Ang pangalan niya ay Celine Fortuna. Siya'y labing limang tanong gulang. Mahaba ang kanyang matingkad na kayumangging buhok. Singkit ang kanyang mga mata na kasing kulay ng ginto. Lagi siyang nakangiti. Hugis-puso ang mukha niya. Mapayat siya. Mga 5 feet at 2 inches siya.
Ang damit niya ay binubuo ng puting blusa na may manggas na butas sa bahaging balikat, itim na vest na walang manggas, pulang palda at itim na sapatos na walang takong. Sinusuot niya din ang isang kuwintas na gawa sa amber. Nakakabit sa sinturon niya'y isang rapier.
Paboritong kulay niya'y kahel. Pinakagusto niyang kainin ay Chapchae. Ang pampalipas-oras niya ay ang eskrima. Kaarawan niya'y sa Abril 13. Siya'y laging nagbibiro at napakadaldal, kaya, kapag tahimik siya, kinakabahan na ang mga kaibigan niya. Magaling siyang sumayaw at kumanta. Mayaman siya pero bukas-palad siya. Mahal niya ang pamilya at ang mga kaibigan niya. Natatakot siyang malunod dahil sa isang nangyari noong bata pa siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/12564017-288-k537b32.jpg)