ko din naman na sarili ko lang ang niloloko ko. Sarili ko lang din namana ng masasaktan ko kung sakali. Susulitin ko nalang ba ang dalawang linggo? Tutal aalis din naman siya.. bakit hindi?

Pinilig ko ang ulo ko at sinapo ang aking noo. Ano bang gagawin ko sa nararamdaman ko? Hindi ko din naman masagot dahil hindi ko din alam kung ano ang dapat isagot dito. Nakakainis!

"Sheng?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may nagsalita sa likod ko sa isang pamilyar na boses. Sino pa nga ba ang tumatawag sa'kin na 'sheng' na masarap pakinggan maliban sa kanya?

Pakiramdam ko siya nalang ngayon ang may karapatan na tawagin akong ganyan. Siya nalang ang gusto kong tumawag sa'kin na ganyan. Siya lang.

Nilingon ko siya at nakita kong papalapit siya sa kung nasaan ako.

"Dave, ba't ka nandito?" Tanong ko sa kanya sabay upo sa gilid ng pintuan na parang hagdan ang istilo sa pagkakagawa.

"Nakita kasi kitang umalis bigla, anong nangyari? Okay ka lang ba?" Tanong niya na para bang alalang-alala siya... pero alam kong wala lang ito.

"Naku! Oo naman, okay lang ako. Magpapahangin lang naman sana ako dito  kung sakali." -hindi Dave, hindi ako okay. Nasasaktan akong magpapaalam ka din sa huli. Magpapaalam ka din pagkatapos ng dalawang linggo at mas pipiliin mo ang panginoon. Tinawag ka niya at isa lamang akong temtasyon sa'yo.. Siguro pagkatapos ng dalawang linggo ay hindi ka na maaaring gumamit pa ng cellphone. Siguro naman mas mapapadali nalang itong makalimutan ka kung sa ganoon.- Gusto kong sabihin yun sa harap niya, ngunit imbis na buksan ang bibig ko ay tinikom ko nalang at tinitigan siya.

Tumango lamang siya sa'kin habang nakatingin sa mga sasakyang dumadaaan sa harap namin. This is what city life is... polluted. Kaya nga mas gusto ko sa probinsiya.. Matiwasay at mapayapa.

"Sasama ka ba bukas sa prosesyon?" Tanong ko.

"Siguro. Kami kasi yung mag a'assist kay Fr. bukas. Dalawang linggo nalang din naman..." Now that he mention it again.. Dalawang linggo. Paano ko susulitin yun kung sobrang busy din naman ang simbahan sa ngayon?

"Ganoon ba.." Tumango tango lamang ako. "May tatanong sana ako Dave."

"Ano yun Sheng?" Tanong niya. Hindi ko din alam kung tama bang itanong ito sa kanya. Wala naman sigurong masama hindi 'ba? Habang hinihintay niya akong magsalita ay sumipol-sipol muna siya.

"Kailan ang alis nyo?" Tumingin ako sa kanya at ganoon din siya. Hindi naman siguro maiiwasan yung ganito di'ba? Aalis din naman sila. Tumigil siya sa pagsipol at huminga ng malalim.

"Pagkatapos ng excursion ng parokya daw. Ipinasasama kami ni Fr. para naman daw maranasan namin ang buhay sa labas ng semenaryo tsaka parang kapalit na din ng serbisyong inialay namin sa simbahan daw. Hindi naman kami humihingi ng kahit anong kapali. Makapag serbisyo kami ay ayos na. Bakit mo nga pala natanong Sheng?" Tumitig siya sa'kin at ganoon din siya. But his stare's more intense. Kung titigan ko siya ng mas matagal baka ako lang din ang mapapasunod sa titig niya kaya naman umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya.

Inlove with the SEMENARIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon