Part 2 - Continuation

146 4 0
                                    

   Dumating na ang aming guro, alam niyo sa siguro ang ginawa namin. Oo nag pakilala kami isa isa sa harap. Boring na boring ako, gusto ko na ngang ilaabas ang libro ko nang may magawa naman akong may kabuluhan pero ang problema ang katabi ko. Napaka ingay talaga nito, ano nga ulit pangalan nito? Momo? Mimo? Mero? Tsk. Letche, pagkatapos ng klase ng 3:00 pm ay tutulungan ko si Inay maglako ng mga kakanin at banana que, pabor saakin yon dahil binibigyan niya ako ng komisyon, kadalasan ay ginagamit ko ito pang bili ng mga kagamitan sa eskwela oh kaya naman ay mga libro.

 "TAPOSSS ANG CUTE CUTE TALAGA NI JIMBI! HEHEHEE! LAGI KO SIYANG HINIHIMAS TAPOS PAG DADATING AKO GALING SA SCHOOL YUNG BUNTOT NIYA LAGING KUMAKAWAG TAPOS TATALON TALON SIYA SAAKIN! HAHAHAAHA! NAKAKA------"

"Pwede ba? Wala akong balak maging bingi sa edad na 13, naiintindihan mo? Tsaka bakit ba salita ka ng salita jan? Tinatanong ko ba? Kinakausap ba kita?" Ayoko talaga sa mga taong maingay, nakawala ng concentration. Sinabi ko nanaman sainyo na hindi ko kailangan ng kaibigang makakausap, maakakatawanan dahil nandito ako upang mag-aral. Sagabal lang yan sa buhay ko. 

"EHHHH! KASIII SIBA NGA! PWENDS TAYOO! BFF! HIHIHIHIHI! TSAKAA ETO NA NGA! ANG SAYA SAYA KO PAG KASAMA KO SI JIMBI! " Wala na akong magagawa, hindi ko na siya mapipigilan. Nasaan na ang naaimagine kong tahimik at makabuluhang 4 na taon sa High school. -_- Hinayaan ko nalang siya mag salita. Ayoko nang sumagot pa at makakadagdag lang ako sa ingay at Air pollution.

"KASI PAG KASAMA KO SIYA, DUN LANG AKO NAKAKADAMA NG PAGMAMAHAL." Napahinto ako sa narinig ko. Oh ano namang drama yan ngayon? Hindi ako chismosa kaya hindi na ako magtatanong. At sigurado naman ako na siya mismo ang magkwekwento, alam niyo na. -_-

"KASI SILA MAMA TSAKA PAPA LAGI NALANG SI MISTY YUNG PINAPANSIN, SYA LANG ATA MAHAL NIYA EH. SIYA LAGI MAGALING, SIYA MAGANDA, SIYA LAHAT. PARANG BULA LANG AKO SA MATA NILA. LAGI NA LANG AKO NANGLILIMOS NG PANSIN, NANLILIMOS NG PAGMAMAHAL." Sabi sainyo eh, siya na mismo ang magkwento. Hindi ako magaling sa mga ganyang bagay, sa mga pagpapayo, pero dahil medyo nakakaawa siya hindi ko siya susungitan.

"Baka naman na mimiss-understood mo lang." Pinag isipan ko talaga yan, yan na talaga yung payo ko.  Hindi na niya ako nasagot kasi nag bell na. Break na.

"TARA NA! HIHIHI! KAIN NA TAYO! GUTOM NAA AKOOOO!" Ang bilis niya maka recover sa pagdadalamhati niya ha. Hinila na niya ako sa kantina. Bumili lang ako ng tig limang pisong tinapay at limang pisong samalamig. Nagtungo kami sa isang bakanteng lamensa at dun nagsimulang kumain. Ako kumakain ng paayapa, at si Mimi eto multitasking kumakain habang naghahasik ng lagim. Joke nagkwekwento nanaman siya ng kung ano-ano. Hindi namin namalayan ang  pagdating ng mga halos 5 kababaihan at 4 na lalaki. Wow? Anong meron?

"UYYYY MIMI!!" Kakakilala ni Mimi. Ang lakas ng mga boses eh.

"UY!! NANDITO DIN PALA KAYOOOOO! MISHU KO NA KAYOOO! HUHU! PERO OKAY LANG MAY NEW BFF NAKO! OH! SI GICA NGA PALA!" Ang lakas talaga ng boses ni mimi! Tinanguan ko laang sila, pero di naman isa isa! Ang dami nila eh. Di ako ngumiti, mapapagod ang muscles ko sa mukha.

"HI GICAAA! AKO NI CASSEA!"

"AKO NAMAN SI MAE!" 

"JASS HERE!"

"PAULA ANG NAME KO! YUUU.<.O.>"

"JEANE NAMAN MEE!"

"Hi, I'm Marc." Lalaki na ung nagpapakilala, kaya hindi na sumisigaw, ang sagwa nila kung sumisigaw din ha.

"Makii. :D"

"Makoy!"

"Chiro naman ako!"

 And once again, tinanguan ko sila.

"WAAA, ANG TAHIMIK MO NAAAMAAAAN GICAAAAAA" Sabi nung isa, di ko kilala, di naman ako nakinig sa pagpapakilala nila.

"NAKO GANYAN TALAGA YANG BFF KO. HIHIHI! UY UPO KAYO! DAPAT TAAYO NALANG MAAGKAKASAMA ARAW ARAW!!!!! "

"OO NGA SIGEEE!" Sabi nila. Oh Good Lord, have mercy! Anong nangyayari sa buhay ko? Si Mimi pa nga lang binging bingi na ako tapos Wow?! 9 more? ANG HARD!

Natapos ang araw na bingi na ako, nagpapatawa ako hindi pa naman. Pagkauwi ay nagbenta ako ng bananaque at pagkatapos ay kumain, naglinis ng bahay at nag-aral. Ganyang kamsimple ang buhay ko, ewan ko nalang sa mga susunod na araw.

--------------------------------------

A Student Diary:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon