TWO

76 1 0
                                    






Sa Comfort Room






Naghihilamos ako ng mukha ngayon, puro putik kasi.






"Yung mga baliw na kumag talaga na 'yon!"  sabi ni Zia habang napapailing na lang, yung parang naiinis na may halong pagkadismaya.







Kwinento ko kasi sa kanya kung pano ko pinakilala sa madla nung tatlo kong kapatid at kung pano nila ako yakap-yakapin sa harap ng maraming tao.






Si Zia, si Zia na walang malay, charr!, Bestfriend ko nga pala 'toh simula nung 5 years old pa lang kami, Bestfriend/tagasermon/foodbuddy/my savior yan si Zia para sakin.





"Ganyan na sila sayo simula nung elementary pa lang tayo diba ??" humarap sya sakin, tumango naman ako "Dati nung nakikita ko kayung apat okay pa eeh, ang cucute nyo tingnan, pero ngayon bhie (tawagan namin) nakakahiya na panuorin pramis .." yung kilay nya anytime pwede na magbanggaan.







"Kaya nga diba, nakakainis na .." agree naman talaga ko 'don.







"Actually, kung laging ganyan ang magiging sitwasyon mo, Alisson ngayon pa lang bilang bestfriend mo sinasabi ko na sayo things are going to be pretty bad" anu daw bes?







"Kung laging nakadikit sayo 'yang tatlo mong kapatid, hindi ka magkakaboyfriend." Boom!! bigla tuloy akong nangamba.







"Hahh??"







"Sige ka ikaw din, baka sa huli, tumanda ka na lang na dalaga yung tipong never kang nagkaron ng love life, ng lalaki sa buhay mo as in never, hindi ka nagkaron ng chance mahalin ganorrrn!" dugtong pa nya.







"Haaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!?????" sigaw ko na lang. "Hindi pwede yoooooonnnn" hanggang sa mag-echo yung boses ko sa buong CR.







Naglalakad na ako ngayon papunta sa room namin at naisip ko yung mga sinabi ni Zia, tama nga sya hindi talaga ko magkakaboyfriend kung lagi na lang silang parang linta na nakadikit sakin. Pero pano naman ako magkakaboyfriend neto eh kapag nalaman naman ng mga lalaki na ako yung bunsong kapatid baka 'di na nila ko lapitan, siguradong ikukumpara nila ko sa mga kapatid ko .








Sasabihin nila, eh yan ba yung kapatid? 'bat ang panget naman, ang plain naman, bat 'di nila kamuka, hindi naman ganung maganda ganern ..





Hai, ang hirap naman palang magkaboyfriend sa sitwasyon kong 'to kainis!







Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may nakasalubong akong dalawang lalaki, pareho silang nagpapanic.






"Pre, ang lakas ng tulo ng dugo nyan, ok ka lang ba?" sabi nung isa.





"Ou nga pre, nahiwa ako ng gunting eeh shit! May band aid ka ba??" daing naman nung isang lalaki na nasugatan yata yung daliri.






"Pre, wala eehh, baka sa nurse office meron .." sabi uli nung isang lalaki.






"Eto gamitin mo" nag-offer ako ng band aid sa kanila, ewan ko ba para silang natameme at bigla na lang natahimik na napatingin sakin. Kinuha naman ng lalaki na nasugatan yung band aid.







"Ahh, miss officer ka ba dito??" tanung nung nasugatan.







"H-hinde, sanay lang kasi ako na may dala akong ganto yung kapatid ko kasi madalas masugatan .." paliwanag ko. Si Tyler kasi 'yon, madalas syang umuuwi na may sugat sa muka, sa braso at kung saan saan pa.





"Ahh ganun ba? Ahmm salamat dito aahh " Tapos nun ngumiti sya ng pagkatamis tamis sakin





Teka ngayon ko lang napansin, gwapo din pala itong si kuya, eeehh!! ><






"Ahhm, anu nga pala pangalan mo Miss??" tanong nya sakin, kinilig naman ako ng konti.






"A-alisson .." nahihiya kong sagot.





"Salamat uli Alisson hah .."







Bigla namang bumulong yung isang lalaki."Oy, Dennis kapatid yan ni Tyler " sabay tapik nia sa balikat nito.  Matalas talaga eardrums ko ee.. Wait Dennis pala pangalan nya.
"Pre, tara na 'wag na tayong lumapit d'yan mayayari tayo" sabay akbay nung lalaki. Anung mayayari?






Narinig ko 'yon, kaya naman tumalikod na ako at nagsimula uling maglakad. Eto na naman, sabi ko na nga ba pagna-envolve ako sa kung sino sigurado kasunod na nun yung pangalan ng mga kapatid ko. Haii, aaminin ko, nalungkot din ako bes,  hirap talaga ee, kainis!.






"Teka!!" nagulat na lang ako ng biglang may pumigil sakin at humawak sa braso ko. Si Dennis pala 'yon "Pwede ba kitang maging Girlfriend?!"






1!





2!




3!





Boooommm!!!







Nashock ako ng bonggang bongga sa sinabi nia, yung bibig ko yata pwede ng pasukan ng langaw. Hala, bilis naman neto, girlfriend agad?? walang ligaw ligaw??






"T-Teka, 'bat parang ang bilis mo naman yata.." nabubulol pa 'ko at bes yung tibok ng puso ko nagwawala! "H-hindi naman ako maganda, I'm not that smart, plain lang ako at, at .." ewan ko, parang wala na 'kong masabi.






"Hindi totoo yan! " sigaw ni Dennis, kinuha nia ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit "Yun nga ang gusto ko sayo ee, First time kong makakita ng cute na kagaya mo, saka ang bait mo pa sakin, wala akong pakelam kung anung sasabihin ng iba sayo, Gusto kita, kaya sana sagutin mo ko Alisson.." dugtong pa nya.







Hindi ko alam kung anung muka ang ipapakita ko, oh kung anong feelings yung mararamdaman ko ngayon, halo halo kasi ee, may feeling na anytime yata tutubuan ako ng spring sa paa tapos pwede na 'kong tumalon sa sobrang saya, basta kakaiba yung feeling, kukulangin yata ako sa explanation. Ganito pala kasaya yung pakiramdam na may magconfess sayo for the first time, yung pakiramdam na sabihan ka ng Gusto kita, Ehhhh!!!! kilig to the bones bessss, di ko yata kerriiii ituuuuu!!! ><







Nag-usap kami ng medyo matagal sa park netong school namin, 1st year na din pala sya gaya ko at mahilig din sya sa sports. Marami kaming pinagkwentuhan umabot pa nga sa puntong nakalimutan ko na pumasok sa klase. Ang galing ko diba, yari ako kay Kuya Leo neto.








Medyo hapon na rin nung natapos kami.








"Ahmm, s-sige Dennis ingat ka pauwi hah, salamat.." Nginitian ko sya at ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko.







"Ikaw din Alisson, ingat ka .." Sabi nya habang nakangiti din.







Sinagot ko sya at for the first time bes, Nagkaron ako ng boyfriend.







Kinawayan ko sya habang pinapanuod syang maglakad pauwi, hindi ko ma-explain pero parang may tatlong mata yata ang nakatingin sakin.









- -

iamtinai ♡

Three Brothers, One SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon