Chapter 40:Greet

2.3K 85 12
                                    


Sam's POV

Kailangan kong makausap si Marvin , ngayong sigurado na ako sa natuklasan ko maaaring mabigyan ko na nang babala ang iba naming kaklase

Lumabas akong dali-dali sa laboratory at agad na umakyat sa ikatlong palapag ng gusaling ito.

Teka ? Si Paul yun ah ? Bakit naman siya nag mamadali?

"Paul!" Pero hindi niya yata narinig at pinagpatuloy na lamang niya ang pag akyat.

Hayst. Masundan na nga lang.

Aakyat na sana ako ng Rooftop nang bigla naman akong tinawag ni Jacob, ang pinsan ko.

"Insan , san punta ? Delikado daw jan ah ?" Hayst , pipigilan pa ba niya ako ?

"Wag ka magulo , okay ? " at nagmadali na akong umakyat sa huling palapag .

Wait . Nasaan na si Paul ??

*Bang*

Nagulat ako ng bigla akong nakarinig ng malakas na pagsara ng pinto na pinang-gagalingan ay ang Lumang Facualty Room.

Dahan-dahan akong pumunta duon , mag tao kaya dito ?
Sinilip ko ang glass window upang malaman kung may tao nga , sheez curiousity kills mga bhes !

Nang biglang...

"AAAAAAHHHHHH!!"

napahakbang ako ng patalikod ng makita ko ang mukha ni . .

"Angel?"

Anong ginagawa niya dito . Teka ? Kasama niya si Paul?

Lumabas naman na sila ng kwarto at agad na humarap sa akin

"Anong ginagawa niyo dito?" Pagtatanong ko.

Ano kayang ginagawa nila ? Di ko alam pero...Aaaaahhhh! Erase! Erase!

"W-wala ! May tinignan lang kami" sagot naman sa akin ni Paul

"Ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Sinundan ko kase si Paul"

"Ha? Sinundan ako? Bat mo naman ako sinundan?"

Tinanggal ko muna ang iniisip ko tsaka bumuntong hininga.

"May natuklasan ako . At kailangan kong sabihin yun sa klase"

Third Person's POV

Natapos na ang breaktime kaya naman agad na nagsibalikan ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga kwarto.

Gayundin naman ay bumalik na din sa klase ang buong Class 103

"Marvin, may sasabihin ako , pwede ba akong mag announce ?"

"Sige lang"

Agad na tugon ng binata , agad namang tumayo si Sam at pumunta sa harapan.

"Ehem"

Sa simpleng pag 'ehem' niya ay nakuha niya agad ang atensyon ng lahat .

"Guys, may natuklasan ako ."

Pambibitin niya muna

"Naalala niyo pa ba yung araw kung kelan ang kaarawan ni Angelo?"

Binalot ng katanungan ang mukha ng Klase pero ang iba naman ay patuloy pa ding nakikinig.

"Alam ko lahat tayo dito ay bumati sa kanya, dahil hindi natin maialis sa page na iyon hanggat hindi tayo bumabati ng 'Happy Birthday' "

Pagpapatuloy niya, samantala nagulat naman si Jasmin ng maalala niya ang araw na iyon

CLASS 103 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon