Nerdy 9

579 26 7
                                    

HI GUYS ETO NA YUNG CHAP. 9!!!
___________________________
SAMANTHA'S POV.
Nung pagyakap nya sakin, hindi ako makagalaw. Para akong namanhid. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit ganto yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sya matulak papalayo sakin. Gusto ko rin bang yakapin sya?! Ano ba kasing kalokohan to?

"Kyle ano ba?!!" pagpupumiglas ko. "Damn! Sam just give me a minute. Hayaan mo lang akong yakapin ka, kung iniisip mo yung sinasabi ng iba, just please ignore them and don't give a damn! I wanna hug you this time,please!" sabi nya.

This time Kyle, papabayaan muna kita. Wala na akong magagawa eh. Kyle bakit ba kasi ganyan ka?

Kumawala na rin sya sa yakap. Nginitian nya lang ako. Oo na, aaminin ko, ang pogi nya.

"Thank You Samantha" pagpapasalamat nya. Huh? Salamat saan? Wew.  "Salamat saan?" nagtataka kong tanong. "Salamat kasi pinagbigyan mo ako" sabi nya.

Ah, yun pala yun. Tss nagpasalamat pa sya. Kala ko kung ano. Pero dapat lang na magpasalamat sya tsk. Pero hindi ko pa talaga na proprocess sa utak ko kung bakit nya ako niyakap.

"Malapit na mag class" sabi nya "Let's go Samantha, baka ma-detention tayo." sabi nya. Hinila nya na ako papuntang classroom.

Habang hila-hila nya ako palakad ng corridor, lahat ng tao sa paligid namin tumitingin samin. Huhu sabi na eh.

Saba bilisan ni Kyle, di ko na kaya mga tingin nila. Hay sa wakas andito na rin kami nsa pinto ng classroom.

Pag pasok namin ni Kyle, lahat ng kaklase namin nakatingin samin. Pati ba naman dito.

Dumeretso nalang ako sa upuan ko. Si Kyle, ayun naiwan sa harap ng pinto. Pero dumeretso narin sya sa tabi ko. Oo nga pala magkatabi kami! Ano ba yan!

Tumingin sya sakin at ngumiti ng nakakaloko. Aba! Nang aasar ata to eh! Aysh bwiset! Sirang sira araw ko ngayon dahil sakanya! Sana kasi hindi ko yan kaklase! At sana hindi ko sya hinayaang yakapin ako. Siguro trip nya lang ako kanina.

Dumating na ang prof namin. Hays, eto lecture nanaman. Wala na akong choice kung hindi makinig. Gusto ko rin kasing mamaintain yung grades ko.

Yung katabi ko naman mukang hindi interesado sa tinuturo ng prof namin. Tsk, etong lalaki talaga namimili ng prof na pakikinggan tsk. Hays, naalala ko tuloy.... AYT! SAM TIGIL NGA!

So ayun malapit na matapos tong Lecture namin. Ang boring talaga.

Falling Inlove with a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon