chapter 2

12 0 0
                                    

JEANELL POV:

Natuloy ang pagpapakasal ko sa lalakeng ayaw nang lahat nang tao para sa akin. Masyado daw nya akong minadali sa pagpapakasal. Ramdam daw nila hindi sya magiging mabuting asawa sa akin. Mabait naman sya pati pamilya nya.

Tumawag ang bestfriend ko umiiyak pagkatpos nang ceremony “best, I know what is best for you. Kung iglesya na rin naman ang pinatulan mo bakit hindi pa ang insan ko. Haaayyy”  “best gusto ko sya kaya ko nga pinakasalan diba?” sagot ko naman  “gusto? Iba ang gusto sa mahal. Hindi mo nga sinasabing mahal mo sya” sabi nya at binaba na nya ang cellphone nya.

Even my friends don’t congrats me and they never said “best wishes”. Mahal ko sya kaya ko nga pinakasalan diba? Noong una mabait sya. Maganda ang pakikitungo nya sa pamilya ko kaya nga nasabi nilang “nice choice of husband” laking tuwa ko naman tanggap na sya.

Edi wala nang problema diba? Sa ming dalawa nang bestfriend ko okay na kami basta inanak daw nya ang magiging baby namin I agree of course. I love my bestfriend parang magkapatid na nga kami eh.

August lumitaw na ang ugali nya pag nagkakamali sya okay lang pag ako ang nagkakamali  galit na galit sya sa akin parang nakapatay ako nang tao sa kanya nilalambing ko sya tinutulak nya ako palayo hindi nya sinasabi ang ayaw nya nakakabuysit sya! Dapat dinadaan sa usapan hindi yung dinadaan nya sa pagbubusaktong.

Eto pa ahh winasak nya ang kusina namin  nagwala sya sa harapan ko pinagbabasag ang mga baso at plato umiiyak ako sabi ko tama na itigil na nya “bakit ba kasi ang tanga tanga mo jeanell?!?” sigaw nya hindi ko lang agad nalabhan yung pinapalaba nya tanga na ako? Kinagalit nya yun. “ANG TAMAAAD MOOO!” sigaw pa nya natatakot na ako kahit ng-aaway ang mga magulang ko pero hindi ginawa ni Papa ang ganyan sa harapan ni Mommy at sa akin. Pag galit si Papa matutulog lang sya.

May sarili kaming bahay binukod kami para malaman ko daw paano maghandle nang pera since alam ko naman paano maghandle nang pera naka-budget na lahat. Hindi nya lahat binibigay ang sweldo nya sa akin kaya minsan nagkukulang ang budget ko buti na lang tinutulungan ako nina Lola at Mommy pag na-short ako sa pera.

Ini-spoiled pa rin akong patago nang Lola at ni Mommy kasi kulang talaga ang pera ko kailangan ko pa rin daw mag-ayos sa sarili ko para hindi daw ako malosyang. Minsan uuwi sya galing sa kanila sa magulang nya ang init nang ulo ako pinagbubuntungan nya. Hindi na lang ako umiimik ayoko nang away ayoko nang gulo.

Magluluto ako nang makakain namin maselan sya sa pagkain pag kinakaen na nya nang lunch gusto nya iba ang ulam sa dinner. Kulang nga binibigay nya eh noong single pa ako maselan din ako sa pagkaen kaso mula nang mag-asawa ako inalis ko nay un kailangan magtipid. Noon pag ayaw ko ang ulam titext ko ang mga kaibigan ko kakain kami sa labas ngayon sa sitwasyon na to hindi na pwede.

Minsan hindi nya kakainin ang niluto ko kakain sya sa labas sayang ang niluto ko at ang sinaing ko uubusin ko yun kaya di ko namalayan ang goddess body ko na hinahangaan nang mga kaibigan kong babae napabayaan. Tumaba ako nang di ko namalayan. Akala nila Masaya ako sa buhay may asawa kaya tumaba ako hindi nila alam dinadaan ko na lang sa kaen ang lahat.

“ANG PANGET MO JEANELL ! PANGET ! ANG TABA MO! NAKAKASUKA KA!” yan ang lagi nyang sinasabi sa akin tama ba yun? Asawa nya ako dapat sinasabihan nyang maganda ako kahit hindi naman. Nawalan na ako nang kumpyansa sa sarili ko hindi na ako nag-aayos. Pinabayaan ko na talaga ang sarili ko. Panget at mataba na ako tutal may asawa na rin akong tao kaya hindi na ako mag-aayos.

Nalaman ko din pala kaya hindi nya binibigay lahat nang sahod nya kase nagsusugal sya kaya pala lagi syang umuuwi dun sa kanila. Overnight syang naglalaro nang sugal. Sumasama din ako sa bahay nila kaso hindi ako kinakausap nang biyenan ko at mga bayaw ko parang hindi ako nage-exist.

Eto pa ang masakit yung Nokia C3 na regalo nang bestfriend ko binenta nya sa sugal nya iniingatan ko yun tapos ganun lang? Hiniram nya yun nakipag-palit sya nang cellphone  kasi daw hindi naman din ako lumalabas nang bahay kaya hindi ko na daw kailangan nang magandang model na cellphone. Noong gusto ko nang gamitin ayaw nyang isauli “asawa mo na ako kaya kung anong meron ka akin rin. Tapos cellphone lang pinagkakait mo? Ang sama nang ugali mo Jeanell” yun pa ang sabi nya.

Huli na ang lahat sabi nya nawala ang Cellphone ko nahulog sa daan. Huli na rin nang malaman kong binenta nya dahil sa sugal. Hiyang hiya ako sa bestfriend ko nang itanong nya ang cellphone na regalo nya sa akin nagalit anng malamang nwala nang asawa ko “sino ba sya?  Nadatnan na lang nya ang phone na yun sayo tapos winala lang nya? Hindi ba nya alam jeanell pinag-ipunan ko yun para mabili lang para sayo?” galit na sya binanggit nya ang pangalan ko.

“Binilhan ko kyo nang GF ko ahhh!” sabi nya sa kabilang linya “nakakawalang gana ibababa ko na nabubuysit lang ako hindi na kita reregaluhan. Plano ko pa man din regaluhan ka nang blackberry pero wag na baka mawala ulit nang asawa mo!” binaba nya ang cellphone galit sya.

Isang araw kailangan kong pumunta sa school dahil may nilalakaran pa akong papel dahil tapos na ang business ko sa school bumaba ako sa isang terminal tinawagan ko sya na sunduin na ako umo-O naman sya.

Ang tagal naman nya dapat mga within 5 minutes nandito na sya after 30 minutes dun palang sya dumating at iba ang timpla nang mukha nya sumakay na ako wala syang imik anong meron dito? “mag-usap tayo pagka-uwi natn” sabi nya.

Pagka-uwi namin hinila nya ako papasok nang bahay ang sakit sakit nang wrist ko  saka nya ako inupo nang marahas sa kama “hindi ka galing sa school mo!” sigaw nya “galing ako dun! Ano ba?!? Nanggaling ako dun” sabi ko nagsimula tumulo ang luha ko ganito sya hinihigpitan nya ko pero pag sya okay lahat hindi ko sya pwedeng bawalan. Pero ako may sense ang pinupuntahan ko eto sya.

“Pumunta ako sa school mo pero wala ka don! San ka nagpunta?!?” ang dumi nang utak nya grabe. Sinampal nya ako “nanggaling ako doon pero hindi kita nakita!!!” sigaw nya tumayo ako nanlaban na ako hindi ko na kayang magtimpi pa “Tanungin mo man ang prof ko nandun ako! Nag-usap kami! Pati mga guard nagkwentuhan pa nga kami eh! Pati CCTV nang school panoorin mo!”

Hindi ako umiik kay mommy hindi ko sinabing nag-away na naman kami dahil lang sa walang kwentang hinala nya. Mga hapon kailangan ko na naman umalis pupunta ako sa computer shop dahil sa dami nang pina-print ko umabot ako nang 8pm nagpa-alam naman ako sa kanya at kasama ko si Mommy.

“Bakit ngayon ka lang?!?” sabi nya  “ang dami ko kasing pina-print ang kapal ohh” sabi kong mahinahon “susunugin ko mga punyetang papel nay an eh!” nabigla si mommy sa sinabi nya ang thesis ko susunugin nya? Nauna na syang pumunta sa bahay.

WILL FOREVER EXIST TO ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon