ONE

141 0 0
                                    





Today is my wedding day, 'di talaga 'ko makapaniwala na ikakasal na ako sa kanya. Imaginin mo, sa pitong bilyon na tao sa mundo, eto sa kanya ako napunta, sa kanya ako bumagsak, sa kanya ako napamahal ng todo, Ayiiehh kileeegg!




Oo sa kanya nga




Sa taong nakasama ko simula nung mga bata pa kami, sa kanya na isa sa mga kapatid ko. Pero nung mga panahon na 'yon, wala talaga sa plano ko na mangyayari 'to, as in wala talaga bes, kaya eto na nga ikekwento ko na kung pano ba nangyari ang lahat ..




Flashback ..






Alisson's Pov
(ako 'to, hah FYI)





First day of school este first day ko sa pagiging high school student at naglalakad na ako papasok ng gate. Nung elementary pa lang ako, pangarap ko na makapasok dito dahil dito nag-aaral ang mga kuya ko. Si Kuya Leo, ang panganay namin at yung kambal na si Tyler at Kaiden.




Natawa tuloy ako ng konti.





kung tutuusin kasi hindi naman sila medyo magkamuka.




Lahat silang tatlo puro famous, madaming nagkakacrush at balita ko din sa isang araw mababa na yata yung sampung confession na natatanggap nila. Sino ba naman kasi ang hindi magkakacrush eh lahat sila gwapo.




Yup, ubod ng gwapo!
wow hah proud bunso lang ang peg?




Hindi lang din sila puro gwapo lang shempre may kanya kanya din silang talent. Si Kuya Leo, nasa 3rd year na sya at masasabi kong isa syang henyo pagdating sa pagluluto, sya din ang president ng Cooking club dito kaya naman yung mga babae nagkakandarapang magmember. Pinakapaborito kong kapatid si Kuya Leo, napaka caring kasi niya at lagi nya 'kong pinagluluto ng masasarap na pagkain. Mahilig din kasi akong kumain, 'di lang halata, hahah!





Si Tyler naman, henyo pagdating sa sports, magaling kahit saan mo isali. Balita ko ibat'ibang sports club yung kumukuha sa kanya pero tinatanggihan nia. Huu! malay ko ba dun choosy pa hmp! Isang taon lang ang agwat nila sakin ni Kaiden at kung tutuusin hindi ko rin masasabi na paborito ko syang kapatid o kasundo dahil hindi ko rin matantsya ang ugali nya, may pagkamayabang din kasi. Hmp!





Etong si Kaiden, bes wag ka model ang kuya mo! ay kuya ko pala. Lagi syang nafefeatured sa mga sikat na Teen Magazines, pinag-aagawan din sya ng mga photographers, directors, managers at kung sino sino pang mga ers ang dulo, joke! last na yun.
Magaling din sya pagdating sa fashion, kung magdamit yan akala mo laging may pictorial o shooting na pupuntahan, siguro natural lang sa kanya 'yon pero para samin o sakin parang laging extra special ang dating. Ang gwapo kasi, umph! ><




Mabait naman si Kaiden, pero masyado syang clingy sakin na dumating na sa puntong nakakaasar na. Naasar talaga 'teh, wow ha?




Sige nga, sino ba naman ang hindi magkakandalaglag ang panty sa tatlong 'yan eh halos lahat gifted with talents at looks? Sino pa ba ang makakapantay sa tatlong 'yon sa school na toh?




Sa tingin ko bes, wala na.







Patuloy padin ako sa paglalakad hanggang sa biglang may humitak ng palda ko! Napatingin ako at biglang nanlaki ang mga mata ko, pucha! isang bibe??





"Ahhh!!! shoooo! shooo!! ahhh!!! bitawan mo palda ko!!!" pagsisigaw ko, hinitak hitak ko padin yung palda ko pero shit lang hah, napakamanyak naman ng bibe na 'to ayaw bumitaw.






"Shoo!!! shooo!!!" anu ba yan! bat ba kasi may bibe sa skwelahan na 'to, anung akala nila dito, farm??





"Huy, tingnan nyo, may binibiktima na naman yung bibe!! dali dali!!" rinig kong sigaw nung isang lalaki habang nakatawa sabay labas ng cellphone nya, wow pre, sumigaw ka sana ng worldstar!





"Shoooooooooooo!!!!" bumitaw na din sa wakas yung bibe pero sa kamalas malasan nga naman napaupu ako sa putik na may halong tubig. Naalala ko umulan nga pala kagabi.





Kung minamalas ka nga naman diba, first day of school ko ngayon, bakit parang sinalubong yata ako ng bonggang bongga. Napatingin ako sa paligid at ang daming studyante ang nakatingin lang sakin, lahat sila parang nagbubulungan.





"Hoy, kawawa naman ohh tulungan mo kaya be" rinig kong bulungan nung dalawang babae na malapit sakin. Oh diba, matalas pandinig ko. "Ehhh! ayoko ang dumi dumi nya ee, ayoko hawakan, ikaw na lang bes" pareho silang tumingin sakin at nandiri.






Konti na lang talaga mababait ngayon 'noh?






Sinubukan kong tumayo ng biglang may nag-angat sakin.






"Tsskk! Anu bang nangyari Alisson??" napalingon ako at si Tyler pala 'yon sabay abot nya sakin ng panyo "Nadumihan tuloy yung damit mo, hayy suot mu muna 'to " nag-aalala namang sabi ni Kuya Leo na agad na hinubad ang blazer nia at sinuot sakin."Baka magkasakit ka pa nyan" hinimas nya ng kaunti ang likod ko. "Hala, baka natalsikan ka sa mata Ali, tingnan ko nga" sabi naman ni Kaiden sabay lapit nia sakin, yung sobrang lapit bes na anytime pwede na kaming magkiss.






"Ok na ko Kaiden, at isa pa ..." sabi ko habang pinupunasan ang pisngi ko "Wag nga kayong OA dyan, malayo sa bituka 'to noh! " pasigaw kong sabi. Nakakainis kasi 'di na ako makahinga sa sobrang lapit nila sakin.





"Oo nga!!" sigaw ng isang babae, ngayon ko lang napansin na napapalibutan na pala kami. "Bakit ba lahat kayong tatlo nilalapitan nyo 'yang babae na yan, ang dumi dumi nyan ohh!!!" sabay turo nya sakin. Napansin ko karamihan sa mga babae nakairap at puro mga nakasimangot sakin. Kung nakamatay yung mga tingin nila, malamang deds na ako.






"Bakit?" sabi ni Kuya Leo. "Bakit naman hindi kami mag'aalala sa pinakamamahal naming bunso." at niyakap ako ng tatlo kong mga kapatid.





"Bunsooooo???!!!!!" parang natuliglig ata yung tenga ko sa pagduduet nilang lahat. "Hala, eh parang hindi naman nila kamuka" bulong nung isa "Susss, sabi sa chismis maganda daw hindi naman pala" bulong din nung nasa likuran "Naku ha, mukang sa magkakapatid 'yan yata yung napag-iwanan" sabay tawanan nila.






Inasahan ko na yung mga ganyan, inasahan ko na din na mangyayari 'to, sasabihin nila sa madla na kapatid nila ako at Boom! walang maniniwala. Kahit nung mga bata pa lang kami ganito na ang eksena, walang pinagkaiba, kaya nakahanda na ang tenga ko, ang puso ko at ang kalooban ko sa mga lait nila. Sowss, maliit na bagay.






"Lumayo nga kayo!" sabay tulak ko sa kanila. "Anu ba?! hindi na 'ko bata 'wag nga kayong sobrang makalapit sakin, nakakahiya, kaya sana naman kapag nasa school tayo, keep your distance!" nagalit na ko bes, kaya napasigaw ako.






"Awww, ang cute talaga ni Alisson kapag nagagalit noh" sabi ni Tyler at agad yumakap sakin "Ou nga sobrang cute talaga" si Kaiden din yumakap "Buti na lang talaga nandito ka na Ali" sabi naman ni Kuya Leo at haiii yumakap din.





Haii, parang pasok sa tenga labas lang sa kabila yung mga sinabi ko hah, Tsskk etong tatlo talaga!!



Yung totoo bes, makakahinga pa ba 'ko neto??




- -

iamTinai♡

Three Brothers, One SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon