PANSAMANTALA

57 2 0
                                    

( pagpapakilala )

psst! ako nga pala si Jehn Garcia, pero madalas " nhej " ang tawag sakin ng mga close friend ko. 18 yrs. old, simpleng babae hindi tulad ng best friend kong si Jigger famous, gwapo kasi eh kaso nuknukan ng suplado pag dating sa ibang babae sa GF nya at sakin lang siya hindi ganun, hindi katangkaran, singkit, marunong kumanta at sumayaw pero sympre kame kame lang magkakaibigan nakakaalam non haha.

IN LOVE ako sa BEST FRIEND ko ! yeah tama kayo im in love w/ my best friend, at sobrang hirap talaga ng sitwasyon ko.

Hello! Im Jigger Grammas 19 yrs. old, Half Fili-Half Euro. Hindi sa pagmamayabang pero Gwapo at Cute talaga ako haha kidding aside, Barsity player ako ng campus namen, Suplado pag dating sa ibang babae pwera lang sa taong importante sakin at mahal ko syempre yun ay walang iba kundi ang Best Friend ko at GF ko.

Bryle Smith nga pala Half Fili-Half American, 19 yrs. old, kababata ko si Bryle, same kame na barsity player ng basketball pero ako ang captain ng aming team. Kilala nyo ba yung best friend ni Jigger? si The Hobbit este Jehn pala, actualy crush ko siya, wag kayo maingay ha, kaya nga palage ko yung inaasar para mapansin niya ko eh. haha.

yo! im Sandra Smith couz ko si Bryle 18 yrs. old Best Friend ko si Jehn, medyo boboyish boyish same kame ni jehn kaya nga magkasundong magkasundo kame, alam ko rin na in love siya sa best friend niyang lalake na si Jigger.

Hi im Cindy Madrigal , 19 yrs. old maganda, sexy at hinahangaan ng lahat ng kalalakihan, Bf ko si Jigger ang isa sa kinababaliwan ng mga kababaihan sa campus namin, inis ako dun sa Best Friend nya ewan ko ba kung bakit basta kumukulo yung dugo ko sa babae nayun.

Chapter 1 ( Pag pasok sa School )

" Jeeeeehhhhnnn Garcia!! anu ka bang bata ka kay kupadkupad mo talaga kahit kelan! hindi kana nahiya sa mga kaibigan mo lage nalang ikaw ang hinihintay! " sigaw ng nanay ko.

" Opo etona nga po nagmamadali na! paulit-ulit nay?! unli lang?!! " sabi ko sa nanay ko. hay nako kahit kelan talaga tong si nanay lage nalang nakasigaw, hindi na nahiya sa mga kapitbahay pati sa mga kaibigan ko tsk! dali dalina kong lumabas ng bahay at baka makurot pakong nanay ko, sakit pa naman mangurot nun.

Nandito na ko sa labas ng bahay namen at nakita ko na yung isang babaeng nakapamaywang si Sandra, isang lalakeng nakasimangot si Bryle, at isang prince na nakangiti sakin si bhest Jigger " hehe yo! morning, pasensya na, ano kasi- "

" tsk! kahit kelan talaga napakakupad mong the Hobbit ka! tsk! kakainis lage nalang. " sabi ni Gondar este Bryle. yeah tawag sakin ni Bryle eh The Hobbit yung mga maliliit na tao sa Lord of The Ring at ang tawag ko naman sakanya eh Gondar yung panget na character sa Dota.

" oh! oh! tumigil na kayong dalawa baka magkapikunan nanaman kayong, ang aga aga eh " sabi ni bhest na tawa ng tawa.

hay ang gwapo gwapo talaga ni bhest, kyaaa! kinikilig ako bigla akong napatilig sa pagpapantasya ko ng biglang " hoy! malelate na po tayo oh, baka gusto mu na pong maglakad mahal na prinsesa " binatukan na pala ako nitong si preng Sandra. Tong babae na talaga na to panira ng moment eh.

" ang sakit naman nun preng! wagas ah! sayo ko kaya gawin yun! gusto mo try ko sayo?!! " sabi ko habang hinahabol siya tumakbo kasi siya eh asar.

tawa naman ng tawa yung dalawang kasama namen papasok ng school.

Nandito na kame ngayun sa school at ang mga babae ayun naghihiyawan nakakita ng dalawang maganda at dalawang gwapo eh! joke! si Bryle lang at Jigger ang tinitilian ng mga yan kaw ba naman makakita ng gwapo hindi ka kiligin.

Nasa gitna kame ni Sandra at nasa magkabilang gilid naman namin si best at bryle. Habang naglalakad bigla akong napatigil pano ba naman nandyan na yung haliparot wala ng ginawa kundi ang manakit sa damdamin ng best friend ko. At ang bruha grabe ang damit halos luwa na ang dapat lumuwa.

" Hi honey! good morning oh! hi jehn, sandra and hmm. bryle " super ngiting sabi ni impaktitang si Cindy sabay yapos at kiss sa pisngi ni best! sarap ingudnhod at kasama niya pa talaga yung dalwang alipores na si Haliparot 2 and Haliparot 3. Si Cindy ang haliparot 1 haha.

Ngumiti lang kameng tatlo at nagpaalam na para pumunta sa kanya kanya naming room, classmate ko si Sandra same kameng HRM yeah college na kame, si Bryle Civil eng. si best Jigger Mechanical Eng. si Sandra naman Tourism at ihahatid pa siya ni best may kanya kanya kasing building bawat Course dito samen.

Wala naman gaanong ginagwa daldal doon, tulog don, kain doon kaya hindi namin namalayan na uwian na pala.

Uwian na namin sabay sabay kaming umuuwi nila best para ihatid ako samin, ewan ko ba nakaugalian na nila yun yung pagsundo sakin sa bahay at paghatid. Minsan nga yun pa yung naging dahilan ng hindi nameng pagpapansinang apat ang babaw no? OA kasi yang mga yan daig pa mga parents ko over protective haha.

Kanina pa kame dito ni Sandra sa shed, hinihintay namen si Best at Gondar tsk. kung ako tuwing umaga ang hinhintay yung dalawa naman tuwing hapon mas nauuna pa kasi kameng maguwian sakanila eh.

note : ( bhest meaning si jigger , Gondar meaning si Bryle )

"preng ayan na si best mo oh kasama si haliparot! " kalabit sakin ni sandra

"tsk! na quh isasabay nanaman satin yan pauwi im sure. imbyerna! " nakangusong sabi ko

"oh nanjan nadin pala si couz eh. Hi! couz and Jigs. " sabay kaway na bati ni sandra hindi nya talaga binati si haliparot eh yan ang magbest friend haha.

" kanina pa ba kayo dito? " tanong ni best sakin

" ay hindi ngayun ngayun lang! nabilang na nga namen yung mga estudyanteng nagsisiuwi na eh kaya ngayun ngayun lang kame! " sarkastikong sagot ko. Natawa naman bigla si Gondar.

" ay. sorry na best hinintay ko pa kasi tong si hon eh. wag ka nang sumimangot dyan, lilibre nalang kita maya ng ice cream " nakaakbay na pag lambing sakin ni bhest. syet! naman eh bakit ba unting lambing nya lang nawawala na yung tampo ko asar lang.

" ehem! tama na ngayang landian nyong dalawa sakit sa mata! " masamang tingin ni gondar saming dalawa ni best.

" hon. diba sabi mo sasamahan mo pa kong mag mall? lets go? " sabat ni haliparot habang masama din ang tingin sakin.

tsk! epal talaga tong dalawang to eh sabi ko sa sarili ko. Moment na eh nabulilyaso pa at magmamall pala sila tapos sasabihin nya sakin na ibibili nya ko ng ice cream ano yun paasa lang? asar!

" sige na bhest magmamall pa pala kayo eh una na kame ingat ka nalang. "

" hay pasensya kana bhest ha bawi nalang ako sayo. Tara hon. "

Nagsimula na kameng pumunta sa parking lot kotse ni Bryle ngayun gagamitin namen pauwi.

Nakakainis talaga yung haliparot nayun lage agaw ekasena bulong ko sa isip ko.

PANSAMANTALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon