"OPEN THIS, AND DIE"

76 1 0
                                    

KABANATA 2:

  Sabado. Maganda ang sikat ng haring araw ng umagang iyon. Maririnig mo ang huni ng mga ibon, ang pagtilaok ni Jojo na tandang nila Ka Pedring at ang sabog na tunog ng Radyo sa sala namin. Nanjan na si Ina'y, siguro'y agad naubos ang tinda niyang mga isda. May problema ako, at kailangan ko ng tulong ni Ina'y. Sa pag baba ko sa aming kahoy na hagdan, maririnig mo ang lagitik ng mga lumang kahoy. Sa tingin ko, kung isang malusog na tao ang tutungtong saaming hagdan ay mawawarak ito, baka nga buong bahay namin ang madurog sa sobrang kalumaaan na nito. Nasa huling baitang na ako ng aming hagdan at handa nang sabihin kay Ina'y ang problema ko, alam kong nakakahiya kung pati ang ganto ay kay ina'y ko pa hihingin. Alam kong kapos na kami ng pera, ngunit kailangang kailangan ko para sa mga materyales ng gagawin kong proyekto. Kung hindi nga lang naubos ang ipon ko dahil saaking mga libro edi sana hind----

"Ina'y! Ina'y!" Humahangos na takbo ni Ate Jina kay Ina'y. Kasama niya ang tatlo niyang anak. Tsk, kawawang mga bata. Hindi nila nakakamtan ang mga karapatan na nararapat sakanila. Karapatan ng isang bata ang Makapag-aral, maka-kain ng tatlong beses sa isang araw, karapatan magkaroon ng pangalan. Ang mga anak nga ata ni Ate Jina ay binansagan lang niya ng mga pangalan at wala man lang mga birth certificate. At syempre, karapatan ng isang bata na mahalin ng kanyang mga magulang. Oo, mahal sila ni Ate Jina, pero yung hayop nilang Ama? Imposible. Puro bugbog nga lang ang alam nung gawin sa buhay niyang wala ka kwenta kwenta.

"Oh, bakit Jina? May problema ba?" Syempre may problema yan. Sabagay lagi naman atang punong puno ng problema ang buhay ni Ate Jina.

"Ina'y! Tulungan mo kami! Ilang araw nang mataas ang lagnat ni Marrie at hindi ko naman alam ang gagawin ko. Hindi ko naman madala sa hospital dahil wala akong pera. Ina'y tulungan mo kami." Eh, nasan yung demonyo mong asawa, Ate? Gusto ko yang itanong kay ate, ngunit alam kong sasabihin lang ni Ina'y na dapat di ako nakikisabat sa usapan ng may usapan. Ewan ko ba kasi jan kay Ate Jina, hindi maiwan iwanan yang asawa niya. Naalala ko dati tinanong ko siya kung bakit kahit ilang ulit na siya sinasaktan ni Kuya Manny ay hindi padin niya ito maiwan iwanan. 

Flashback

Ako:"Ate bakit ba di mo pa iwanan yang si Kuya Manny, eh lagi lang naman kayo sinasaktan nila Jun-jun at Marrie. Tapos hindi naman kayo binibigyan ng pera. Hindi ba't nung nakaraang buwan ay nakita mo siya kasama ang kalaguyo niyang babae? Bakit hindi mo sinugod? Bakit hinayaan mo lang?"

Ate Jina:" Ang daldal mo talaga Gica. Ang dami mong tanong."

Ako:"Eh, ate bakit nga kasi. Iwanan mo na kasi ate!"

Ate Jina:" Eh mahal ko eh. Alam mo Gica, pag nagmahal ang puso kahit masaktan ang physical na kaanyuan ay walang magbabago. Dahil ang pagmamahal ay pagmamahal. Pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para sakanya, titiisin mo ang lahat para sakanya."

Ako:"Ha? Gulo naman niyan! Di ko gets eh. Diba dapat pag nagmahal eh yung ano, ano yung katulad ng kela nanay. Pag nagbibigay ng pera si Ita'y pag sumweldo siya diba! Eh si Kuya Manny di ka naman binibigyan! Ano ba yun!"

Ate Jina:"Nakakatuwa ka talaga Gica! Balang araw maiintindihan mo rin. Sa tamang panahon. Sa tamang tao." 

End of flashback

Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi ko padin naiintindihan yung mga sinabi ni Ate Jina, wala padin akong alam sa salitang Pagmamahal. Ngunit naniniwala ako saaking pananaw na ang magmahal ay parang pagtaya sa lotto, walang kasiguraduhan kung tama ang mga numerong itataya mo, ilang beses kang matatalo ngunit paulit pulit kang tataya kahit maraming beses ka nang masaktan. Siguro yun talaga ang essence of love no? Ang mag magmahal ng walang hinihinging kapalit, dahil ang pagmamahal hindi pinipilit. Kasi habang mas ipinagkakasiksikan mo ang iyong sarili, mas lalo kang masasaktan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Student Diary:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon